Kathang Isip
I was done playing my ukelele with the song maybe the night by ben and ben. Habang tinutugtug ko ang maybe the night si Charles ang iniisip ko, kunyari kinakantahan ko siya at nasa harapan ko siya and he was smiling while watching me singing, hays. Hanggang kailan ba matatapos tong imahinasyon ko? Kakatuto ko lang at ito na agad ang palagi kong pinapatogtog ko sa paborito kong kulay sky blue na ukelele na iniregalo pa ni papa saakin no'ng 7 years old pa ako.
"I wanna lay down by the fire with you" Pati sa pag- ligo kinakanta ko pa rin. Lakas naman kasing maka LSS ang mga kanta ng ben and ben.
Habang sina- shampoo ko ang aking buhok biglang pumasok sa isipan ko ang future namin ni Charles— Habang ako ay pauwi sa bahay namin, sariling bahay. Hindi ko na maintay makita ang asawa ang dalawang anak ko. Pag- bukas na pag bukas ko sa pintuan tumambad agad saakin ang kambal kong anak at si charles na naglalaro sa sala, masaya akong tinitignan sila at biglang tumayo ang mga anak ko at si charles para salubungin ako ng yakap, bigla na akong natumba sa ginawa nila. "Mga anak, dahan dahan" tumawa ako at tinignan silang may malaking ngisi. Hinalikan naman ako ni Charles at sumabay sa pagyakap.
"We missed you mom!" sabi ni Alpha na aking panganay ng naka tingala para makita ako.
"Yes mom we missed you" niyakap pa ako ng mahigpit ni Alphard na kakambal ni Alpha kahit nasa balakang ko lang sila.
"Naks naman!" yumuko ako para halikan ang kanilang mga ulo.
"Our children loves you so much babe" tiningnan ako ni charles at tiningnan ko rin ang lips niya na gusto ko ulit halikan.
Hinigit ako ni charles para halikan, "They loves you too"
"Mom! Play with us!" tumakbo ang magkambal ko sa sala at hinawakan ang mga laruang superheroes.
Nawala lahat ang mga mukha ng mga anak ko at si charles ng biglang umanghang ang aking mga mata at dahil pala iyon sa shampoo na kanina ko lang nailagay saaking buhok at nawala wala na ang bula nito. Tumapat ako sa shower upang mawala ang shampoo na pumasok saaking mata.
Bumagsak ang balikat ko nang naalala na kathang isip ko lang pala ang lahat. Dinalian ko na ang pag sabon ko at tapos na ang pag ligo. Habang nag to- toothbrush ako naalala ko na paano kaya kung wala na akong pag asa kay charles? Magkakatotoo kaya ang mga kathang isip ko? Kasi kapag pinagpatuloy ko pa tong kathang isip kong to, patuloy rin ako masasaktan kasi sa katotohanan ay wala naman. Isa lang kami magkaibigan, magkaibigan na madalas lang nagpapansinan. Madalas lang akong magpapansin pero mukhang wala siyang pakealam. Should I stop my imagination to stop this pain I experienced?
Tapos na akong makapag bihis ng uniporme at tiningan ko ang napakagandang langit at kinuha ang ukelele ko at pinatug tug ang Migraine. I started strumming my ukelele,"Oo nga pala, hindi nga pala tayo, hanggang dito lang ako, nangangarap na mapasayo" Hininto ko ang aking pagkanta nang ma- ikumpara ko ang nararamdaman ko ngayon at sa kanta. Napakasakit ngunit kailangang tanggapin.
Tumingin ako sa pintuan nang may kumatok, "Thalia anak? Malelate ka na sa klase? Tapos ka na ba?" Sunod sunod na tanong ni mama.
"Yes ma tapos na po" Inilapag ko ang aking ukelele sa aking higaan at hinigit ang bag na katabi lang ng ukelele kong kakalagay lang. Bubuksan ko na sana ang pinto nang nakita ang poster ni Charles nung unang pagtanghal nila sa school. Si Charles ay isang voacalist sa banda na Groove ng school namin, madalas rin silang nag- tatanghal sa mga maliliit na bar kung saan ako pumupunta at kung bakit ako hinahanap nila mama nang bigla bigla na lang ako mawawala sa bahay, at dahil yun kay Charles. Sa gawing ito nakita ko ang nakangangang mukha ni Charles na para bang kumakanta pa rin at hawak hawak ang gitarang kulay itim, napangiti ako.
Pag- bukas ko ng pinto tumambad saakin si mama na mukhang inaantay na talaga ako kasi hawak hawak na niya ang susi ng van namin. "Sorry ma napaintay ko kayo" I kissed mama on her cheeks.
"Susss. Sige mag almusal ka na sa baba aantayin na lang kita" Hinagod hagod ni mama ang likod ko.
"Ma, malelate ka na sa trabaho mo—"
"Hmp" tinakpan ni mama ang bibig ko, "Okay lang basta kumain ka" naglakad kami pababa ni mama.
"Ma sa school na po ako kakain"
Expressionless ang mukha ni mama nang tinignan niya ako, "are you sure?"
"Yes mama"
"Hmmm. Nope kumain ka. Baka tatawagan na naman ako ng Nurse niyo na nahilo ka na naman"
Umupo na ako sa hapag at kumuha ng kanin at ulam. Habang kumakain ako biglang tumunog ang cellphone ko at kinuha ko agad iyon sa bag. Itinigil ko ang pagkain ko. Tiningnan ko kung ano iyon at biglang may bumara sa lalamunan ko na dahilan sa pag tapon ng mga kinain ko. I tapped my breast so many times para lang huminto ang pag ubo ko. Tinignan ko ulit ang cellphone ko at binasa ulit ang notification.
"Charles Rei Ouano likes your profile picture"
Gusto kong sumigaw pero di ko gustong tanungin ako ng mga magulang at kapatid ko dito sa bahay kung anong nangyayari saakin . — Pinag uusapan siguro nila ako sa school ngayon kasama yung mga kabanda niya at kinuwento niya ako sa ka- banda niya at kaya niya nilike ang profile picture ko kasi gusto niya ako. Posible naman ata yun.
Heto na naman ang ang mga kathang isip kong di mahinto- hinto.