Nathan's P.O.V
Sobrang nakakailang yung titig niya sakin habang tinatanong niya ang pangalan ko. Kaya nag-iwas ako ng tingin sa kanya at saka ako sumagot
"Yeah, i'm nathan"
"Nice to meet you!" Sabay abot ng kamay
Kahit ayaw ko ay napilitan akong makipag shake hands sa kanya
"Bakit parang naiilang ka?" Tanong niya sakin
"Ah? Ako? Hindi ah!"
"Sus! Halatang halata ka na tol!"
'Tol? Bakit ganyan siya magsalita? Parang hindi talaga siya babae!'
Hindi ako nakatingin sa kanya pero ramdam kong nakatitig siya sakin
"Nevermind..., Bakit hindi ka pa umuuwe?" Tanong niya
"Ah kase hinihintay ko pa ang ate ko" paliwanag ko
"Ha!? Nagpapasundo ka pa sa ate mo?" Mayabang na tanong niya
"Nagpapasundo ako sa ate ko dahil ayokong mag commute pa uwe, sobrang hassle kaya" depensa ko
Tumawa siya na parang nang-aasar
"Alam mo? Ang gwapo mo sana, kaso..." lumingon ako sa kanya "Isip bata ka"
'Ako? Isip bata? Eh kung bigwasan kaya kita? Pasalamat ka babae ka'
"Oh? Bakit nakakunot ang noo mo?" Tanong niya
*Phone rings*
"Sandali lang, sagutin ko lang 'to"
"Hello?"
"Hello nathan?"
"Oh ate? San ka na ba!? Kanina pako naghihintay dito"
"Nathan baka hindi na kita jan madadaanan kase gagabihin ako ng uwi eh"
"Ha? Eh paano ako?"
"Jusko naman nathan! Ang laki mo na! Mag commute ka!"
"Hindi ako marunong ate"
*Toot toot toot
*Call ends...
'Nakakainis!'
"Anong problema?" Tanong niya
"Hindi daw ako masusundo ni ate ngayon"
"Gusto mo sumabay ka sakin pauwe?"
"Ha? Eh?"
Hindi ko alam kung sasabay ako o hindi
"Ano? Sasabay ka ba? Tara na!"
Hindi na ako sumagot at sumabay nako sa kanya sa paglalakad
"By the way, sorry nga pala kanina" Ani sophia
'Buti naman naalala mo yung ginawa mo kanina'
"Hindi ko yun sinasadya tol! Hahanapin ko lang din sana yung pangalan ko pero hindi ko napansin na natapakan ko na yung tabingi mong paa hahahahaha"
"Nakuha mo pa talaga mang-asar"
"Hindi sa ganon, hindi ko talaga sinasadya tol! promise!" Sambit niya "Pero iba ka ah"
"Ha? Anong iba?" Sagot ko
"Kasi, first day mo palang ang dami mo na agad admirer" paliwanag niya "Pati mga kaibigan ko pinag-uusapan ka sa canteen kanina"
YOU ARE READING
I Love You Tropa
Roman d'amourAko si Nathan, Katulad mo... Isa rin akong reader sa wattpad. Umiikot nalang ang mundo ko sa pagbabasa ng mga stories. Pero isang araw, sa hindi inaasahang pagkakataon... nabago ang lahat. Ang dating mundo ko na umiikot lang sa wattpad, ngayon sa tr...