Howard's P.O.V
Maaga ako nagising at nagbihis para pumasok sa school. Sobrang excited talaga ako araw-araw pumasok dahil kay trisha. Dahil unang araw palang tinamaan na ako sa kanya. Kahit medyo hindi niya ako masyadong kinakausap atleast nakakasama namin siya. Sa totoo lang nagseselos ako kay nathan kahapon... bakit kasi si nathan pa yung gusto niya isama sa labas eh pwede naman ako. Nakakainis. Pero kahit ganun, Kailangan ko gumawa ng paraan para hindi na magalit sa amin si trisha. Especially, kay nathan
"Oh? Howard hindi ka man lang ba mag-aalmusal?" Tanong ni mom
"Hindi na po mom!, una na po ako"
"O sige, mag ingat ka sa pagdrive ah"
"Ok po! Bye"
Habang nagdadrive ako ang laman ng isipan ko ay si trisha. Sobrang weird pero ang saya saya ko pag naiisip ko siya
'Sana ikaw ang unang makita ko ngayong araw'
Pagkadating ko ay agad akong nag park at saka pumasok na sa school
'Akalain mo nga naman! Natupad ka agad ang wish ko!' Bulong ko sa sarili
Nakita ko si trisha na pumasok sa library. Sinundan ko siya
"Trisha!" Pagtawag ko sa kanya pero hindi siya lumingon kaya lumapit ako sa kanya "Trisha naman..., Pansinin mo na kami"
"Bakit ka nandito?" Tanong niya sakin
"Kasi nandito ka" sagot ko. Medyo kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin "I mean, Sinundan kasi kita".
"Bakit mo ako sinundan?"
"Gusto ko lang kase humingi ng sorry sa nangyari kahapon"
"Hindi na kailangan" sagot niya
"Hindi ka na galit sa amin?" Tanong ko
"Hindi"
"Yes!" Bigla akong napayakap sa kanya. Pero segundo lang ay agad akong umalis mula sa pagkakayakap sa kanya "I... I'm sorry"
Hindi niya ako pinansin pero mukhang hindi naman siya nagalit sa ginawa ko kaya sumunod lang ako sa kanya. Pagkatapos namin sa library ay nagpasya na siya na pumunta na kame sa room
Sa room...
"Mukhang ayos na kayo ni trisha ah" Tanong ni nathan
"Ang sabi niya, hindi naman daw siya galit eh" paliwanag ko
"Talaga?" Sagot ni nathan
"Oo" sagot ko
Dumating na si mrs. Ariosa at nag discuss na ka-agad siya pagkatapos ni mrs. Ariosa ay may mga sumunod pang mga teacher ang nagdiscuss. Ilang oras pa ang lumipas ay dumating na ang pinaka favorite time ko sa school ang breaktime
"Yayain natin si trishang kumain?" Sambit ko
"Bahala ka" sagot ni nathan kaya tumayo ako at lumapit sa desk ni trisha
"Trisha... sumabay ka samin kumain" pag-aaya ko. Nagkatitigan muna kami bago siya sumagot
'Para talaga akong matutunaw sa tingin mo trisha'
"Sige... sasabay ako" Sagot niya
Bumaba na kaming tatlo sa canteen at umupo doon sa table na lagi naming inuupuan. Medyo tahimik yung table kase walang nag o-open samin ng topic kaya nagpasya akong tanungin kung ano ang order nila

YOU ARE READING
I Love You Tropa
Storie d'amoreAko si Nathan, Katulad mo... Isa rin akong reader sa wattpad. Umiikot nalang ang mundo ko sa pagbabasa ng mga stories. Pero isang araw, sa hindi inaasahang pagkakataon... nabago ang lahat. Ang dating mundo ko na umiikot lang sa wattpad, ngayon sa tr...