What do you want for Christmas?

6.1K 155 4
                                    


Taon-taon na lang ay kabilang sa SMP—Samahan ng mga Malalamig ang Pasko—si Moana. Kaya medyo bitter siya sa Christmas. Gayunpaman ay nagdesisyon siyang ang Paskong iyon ay hindi na magiging malamig para sa kanya. Magkakaroon na siya ng lalaking makakasama sa araw na iyon. Come hell, high water!

Kaya naman ten days before Christmas ay sumali si Moana sa isang speed-dating event ngunit nabigo pa rin siyang makahanap ng prospective boyfriend sa event na iyon. Dahil sa sobrang bitter ay nagpasya siyang pumunta na lang sa probinsiya at doon gugulin ang Pasko.

Sa bangka papunta sa isla ay sorpresang nakasakay ni Moana ang pinagpapantasyahan niyang male fashion model na bawat cell yata sa katawan ay perfect. Buwenas, sabi niya sa isip. At kahit sa hindi inaasahang takbo ng mga pangyayari ay nauwi sila sa pagkaka-stranded sa isang deserted island ay buwenas pa rin para sa kanya dahil kasama niya si Kirst. Silang dalawa lang ang tao sa islang iyon. Imbes yata na mag-panic na na-stranded sila roon ay parang gusto niyang magdiwang.

Mukhang sa wakas ay natupad ang wish ni Moana na may makakasamang lalaki sa Pasko. Kung sana lang ay hindi suplado at pa-hard to get ang guwapong modelo, merring-merry ang Christmas niya!

All I Want For Christmas Is You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon