Kabanata 4

17 0 0
                                    

Spark

Naghuhuramentado na ako sa kilig nang nasa hallway na kami pabalik sa building namin. Hindi ko na alam kung gaano na ka pula ang aking pisngi basta ang nasa isip ko lang ay ang mukha ni Charles kanina na nakatingin saakin. Pinapaypayan ko ang aking sarili. 

"Huy girl dahan- dahanin mo kaya sarili mo, para ka nang baliw sa mahinang sigaw na 'yan" Parang 'di na rin alam ni Dean ang gagawin para saakin. Pati ako di ko na rin alam ang gagawin ko kahit kanina ko pa siya nakitang nakatingin saakin. Hindi mawala sa isipan ko ang mukha niyang nakatingin saakin. Wala na akong pake kung assuming ako, basta feeling ko ako ang tinitignan niya. 

"Kung ikaw kaya nasa part ko hindi ka ba magwawala? Matagal ko nang hinahanagaan si Charles at ang tingin na 'yon ang bumihag saakin ng husto" tumitingin saakin ang ilang estudyante na nakasalubong namin, wala akong pake. 

Naranasan ko namang tinitingnan niya ako sa classroom pero iba 'yung tingin na 'yon eh. Yung tipong tumingin lang siya para saakin. 

"Stop imagining such thing Nathalia" Inirapan ako ni Dean. 

Kahit tumingala lang ako sa langit habang naglalakad alam talaga ni Dean na nagka- kathang isip ako. Para saakin hindi imagine ang tawag 'don, ako lang naman at si Dean ang nandon eh tapos unang naglakad si Dean tas ako ang nahuli, di ako nagkakamali mukhang ako talaga 'yun tinitignan niya.  

Nakahiga ako at nakatingala sa mga butuin na nasa kisame. Madilim ang kwarto ko at tanging star at moon lang ang nakikita ko at hawak hawak ko ang aking ukelele. 

Bigla akong napupo sa kama nang biglang kumatok si mama at binuksan ang pinto, "Anak" ngumiti si mama habang hawak hawak ang baso ng gatas. "Ma?" napapikit ako dahil sa liwanag ng ilaw na bikusan ni mama. 

"Kamusta ka naman anak?" Inilapag ni mama ang baso ng gatas sa gilid ng kama ko at umupo si mama sa gilid ko. 

"Okay lang naman ma, napatanong po kayo?" ipinuwesto ko pa ang ukelele ko sa kamay ko na para bang tutug- tug ako pero hindi. 

"I've been busy these days anak eh, baka sasabihin mo na wala na akong time sa'yo" hinaplos ni mama ang braso ko.

I smiled, "Ma, I understand you naman eh" ipinilig ko ang aking ulo kay mama at sinuklay suklay naman ni maa ang aking maikling buhok. 

"Salamat talaga anak" hinalikan ni mama ang ulo ko, "Do you have a boyfriend na ba anak?" nawala ang pagpahinga ng aking ulo sa braso ni mama at nanlaki ang aking mata sa narinig. 

"Ma naman!" marahan kong tinulak si mama. 

Humalakhak si mama, "Ano ba?" ani mama sa gitna ng pagtawa, "Nagtatanong lang naman ako anak" 

"Nagulat lang ako ma eh" 

"Ba't ka gulat? May mali ba 'don?" 

"Wala naman ma" 

Tumayo si mama at pumunta sa terrace, "Dito tayo anak" Itinuro ni mama ang malaking espasyo na upuan kung saan siya nakaupo. Dali- dali naman akong tumayo.

"Ops. Di mo pa sinasagot tanong ko" 

"Ma naman" panggagalit ko kay mama, "Wala pa po akong boyfriend at masunurin kaya tong anak mo. Diba sabi mo kailangan ko munang tapusin pag- aaral ko?" Ipinilig ko na naman sa braso ni maam ang ulo ko.

Nanindig ang mga balahibo ko nang humampas saamin ang malakas at malamig na hangin. Inakbayan ako ni mama at niyakap ko naman si mama. 

"Napakabait talaga ng anak ko oh. Naku anak kung mag bo- boyfriend ka talsik ka sa bahay natin" tiningnan ako ni mama at tumingin ako sa kaniya at di sumagot, "Joke lang naman anak, mahal ka namin, always put that in your mind" 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 04, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Kathang IsipWhere stories live. Discover now