Part 24

2.4K 123 14
                                    


"NAPAGOD ako pero masaya. Believe it or not pero isa ito sa mga pinakamasayang Pasko ng buhay ko," nakangiting wika ni Moana habang nakahiga sa papag. Gabi na at naghanda na sila para matulog.

Ang dating espasyo para sa dalawang tao sa pagitan nila ay naging kalahating tao na lang. Halos magkatabi na sila. Marahil ay dahil close na sila. Mas naging tight sila kanina nang sabay silang naligo sa dagat. Naghabulan at nagsabuyan ng tubig na tila mga batang naglalaro. Gumawa sila ng sand castle na kahit epic fail ay nasiyahan sila. Panay ang tawanan nila. Ilang araw pa lamang silang magkasama ngunit animo ay kay tagal na nilang magkakilala at komportable na sila sa isa't-isa.

Ang totoo ay iyon na yata ang pinakamasayang Pasko ng buhay ni Moana. Hindi lamang niya masabi dahil mahahalata ni Kirst ang damdamin niya para rito.

"Me, too," wika ni Kirst habang nakabaling sa kanya.

Nagdududa ang tinging ibinigay ni Moana sa binata. "Weh? Etchosero ka."

"Totoo. Kasi expected ko nang hindi magiging masaya ang Pasko ko this year at alam mo na kung bakit. But surprisingly, I enjoyed this day. I barely thought of anything sad because I felt really good about today. So, believe it or not, Moana, this is one of the happiest and most unique and memorable Christmases I've ever had. And... thank you. Because you made me happy today. Kung wala ka, I'd still be in deep shit right now. You've saved me from experiencing the loneliest Christmas ever."

Parang gustong maluha ni Moana sa labis na pagka-touched sa sinabi ni Kirst. Nagbawi siya ng tingin dahil baka mahalata ng lalaki na na-overwhelm siya sa sinabi nito. Siya. Si Moana Marie Camacho ang nagpasaya ng Pasko ng isang Kirst Verna. Feeling niya ay isang achievement iyon na puwedeng ilagay sa resume.

"Masaya ako na napasaya kita," ani Moana habang nakatingin sa langit.

"Naisip ko tuloy. Maybe we were really meant to be together in this island. Maybe Santa Claus sent you here in this island with me para makasama ko at pasiyahin ang Pasko ko."

"Ang senti mo!" Tumawa si Moana pero ang totoo ay kinilig siya.

Tumawa si Kirst. "I'm not usually this pensive. Pagbigyan mo na."

"Napasaya mo rin naman ang Pasko ko, eh."

"Talaga?" Halatang nasiyahan si Kirst sa sinabi niya.

"Oo."

"So, would you rather be spending your Christmas with me in this deserted island than in Mangganoy with your relatives?"

"Well... kung doon ako nag-spend ng Christmas, ang dami malamang ng handa sa noche buena roon. Ang sarap pa magluto ng Tita ko. Nag-videoke siguro kami ng mga pinsan ko with matching malamig na beer. Baka magkayayaan kami sa beach. Ang ganda ng beach doon. Hindi tulad dito na mabato. Tapos baka nag-snorkeling kami with equipments. Sa gabi siguro, nakatipon na kami sa tabi ng Christmas tree para sa walang katapusang chikahan at tawanan."

"'Seems a lot of fun." Sa himig ng tinig ni Kirst ay tila handa na nitong tanggapin na hindi pabor dito ang sagot niya.

Tumango si Moana. "Yes. Ang saya no'n. Pero... hindi ko ipagpapalit ang na-experience ko kahapon at ngayong araw na ito... kasama ka. Puwede kong gawin sa ibang taon ang mag-Pasko sa Mangganoy pero ang makasama ka, this is a once in a lifetime experience. Masaya ako na nakilala kita at nakasama ngayong Pasko, Kirst. Regardless of our situation here, I am glad to be stranded in this island with you."

Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Kirst. Naglaho ang ngiti ni Moana nang ma-realize ang huling mga salitang sinabi. Gaga, sinabi mong masaya kang na-stranded sa islang ito kasama siya! sikmat niya sa sarili sa isip. Ano na lang ang iisipin niya? Na patay na patay ka sa kanya kaya okay lang sa 'yo ang ma-stranded sa isang isla basta siya ang kasama?

"I-I mean..." bawi ni Moana. "Kung... kung mai-stranded ako sa isang isla. Ikaw na lang, kaysa ibang lalaki ang makasama ko kasi alam kong mabuti kang tao, 'di ba? 'Yon! 'Yon ang ibig kong sabihin."

Lumaki ang ngiti ni Kirst. Halatang naaaliw sa pagpapaliwanag niya.

Napangiwi nang lihim si Moana. "Mabuti pa matulog na tayo." Baka maibuking na niya nang tuluyan ang sarili kung magtatagal pa silang mag-usap sa gabing iyon. "Goodnight na. At... Merry Christmas ulit."

"Merry Christmas," anas ni Kirst na may saya sa mga mata habang nakatitig sa kanya.

Pumikit na si Moana at pinilit na makatulog kahit nadi-distract siya sa nearness nila ni Kirst. Maya-maya ay tila mas naging maginaw kaya niyakap niya ang sarili.

"Are you cold?" tanong ni Kirst na hindi pa pala tulog.

"Oo. Teka nga. Dodoblehin ko ang damit at medyas ko." Umakma siyang babangon para tunguhin ang maleta ngunit hinagip ni Kirst ang braso niya.

"Let me warm you."

"Huh?"

Nanlaki ang mga mata ni Moana nang hapitin siya ni Kirst padikit sa katawan nito at ikulong sa bisig nito. Halos lumapat ang mga labi niya sa leeg nito. Hindi naman iyon ang unang beses na niyakap siya ng binata para bigyan ng body heat nito pero ganoon pa rin ang epekto sa kanya. Pakiramdam ni Moana ay nagwawala sa loob ng dibdib ang puso niya sa sobrang kilig at sarap ng nadarama.

True enough. Nawala ang panlalamig ni Moana sa init ng katawan ni Kirst. Parang gusto niyang maluha sa ligaya nang maramdaman ang paghaplos ni Kirst sa kanyang buhok. The gesture was so sweet. It was like he truly cared for her. Bakit ganoon? Bakit parang pakiramdam niya ay gusto rin ni Kirst ang yakap na iyon? Na hindi lamang siya ang binibigyan ng binata ng pabor sa pagyakap sa kanya kundi maging ang sarili nito? Gusto niyang makita ang mukha ng lalaki. Gusto niyang makita kung ano ang nakalarawan sa mga mata nito habang yakap siya.

Kaya bahagyang umisod si Moana para makatingala at makita ang mukha ni Kirst. Nagtagpo ang mga mata nila. There were tenderness and happiness in them. Nobody had ever looked at her that way. Posible kaya na tulad niya ay may nade-develop ring espesyal na damdamin para sa kanya ang binata? Posible bang may kahulugan ang tinging ibinigay ni Kirst sa kanyang mga labi kanina nang muntik na siyang mahulog sa malaking tipak ng batong tinutuntungan at masalo siya nito?

Bumaba ang tingin ni Kirst sa mga labi niya. Suddenly ay may nakita siyang tila nag-flicker sa mga mata ng binata. Was it longing? Desire? Did he want to kiss her? Tiningnan niya rin ang mga labi ng binata. Nai-imagine pa lamang niya na hinahagkan siya ng mga labing iyon ay parang mahihimatay na siya. Nang muli niyang iangat ang mga mata ay muling nagtagpo ang paningin nila ni Kirst. His stare became intense this time. Nagpalipat-lipat ang tingin nito mga mata at mga labi niya. Hindi maaaring magkamali si Moana sa pagkakataong ito. Kirst wanted to kiss her!

Soon enough, unti-unting lumapit ang mukha ni Kirst sa kanya. Napapikit si Moana at hinintay ang paglapat ng mga labi ng binata sa mga labi niya. At nang sakupin nito ang mga labi niya ay para siyang biglang inilutang sa alapaap.

All I Want For Christmas Is You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon