Kabanata 2

20 2 0
                                    

Group Activity

Habang nasa van na ako tinitignan ko pa rin ang profile picture ko na may pangalan ni Charles sa mga taong nagla- like. Para saakin achievement na ang ganito, sino ba naman mag eexpect na ila- like and profile picture mo ng sorpresahan? 

"O, mukhang masaya siguro ang anak ko ngayon ah?" Mukhang napansin ni mama ang pagngiti ko. Tinignan ko si mama na nakatingin saakin sa rare view mirror. Nginitian ko lang si mama at bumaling ulit sa cellphone. Pinatay ko na ang cellphone ko at isinandal na lang ang ulo sa salamin. "Anak mukhang wala ka ng balita balita tungkol sa pag- aaral mo, kamusta na ba pag- aaral mo? Palagi kasi kaming nasa trabaho eh" Tumingin na naman si mama sa rare view mirror.

Tinignan ko si mama, "Okay lang naman ma" nginitian ko siya, "Wala namang kahit anong problema" Hindi ko gustong sabihin kay mama na may umaaway saakin sa school kasi di ko gustong pumunta si mama sa school kasi pag- uusapan lang ako sa buong campus na ang duwag ko at nag- sumbong pa talaga ako kay mama. 

"Sure ka diyan anak ha" 

Tumango lang ako at tinignan ang labas. It's so nice to see the birds flying high sa napakagandang langit. —Naglalakad ako sa hallway nang sinalubong ako ni Charles ng bouquet ng bulaklak. Nasorpresa ako sa ginawa niya at hinalikan niya ang pisngi ko, "Ikaw talaga!" Sinapak ko siya sa braso dahil sa kilig. 

"Why?" sabi niya sabay tawa. 

"Bakit mo ako binibigyan ng ganto sa maraming tao ha?" Tumingin ako sa paligid at maraming nakatingin saamin nakita ko pa yung mga nagkakagusto sa kaniya noon pa na mukhang galit na tinitignan kami. 

"You're my girl so I should give your flowers" Hinigit niya ako para mahalikan pero umiwas ako, "Why?" Umayos siya sa pag tayo. 

I pointed my toes para mas maabot ko ang pisngi niya, "gusto ko ako ang humalik sa'yo" Lumaki naman ang ngisi niya. 

"I love you"

Natigil lang lahat ng kathang isip ko nang tinawag na ako ni mama, di ko namalayang kanina pa niya pala ako tinawag. "Sorry ma" Kinuha ko ang bag na nasa gilid ko at isinuot iyon sa braso ko. 

"Ano ba yang iniisip mo ha?" Tanong ni mama at bumaba para pagbuksan ako. 

"Thanks ma sa pagbukas. Tungkol po kasi to sa thesis namin di matapos tapos" I lied, di pa naman kami nag te- thesis eh. Sinabi ko lang yun para hindi iisipin ni mama na gumagawa ako ng imahinasyon na himalang mangyari. I kissed her at the cheeks. 

"Kaya siguro di matapos tapos yang thesis niyo kasi gumagala kayo" Tinignan ako ni mama na para bang sinusuri ang mukha ko, "Tama ba ako?" Hinawakan ni mama ang pintuan ng van para hindi sasara. 

"Ha? Hindi ah, ginagawa ko kaya to sa bahay at minsan lang ako gumagala ma" Tumingin ako sa paligid kung meron na si Dean na pinaantay ko para sabay kaming pumasok sa school, "At nagpapaalam naman ako sa'yo ma kung gagala ako" Nginitian ko si mama at tumingin ulid sa paligid at nakita ko si Dean na abala sa pag cecellphone sa gilid ng guard house. "Sige ma nandiyan na si dean, bye ma" nagnalakad na ako papalayo kay mama at isinara na niya ang van at umikot para pumasok sa van, nang umandar na ang van ay mas binilisan ko pa ang pag lapit kay Dean. 

"Hey dean!" Inirapan niya ako  at pumasok na sa campus, "Uy dean antayin mo naman ako" Patakbo na akong naglakad para mahigit lang siya. Nang mahigit ko na siya hinawakan ko ang braso niya para humina ang paglalakad niya. "Goodmorning" nginitian ko siya at mukhang masama ata ang araw niya. "Bakit anong nangyari?" Tanong ko. 

Huminto siya sa paglalakad at tumingin siya saakin tinignan ko ang mga mata niya at namuo ang mga luha sa gilid ng kaniyang mata. Nag- tago siya sa balikat ko para umiyak, "Uy dean ano ba ang problema? Sabihin mo saakin" Hinawakan ko ang ulo niya para tignan siya sa mata at di talaga mapigil- pigil ang kaniyang pag iyak. Niyakap ko ulit siya. 

Nasa classroom na kami at huminto na sa pag- iyak si Dean. Gulat akong nalaman na nag divorce daw ang parents niya. Alam kong masakit iyon sa part ng anak. Si Dean lang ang nag iisang anak nina Uncle Drake at Auntie Ime. "Alam mo Thalia pag uwi na pag uwi ko kahapon diba sabay tayo?" Tumango ako, "Pag- pasok ko sa bahay nag- kalat lahat mga gamit namin at ang family picture namin ay nabasag rin, si daddy pala ang nag tapon nun. Nalaman raw kasi ni daddy na may iba si mama. Matagal na raw nila itong pinag planuhan pero inaalala daw nila ako kaya nag papanggap lang sila na mahal nila ang isa't isa para saakin. Pero di na daw kaya ni mama, kailangan daw ni mama na alagaan ang anak niya sa ibang lalaki. Doon sumakit ang puso ko, nang nalaman kong may anak na pala sa iba si mama" Pinigilan ko sa pag- iyak si Dean.

"Okay lang 'yan" Hinalikan ko siya sa pisngi at pinahidan ang kaniyang luha na tumulo na naman gamit ang panyo ko. 

"Salamat Thalia" ngumiti siya. 

"May assignment ka na sa Math?" Iniba ko ang topic para di na iiyak si Dean. 

Tumingin siya saakin, "Naku wala pa" Kinuha niya ang yellow pad niya at kinuha ko rin ang akin. Nag- simula na siya sa pag sagot at sinagutan ko rin ang akin. 

Nag- bell na, senyales na mag sisimula na ang unang period. Nagsi pasukan na ang mga kaklase namin at ang huling pumasok ay ang mag- kakabanda na sina Charles. Isinandal ko ang aking mukha saaking kamay at pinagmasdan si Charles. Biglang nag slo- mo ang pag tingin ko sa kaniya. Nakita ko siyang tumingin saakin at nag wave ako walang imik niya akong tinignan at agad na umupo. Binaling ko na lang ulit ang tingin ko sa white board na nasa harapan. 

The room was so solemn nang nag- simula na sa pag di- discuss si sir Franz about thesis. Mag te- thesis na siguro kami. 

"There will be an activity called thesis. This line" Tinuro ni sir ang linya nina Hanny, " Is group one, and this line" Tinuro ni sir ang linya namin, "Is group two ang this line is" tinuro ni sir ang linya nina Dane," Is group three" Tumingin ako sa likod at mukhang puputok na ako dito sa upuan ko kasi ka iisang myembro kami ni Charles. 

"Your thesis will be submitted this last week of February, meet your group para sa plano" 




Kathang IsipWhere stories live. Discover now