Another week had passed at naging normal din sa akin ang lahat. Nagfocus din ako sa trabaho ko at sa mga kabi kabilaang offers. Kadalasan din ay kasama ko si Jeron sa trabaho kaya lumalabas labas din kami paminsan minsan. Hindi naman naging awkward para sa amin ni Jeron iyon dahil nalinaw ko naman na ang sarili ko sa kanya. He agreed. Kaya walang naging masyadong problema.
Somehow, I feel so guilty dahil sa mga nangyayari. Kasi kahit naman na nilinaw ko na kay Jeron ang lahat ay sumasama pa rin ako sa kanya minsan. Feeling ko tuloy ay pinapaasa ko siya sa mga ganung move. Pero kasi, wala rin akong magawa e. Siya naman ang nagpupumilit. And, wala rin naman akong kasama dahil may mga trabaho na sila Jessey. Well, I'll just go with the flow, I guess?
Bumuntong hininga ako. Hindi na rin kami nagkaroon ng kahit na ano pang encounter nina Ara simula nung nangyari noong nakaraan.
Hindi katulad dati ay mas magaan na ang pakiramdam ko. Siguro ay dahil unti unti ko ng natatanggap ang lahat, at siguro ay unti unti na rin akong naglelet-go sa feelings ko sa kanya. Ilang taon ko ding kinimkim at tinago, at ngayong lumabas na muli ay binibigyan ko na ng pagkakataon ang sarili kong lumaya mula sa pagkakakulong ko sa nararamdaman ko para sa kanya. Noong una pa lang naman talaga ay wala na iyan sa plano ko. My actual plan was to be with my old friends, say sorry to them, and to bond with them again.
I sighed. Two week had passed after the last time na nagtagpo ang mga landas namin. Kumusta na kaya sila? Si Bang, kamusta na siya? Patuloy din naman sa pagcontact sa akin si Kim tungkol sa kalagayan nila pero minsan ay hindi ko rin maiwasang hindi makuryoso sa mga nangyayari sa kanila. Wala rin naman kasing nagu-update sa akin. Well, sino nga ba ang gagawa nun? Si Kim lang naman.
Huminga ako ng malalim at nagpatuloy na lamang sa pagaayos ng sarili.
Umaga na at wala rin akong gagawin ngayong araw, naligo muna ako at nagbihis dahil plano kong pumunta sa isang grocery store para bumili ng mga iluluto ko sa sa darating na Pasko.
Nang matapos ako sa pagaayos ay dumeretso na ako sa kotse at nagdrive na papunta sa pinakamalapit na grocery store.
Nang makarating ako doon ay kumuha na ako ng cart at nagsimula ng tumingin tingin sa paligid. Kumuha ako ng para sa spaghetti, barbeque at mga prutas na rin para meron na akong stock for New Year. Bumili na din ako ng mga ilang kailangan ko sa condo. Ang dami kong kinuhang mga pagkain, chichiria, ice cream, biscuits at sweets. Hindi kaya ako tataba nito? Hindi naman siguro. Hindi ko naman kakainin yan sa isang araw lang, saka andiyan naman sina Mela, di lang ako ang makikinabang. Oha.
Dinamihan ko na ang kuha ko. Silly, Mika. Dami mo pang palusot e talaga namang gusto mong kumain! Namiss ko talaga kasing kumain ng medyo marami dahil these past few weeks ay nililimitahan ko ang sarili ko dahil sa mga gigs at pictorials ko. Well, andiyan naman ang gym kung sakaling tumaba ako. Ha! Problem solved!
Pagkatapos ko doon ay kumuha din ako ng alcohol at ilan pang nilalagay sa first aid kit, kung sakali lang naman na masugatan or what.
Siguro mamaya ay maglalaan din ako ng oras para makapagshopping ng ilan pang mga damit. Bilang regalo ko na rin sa sarili ko saka medyo malaki din naman kasi ang kinita ko nitong mga nakaraang araw. Parang nagmistula ko na rin itong alone time. Masaya naman e. Walang maingay.
Nang matapos na ako sa pagkuha ay punong puno ang push cart ko. Dumeretso ako sa counter at binayaran yung mga pinamili ko. Dinala ko muna yun lahat sa kotse bago muling bumalik para tumingin tingin ng mga magagandang damit.
"Good morning, Ma'am!" Maligayang bati sa akin nung guard na nagbabantay.
I smiled at him. "Good morning din po."