Drake's POV
" Verry good presentation Drake....ang ganda ng research mo hindi namin inaakala na ang isang katulad mo intrisado din pala sa mga perfume.....congrats iho"
Sabi ni Ma'am at nakipagshakehands." thank you po Ma'am " sabay bow.
Lumapit ako sa mga kaibigan ko at nag apir.
Nagpacongrats din sila sa akin.Dahil tapos na yong pagpresent ko ng research ko ..... wala na akong poproblemahin ....ayyy mayron pa pala...yong oral defense ko malapit na kaya yon.* at canteen *
" galing ha !!?? "
sabi ni Mark" inspired yata ehh"
sabi naman ni jericho at sumubo ng kanin matching with his ulam na Menudo." Ikaw ba talaga ang gumawa ng research mo !!?? "
tanong naman ni Mark na parang nagdududa." Oo naman ...pero yong iba nagpatulong ako kina ate at sa bunso kong kapatid"
sabi ko sa kanila at sumubo nadin." Hindi ka ba naniniwala sa kakayahan ni Drake ???... ha Mark?? "
sabi ni jericho kay Mark and he pointed a fork to Mark.Ano bang gustong palabasin ng Mark nato ??? Na hindi ako ang gumawa non...ganon ba tinggin niya sa akin....well .. hindi ko naman siya masisi kung yon ang tingin niya sa akin, kasi dati ang tamad tamad ko pagdating sa pag-aaral.
" Ano kasi ..... naalala mo ba nong pinapaprint mo ako non...eh kasi... naiwan ko yong flashdrive mo doon sa computer lab...tapos 1 week before ng presentation mo binalikan ko yon kasi alam kong andon lahat ng files mo na kakailangin mo sa pagpresent mo. Pagkapasok ko nakita ko si Katherine na busy sa pagaatupag sa laptop niya tapos yung Flashdrive mo nasa kanya at nong papalapit na ako sa kanya ...isinara niya yong laptop niya at ibigay sakin yong flashdrive mo" paliwanag ni Mark.
Huhh!! Si katherine ??? Imposible .
" Ibig bang sabihin nito ??.... si Katherine yong gumawa ng research paper mo drake ??"
Sabi ni JerichoPanong??... panong siya ang gumawa non ehhh... ako kaya gumawa non tapos pinadagdagan ko kay Ataska...
At kung si Katherine man ang gumawa non..... magpapasalamat muna ako sa kanya." alis muna ako may pupuntahan lang"
paalam ko sa kanila.Huwag tayong advance ha... pupuntahan ko lang si Katherine , magpapasalamat lang....Saan nga ba yon ngayon ?? ...nasa library lang siguro yon.
Huminga muna ako ng malalim bago ko pinasok ang library , buti nga lang ...kaunti lang ang tao....sakto naman nakita ko kaagad siya sa isang sulok mag-isa at busy." Ahemmm.... Kath...thank you nga pala"
Panimula ko." para saan ??" Sagot niya naman
" sa pagtulong mo sa research ko "
Sabi ko sa kaniya pero nakayuko" Ah yon ba ?? hindi mo dapat ako pinapasalamatan tungkol don kasi wala naman akong ginawa don ...ginamit ko lang naman yung flashdrive na yon para malaman ko kung sino yong may ari non." Sagot niya sa akin habang nakatingin sa libro na binabasa niya.
Napahiya ka no ?? Ikaw naman kasi drake ehhhh... manaliksik muna.....
Ano ba Drake.... ??? Huwag ka nga diyan, akala mo lang yon na siya ang gumawa....ikaw na naman kasi nagpapaniwala sa mga mokong mong kaibigan.Anu kaya pweding ipalusot dito ." Diba ikaw yong nakakita ng Flashdrive?? Thank you, kasi isinuli mo , importanteng importante kasi lahat ng laman non "
palusot ko naman.