Ataska's POV
" AAARRRGGGHHH!!! Nasan na ba yong notebook kong yun ?? "
Halos lahat na ng gamit ko hinalungkat ko na... pero wala parin ang hinahanap kong notebook na sinusulatan ko kapag may kinaiinisan ako, don ko yon pinapalabas lahat ng hinanakit ko ...pero wala siya sa akin ngayon. At tsaka parang hindi naman maganda ang resulta ng pag uugali kong to !! Ba't ba ang init ng ulo ko ?? .
" Ataska ..anong hinahanap mo ?? " tanong ng kaklase ko
" Wala !!! " sagot ko naman ng nasa tono ng pagmamaldita
"Sis !! Punta na tayong canteen dali !! Libre ni Jannella " sabi ni jenny na tuwang tuwa at nagtatalon talon pa habang papunta sa akin.
" Sige kayo nalang busy ako ehh!! " sagot ko naman habang busy parin sa paghahalungat ng mga kadiyamantehan ko.
" Ano ba kasing hinahanap mo ? " tanong sa akin ni Mommy ng diretsong nakatingin sa mga mata ko.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko kong bakit ako nagkakaganito . Inis ako na hindi ko naiintidan kong bakit. Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko kasi baka may magawa akong hindi kanais nais sa mga kaibigan ko.
" Ahh.. wala, yung wallet ko kasi ehh, hinahanap ko "
"Andito lang naman yung wallet mo auh!!" Agad naman dinampot ni Michelle ang wallet mula sa sahig at ibinigay sa akin.
" nagyaya si Jannella na manlibre ..kaya sumama kana... magtatampo yon kong hindi ka darating ... sa canteen lang naman ..wag kang mag alala wala sila don " sabi ni Mommy Mich habang paalis.
Tskk ..ano naman yong sinasabi niya ?? Hindi ko naiintindihan ehh
Hindi ako sasama don sa kanila magpapasoundtrip nalang ako sa isang dulo ng silid na ito.
" Ataska !! May naghahanap sayo " dinig kong sabi ng kaklase ko.
" Sabihin mo may ginagawa ako " pasigaw kong naibulalas.
" Pwedeng pumasok ??" Tanong ng lalaking pamilyar ang boses sa isa sa mga kaklase ko.
"Sige"sagot ulit ng kaklase kong mahilig makipag
Hindi ko pinansin kong sino mang asungot ang pumasok sa kaharian namin.Bahagyang enjoy na enjoy ako sa pakikinig ng napakagandang tinig ng idolo kong si Darren.
" Ataska !! free ka ba ngayon ?? "
Hindi ko siya pinansin.Wala naman akong paki sa kanya ehh !! Sino ba siya ?.Isang salot ???
" kain tayo sa labas , libre ko "
Ewan ko sayo !! Hindi ako gutom kaya sorry ka nalang.
" Ataska naririnig mo ba ako !!?? " may kalakasang sabi niya.
"HA !!?? " sabay kuha ng headphone ko.
Hindi ko alam kong anong ekspresyon ang ilalaban ko sa lalaking to kasi ang gwapo parin niya kahit nakakunot ang noo niya na parang pikon na pikon na sa akin . Gusto kong tumawa sa mga oras na yon , pero bawal... bakit ??....kasi seryoso siya !!