Kahit kailan ay hindi ko inakala na aabot ang lahat sa ganito. Who would have thought? Noong una ay parang napakadali lang isipin ng lahat. Noong una ay parang napakadali lang para sa akin ang mga dapat kong gagawin. Pero nagkamali ako. Maraming saklaw. Napakaraming dapat intindihin. Napakarami palang dapat unahin bago ang lahat. Napakarami kong dapat isaisip. Napakarami kong kailangang tanggaping sakit.
First, si Ara. Ex ko siya, pero isa pa rin siya sa mga taong kailangan kong hingan ng tawad. Hindi ko naisip iyon. I didn't thought that I have to deal with her first before everything. She's my ex. And it didn't cross my mind that, she, also is one of my best friend. Nasaktan ako. Kasi mahal ko pa, lahat ng pagmamahal ay bumalik. But at the same time, alam kong mali. Maling mali dahil may ibang tao ng involved.
Second, si Bang. Wala akong problema sa kanya noong una. Pero habang lumilipas ay nagiging mahirap na para sa akin. I understand tho. I understand it now. Siguro ay nabahala siya sa presensiya ko. Siguro ay nathreatened siya. Kaya akala niya ay aagawin ko sa kanya ang lahat.
Still, I don't want to tolerate all of these. Alam ko kung ano ang totoo. She's not sick. And I don't want her to continue fooling us . Ayokong ipagpatuloy niya ang pagloloko sa amin, sa mga kaibigan niya. Kahit na sabihin nating ginagawa niya lang iyon dahil sa pagkamuhi niya sa akin.
Galit ako. Galit ako sa kanya dahil nagawa niya kaming lokohin na may sakit siya. Galit ako dahil ako pa ang ginawa niyang dahilan sa lahat. Galit ako dahil ako pa ang sinisi niya sa lahat. Galit ako. Pero sa kabila ng galit kong iyon ay mas lamang pa rin yung sakit sa akin. Sakit dahil, andito ako ngayon. Sinasabi kay Kim ang lahat. Pero, she's still in doubt. Ang sabi niya ay kilala niya si Bang kaya alam niyang hindi niya magagawa iyon. Nasasaktan ako kasi hindi niya halos magawang maniwala sa akin. Kung si Kim ay ganito na. How much more si Cienne? Camille? Carol? Ara? Ang sakit. Kasi parang ang dali para sa kanilang i-ignore ako at mas paniwalaan si Bang.
Masakit pero wala akong ibang magawa. Wala akong ibang magawa kundi tanggapin. I deserve this. So I'll accept it. I'll accept all the pain. I know I can do this. I know... and I hope.
"What..." Suminghap si Carol. "is happening?"
Hindi kami nakaimik tatlo. Lumapit silang lahat sa amin ng may gulat pa rin sa mga mata. Nanguna si Cienne, of course, hindi na dapat ako magtaka. I know her. Siya ang pinakavocal sa aming lahat. She won't let at least one question to bug her. Wala siyang pinapalampas na tanong sa utak niya.
"Anong nangyayari Kim? Sino yan?" Tumingin siya kay Mela bago sumulyap sa akin. "And what the hell is she doing here?"
"Watch your mouth, Cienne."
Napatingin ako sa nagsalita at hindi na ako nagulat ng malamang si Ara iyon. Humigpit ang hawak sa akin ni Mela.
"Why? Bawal na bang magtanong ngayon?" Umirap si Cienne.
Tumikhim si Kim. "Hindi ko alam na pupunta kayo dito. I invited them here."
Nagulat ako sa sinabi ni Kim. Again, she's still protecting me kahit na may doubt siya. Tinignan ako ni Mela, nagulat din sa sinabi ni Kim. Pinisil ko ang kamay niyang nakahawak sa akin. Tila naman naintindihan niya iyon at hindi na umimik.
"Yeah right." Sarkastikong sabi ni Camille.
Walang pagaalinlangan naman dumeretso si Bang hawak hawak si Ara. Pumunta siya sa harapan ko at saglit pa akong tinitigan bago sumulyap sa mga kasama.
"Come on guys. Ano namang problema kung nandito sila? Wala na tayong magagawa." She said.