Chapter 1

145 2 0
                                        

Nathan's P.O.V

"Nathan!!!..." Narinig ko ang malakas na sigaw ni ate mula sa pinto kasabay ng malakas niyang pagkatok "...Nathan!!! Wake up!"

"Gising nako" Walang ganang sagot ko

"Dapat ka lang talaga magising!!!... Ano oras ka na naman ba natulog kagabi ha!..."

'Hayyssss umagang umaga sermon ni ate ang almusal ko'

"...Pag ako! Nainis papatanggal ko na yung wifi natin! Sinasabi ko sayo!..."

Hindi ko na pinansin yung mga sinasabi ni ate dahil masyadong repetitive lang naman yung sinasabi niya. Nagtuloy lang ako at ginawa ang morning routine ko

"...Nathan!, First day of school ngayon!... First day of school mo bilang isang grade 11! Pero para ka paring junior high mag isip!..."

"Sige" Walang koneksyon sa sinabi niya pero sinabi ko parin para inisin lang siya

"Anong sabi mo!?" Inis na tanong niya. Ngumisi muna ako bago sumagot

"Sabi ko... Kung pwede dun ka na muna sa labas kase magbibihis ako" Word by word ko sinabi sa kanya para lalong maintindihan niya. Parehas kaseng mahina utak namin ng ate haha. Lumabas naman siya, Pero as usual maingay pa din at wala talagang tigil yung sermon niya.

Pagkatapos ko magbihis ay nagtungo nako sa lamesa para mag almusal

"Wow!! Kailan ka pa natuto magluto ng champorado?" Tanong ko sa kanya

"Wag mo na akong tanungin! Kumain ka na lang jan! Dimo ba alam..."

"Sandali nga lang!..." Pagpigil ko sa kanya "Pano naman ako makakakain ng maayos niyan te, kung sa sermon mo palang busog nako"

tiningnan niya ako ng masama pero nagtuloy lang ako sa pagkain. Pagkatapos kong kumain nag presenta si ate na siya na ang maghatid sakin sa school. Tutal wala din naman akong license... two choice lang ang meron ako: Either 'Mag pahatid at pasundo kay ate with Sermon' or 'mag commute na sobrang hassle'

Pag dating sa school ay binigay na ni ate ang allowance ko for 1 week

"Ito lang?" Malungkot na tanong ko sa kanya

"Saka ko na dadagdagan kapag marunong kanang maghawak ng pera"

"Bakit..." itinaas ko ang kamay ko habang pinapakita ko sa kanya na hawak ko ang perang binigay niya "...sa tingin mo ba? Hindi ako marunong humawak ng pera?"

Babatukan niya sana ako pero naka-ilag ako 'hehe'

"Hoy! Nathan! Ang ibig ko sabihin! Masyado ka kaseng magastos kaya lilimitahan ko na ang perang hinahawakan mo!" Paliwanag niya

"Okay" dismayadong sagot ko

"Oh sige na, Pumasok ka na... baka ma-late ka pa sa klase mo" tumango na lamang ako at sumenyas na papasok na.

Pagdating ko sa loob ng school, agad kong hinanap ang bulletin board kase doon nakapaskil yung mga listahan ng mga pangalan at kung saan room ito kabilang. Habang hinahanap ko ang pangalan ko sa board bigla nalang may tumapak sa sapatos ko

"Ooooops! Sorry tol" Nilingon ko kung saan nagmula ang boses at nakita ko ang isang babae... Kumunot ang noo ko

"Ah... Next time titingin ka rin sa dinadaanan mo" Walang ganang sagot ko sa kanya pero ngumisi lang siya sakin bilang sagot. Medyo nainis ako pero nagtuloy nalang ako sa paghahanap ng pangalan ko sa board. Tulad ko hinahanap niya rin ang kanyang pangalan sa bulletin board at wala pang dalawang minuto agad niyang nahanap ang kanyang pangalan at agad din umalis

I Love You TropaWhere stories live. Discover now