Nang makabalik ako sa condo ay agad agad kong inayos ang mga gagamitin ko. Tita Air planned to have an afterparty pagkatapos ng fashion show. Overnight din yun. Pinagiisipan ko pa nga kung sasama ako o hindi e. Well, sabagay. Wala naman akong masyadong ginagawa dito sa condo at mag-isa lang ako. Pwede naman siguro akong sumama. Kaya nga lang, kung magtatagal ako doon, tataas din ang possibility na magkkrus ang landas namin ni Ara.
Well. What's the matter, Mika? Nagusap naman na kayo. Nagkita na. Saka makikita ka rin naman niya dahil malamang rarampa ka sa stage mamaya! Tss, lately napapansin ko talagang nagiging unreasonable na ko e.
Habang nagaayos ay hindi ko maiwasang hindi magbaliktanaw sa nangyari kagabi at kanina. Although wala akong matandaan na kinausap nila ako, (well except of course kay Cienne na super sarcastic naman, and Ara na hindi ko maintindihan) I'm still contented. I'm one step closer to my goal. At least, nasubukan ko ulit ang makasama silang lahat.
Huminga ako ng malalim at kinuha yung notebook. Mission #2 and Mission #3? I can't say that it is both successful. Lalo na yung pangatlo.
I wrote 'FAILED' sa parehong pahina. Hindi ko na rin binuklat pa yung sumunod. Siguro, after ng event ko na lang ulit titignan.
Pagkatapos kong mag-ayos ng mga gagamitin ko ay naligo na ako. Habang nasa shower ay hindi ko maiwasang mag-isip.
Ara and her words. May naiisip akong ibig sabihin niyon pero ayaw kong i-entertain. Ayaw kong i-entertain dahil ayaw kong umasa. Dahil simula pa lang, nung bumalik ako, alam kong hindi na pwede. Bukod sa may bago na siya, kahit kailan ay hindi aayon ang tadhana sa amin. Laging may tumututol. Laging may umaalma.
Siguro'y susubukan ko na lang kalimutan iyon. Besides, nandito naman ako para sa friendship naming lahat. Hindi para sa iba pang bagay.
Nang matapos akong makaligo at makapagbihis ay kinuha ko yung phone ko. Saktong may tumatawag. Great timing, eh?
Si Ate Aby.
"Hello?" Bungad ko.
"Hello, Mika! Papunta ka na ba?"
Tinignan ko ang relo ko. Maga-ala una pa lang naman. Nandun na kaya silang lahat?
"Yup. Sorry, late na ba ako?" Tanong ko at kinuha na yung susi ng kotse.
Kung sakaling andun na nga sila at ako na lang ang wala, nakakahiya naman yun! Bago pa lang ako ay late na. Pero wala pa naman kasing ala una e. Di bale, sa susunod alas onse pa lang andun na ko!
"Hindi naman. Maaga pa nga e. May naghahanap lang sayo dito." Sagot niya na ipinagtaka ko.
Kumunot yung noo ko. "Ha? Sino?"
Maaari kayang si Ara yun? Pero, bakit? Parang imposible naman yata?
"Aray naman Je!" Maya maya pa ay rinig ko sa kabilang linya.
"Bat mo sinabi? Sabi ko, act normal." Boses ni Jeron.
"Nagtatanong siya e!" Sabi ni Ate Aby.
So it's Jeron? May part sa akin ang na disappoint. Oo nga naman? Bakit si Ara ang inisip ko? Wala naman siyang dahilan para hanapin ako e.
"Uhm, ate?" Tawag pansin ko sa kanila.
"Hello, Mika? Sorry may nanggugulo e. Hintayin ka na lang namin dito a? Ingat!" Pagpapaalam na ni Ate Aby.