Part 10

2K 97 1
                                    


PAGMULAT ni Moana ng mga mata ay nabungaran niya ang mga dahon ng puno sa itaas. Mga ilang saglit pa siyang tulala at naghahati ang diwa hanggang sa ma-realize niyang maliwanag na. Umaga na. Nagdaan na ang gabi. Kinapa niya ang sarili at pinagmasdan ang paligid. Naroon pa rin siya sa tinulugan niya kagabi. Hindi siya kinuha ng mga aswang para gawing dinner kagabi o ng mga maligno para i-torture o gawing kabilang sa mga ito. Walang nagpakitang white lady. Hindi siya sinaniban. Buhay siya! Hindi siya namatay.

Napasinghap si Moana nang matuklasang wala si Kirst sa higaan. Kinuha ba ng mga aswang at maligno si Kirst? Bakit si Kirst lang at hindi siya isinama? May kinalaman ba ang pagtawag ng binata ng 'shit' sa mga maligno? Kaagad na nag-init ang mga mata niya. "Kirst? Kirst!!!" sigaw niya. Humagulgol siya. Nahiling niya na sana ay kinuha na lamang din siya ng maligno. Hindi niya kayang mabuhay sa islang iyon na wala si Kirst.

"Anong nangyari sa 'yo?"

Mabilis na nag-angat ng mukha si Moana at natagpuan si Kirst na naglalakad mula sa di-kalayuan. May hawak na bolo ang lalaki. Wala nang suot na coat ang binata. T-shirt at boxer shorts na lang ang suot nito. Ang ilang strands ng buhok ay kumawala na sa ponytail. Ganoon na lamang ang relief at sayang naramdaman niya nang makitang buhay rin si Kirst.

Mabilis na tumayo si Moana at yumakap sa lalaki. "Buhay ka!" Humalakhak siya sa tuwa.

Inalis ni Kirst ang pagkakayakap ni Moana rito. Mukhang napapantastikuhan ang binata sa ginagawi niya.

"Buhay ka. Buhay tayong dalawa. Hindi tayo namatay!" masayang-masayang sabi ni Moana.

"Obviously." Hindi mukhang masaya ang lalaki.

Abot-tainga ang ngiti ni Moana habang nakatitig kay Kirst. "Hindi totoong pugad ng mga multo, aswang at maligno ang islang ito!"

"I've told you yesterday those things are not real."

Hindi totoo ang Ghost Island! Maaaring isang matandang paniniwala lang na pinamumugaran iyon ng mga maligno.

Humakbang si Kirst at kumuha ng isang buko mula sa limang buko na nakakalat sa buhangin malapit sa patay nang bonfire at tinabas ang bumbunan ng buko at pagkatapos ay ibinigay sa kanya. "Here. Iyan ang breakfast natin. It is water and food in one."

Manghang tinanggap ni Moana ang buko. Ang buko juice at coconut meat ang tinutukoy nito. "Umakyat ka sa puno?"

"Yeah."

Na-impress si Moana. Nai-imagine niya na umaakyat si Kirst sa puno... gracefully. "Saan ka nakakuha ng bolo?" tukoy niya sa hawak ng binata.

"I found this somewhere. Dala siguro ng mga taong na-stranded na rito noon at iniwan dito. May nakita rin akong sirang bangka sa shore sa gilid. It's unrepairable. But I found some stuff we could make use of." Itinuro ni Kirst ang mga gamit na nakahambalang sa di-kalayuan. May maruming lona, lambat, sibat, ilang pahabang kahoy, ropes, palayok, lampara at kung anu-ano pa.

Natuon ang tingin ni Moana sa isang maliit na balde ng tubig. "Tubig-dagat ba 'yan?"

"Galing 'yan sa batis. Sinalok ko sa falls. Puwedeng panghilamos at pangmumog. Hindi 'yan saltwater kaya hindi masakit sa mata."

In fairness, mukhang malinis ang tubig dahil malinaw iyon.

"I will try to build a shelter. Para kung sakaling umulan, covered tayo."

Kung ganoon ay maaga pa lang ay naglilibot na si Kirst sa isla upang makahanap ng mga magagamit nila sa pananatili sa islang iyon. Kaya pala nagkumawala na ang strands ng buhok nito sa ponytail dahil kanina pa ito nagtatrabaho. Ngayon siya mas naniniwala sa sinabi ng binata kagabi na hindi sila mamamatay. Hindi nga siya mamamatay kung ganitong klaseng lalaki ang kasama niya sa isang deserted island. Hindi lang guwapo at may perfect physique, handyman din yata ito.

"Tutulungan kita!" optimistic na sabi ni Moana.

Nagdududa ang tingin na ibinigay ni Kirst sa kanya. Kaya kahit walang sinabi ang lalaki ay nahulaan ni Moana ang gustong sabihin nito.

"'Wag mo akong itulad sa ex mong model. Hindi ako tulad ng female models na puro pagpapaganda at pagpapa-girl lang." Napuna niya na tila nag-iba ang titig ni Kirst. Halatang hindi ito natuwa sa tinuran niya.

Napalunok si Moana. Hindi kaya naalala ni Kirst ang modelong ex at nakaramdam ito ng bitterness? Naalarma siya nang mag-walk out ang lalaki. "Teka. Saan ka pupunta?"

"I have to go get coconut leaves for the shelter," tila wala sa mood na tugon ni Kirst.

"Teka! Sasamahan kita."

"Para ano? Para magngangangawa ka na naman sa takot habang naglalakad tayo sa woods?"

"Hindi na ako natatakot ngayon. Convinced na akong wala talagang maligno sa islang ito. Kaya tutulungan na kita." Ilalapag sana ni Moana ang buko pero natigilan siya.

"No. You just eat here and wait for me."

Hindi na nangulit pa si Moana dahil baka masungitan siya ni Kirst. Bumalik na lang siya sa nakalatag na sarong at tinungga ang buko.

Ano kayang dahilan kung bakit naghiwalay si Kirst at ang nobya nito? Mahal pa rin siguro ng binata ang ex-girlfriend kaya ganoon ang mood nito. Hindi pa nararanasan ni Moana ang ma-brokenheart kaya hindi niya alam kung ano ang pinagdaraanan ng modelo. Kaya kailangan niyang intindihin ang binata at maging sensitive sa feelings nito. Hindi dapat siya magbanggit ng anumang may kinalaman sa ex-girlfriend at pag-ibig.

Habang nginangatngat ang coconut meat ay napangiti si Moana. Bigla kasi niyang naisip na nakatulog siya kagabi na nakayakap kay Kirst. Iyon ang dahilan kung bakit nagawa niyang makatulog kagabi. Pinawi ng binata ang takot sa dibdib niya nang wala itong nalalaman.

All I Want For Christmas Is You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon