CHAPTER 3
"What happened to my princess?"
"She's fine, Edwardo. Buti nalang at tumawag si Tyrone, kahit busy siya naalagaan niya parin ang asawa niya."
"Kumain na ba siya?"
"No, she's still asleep, kanina pa simula no'ng dumating ako."
Nagising ako nang marinig kong nag-uusap sina mommy at daddy. Kahit na inaantok pa ang diwa ko ay nagawa ko pa ring imulat ang mga mata ko dahil sa gulat.
"M-Mom, D-Dad. Bakit p-po kayo nandito?" I asked them while rubbing my eyes.
Instead of answering my question, Mom hugged me.
"Thank, God, your alright, my baby."
"I'm okay mom, m-may trabaho pa po kayo pero inuna niyo parin ako." I tried to hide my emotions infront of them. Ayokong mag-alala sila.
"Mahal ka namin, baby. So bakit hindi ka namin uunahin? Anak ka namin, and we can't afford to lose you, honey." Mom said while caressing my cheek. She flashed me a sweet smile. Para itong sakit na nakakahawa at bigla nalang akong napangiti tulad ng ginagawa niya. My mom is the sweetest woman I have ever known in my entire life. I love them.
Mayamaya ay tumayo na si mommy upang sana ay makita ko si daddy sa gilid nito, ngunit ganoon na lamang ang aking nararamdamang kaba nang mahuli ko itong nakatitig sa mukha ko na para bang may inoobserbahan.
"Wait, anong nangyari sa mukha mo? Bakit may pasa ka, Sam?" tanong ni daddy habang nakakatitig sa mukha ko, I stopped. What should I do?!
Think, Samantha. Think!
"A-Ah, andami po kasing lamok dito, dad. Yeah! So don't worry, gagamutin ko po 'to." palusot ko pa, napalunok nalang ako nang biglang lumapit si daddy at tiningnan ang mukha ko.
"I don't think this is just a mosquito bite." he said, lumayo naman ito saakin ng bahagya.
"Who did this, Samantha?" daddy questioned as he continue stare at me. He is looking at me, intently. Nanigas naman ako at takot na napatingin sa kanya.
"Hahay, D-Dad. I swear, kagat lang to ng lamok—" I tried to act but then he suddenly cut my words.
"I don't believe in you." madiin nitong wika. Napalunok ako ng sariling laway. It feels like, my fever suddenly vanished away.
"Kung hindi ito galing sa kagat ng lamok. E, di saan po ito nanggaling?" I forced myself to joke and laugh. No! Ayokong malaman niya ang patungkol dito at baka kung ano pa ang magawa niya.
"Is it him?" napalunok na lamang ako sa naging tanong nito. Goodness! How can my father be this smart?
"S-Sinong siya, dad?" gusto kong sapakin ang sarili ko dahil sa sinabi ko. Masyado na akong halata!
"Your husband." he said firmly.
"Dad, di ko hahayaang pagbuhatan ako ng kamay ni Tyrone, sasabihin ko naman sainyo in case na mangyari yun eh."
Liar, Samantha! Kapag nalaman niyang nagsisinungaling ako, hindi ko alam kung anong mangyayari sa buhay ko. My goodness, thankfully he did not see my other bruise here in my left arm.
Ilang segundo pa ako nitong tinitigan. Kaya tinitigan ko siya pabalik. I completely know his ways.
Mayamaya ay tuluyan nang lumambot ang ekspresyon ng mukha nito at nagpakawala ng isang malalim na hininga, "Hmm, okay. Next time, mag lagay ka na ng repellent lotion. Not because sarado itong bahay niyo, doesn't mean na magiging pabaya ka na sa sarili mo. Understand?" Dad said. I sighed in victory.