Selos
Lunch na nang pinuntahan ako ni Dean dito sa classroom, her face was expressionless. Palaging siya ang pumupunta sa classroom para lang magkasama kaming mag- lunch, syempre kung 'di siya pupunta di ko siya papansinin, ganyan ako.
Habang sinisip- sip ko ang baso ng Frappé napansin kong hindi masaya ang mukha ni Dean at kanina pa sa school kami hindi nag- uusap. Bigla kong naalala na may family problem pala sila. So I started the conversation with a joke.
"Hey Dean" hininto ni Dean ang pagsisip- sip sa Latte Macchiato niya at tumingin sa akin na walang emoosyon "Hmm?", halatang iniisip niya talaga yung nangyari sa kanila.
Hinawakan ko ang dalawang kamay ni Dean at tinignan siya sa mata, "Stop thinking about your problems let's focus on my joke" ngumiti ako and I saw her half smiling, "May joke ako" Umayos ako sa pagkakaupo.
"Dapat mapapatawa ako diyan ah" Mas lumakas ang loob kong ilabas ang joke ko kasi nagsalita na siya.
"Knock- knock?" Panimula ko.
"Who's there?" her brows meet.
"Dede" pinipigilan kong mapatawa nang tiningan ko ang dibdib niya.
"What the heck?" Tiningnan ni Dean ang dibdib niya, "Ba't ka tumingin sa dibdib ko?" Hinawakan niya ang dibdib niya at napangisi ako kasi nakita ko na siyang ngumit, ulit.
"How deep is your love, how deep is your love, How deep is your love? I really mean to learn, 'Cause we're living in a world of fools. Breaking us down when they all should let us be.We belong to you and me" ginandahan ko pa talaga boses ko para lang sa joke na 'to.
"Thalia, ang ganda talaga ng boses mo" Para niya akong kurutin sa puri niya, "But wait..."
Parang may napansin na siya, "Ano?" tawa ko.
"Saan ang dede 'don?" tanong niya at uminom ulit ng Latte Macchiato.
"Ba't mo pa hinahanap? Meron ka ba nun?" Tumawa ako.
Muntikan na niyang matapon sa akin lahat ng naimon niya dahil napatawa siya. "Ahhhh!" sigaw ko, Kumuha ako ng tissue at binigay sa kaniya.
"What the fuck Thalia muntikan na ako mahimatay dun, ikaw ba namang umiinom at bigla ka na lang mapapatawa" Pinahidan niya ng tissue ang lamesa, "at nilabasan pa talaga ako sa ilong ha?" kumuha pa siya ng tissue at pinahid sa ilong niya.
"Sorry" nag peace sign ako, "I didn't expect na mapapatawa ka pala sa old joke kong 'yon? Grade 3 pa lang ako non" Di pa rin ako makapag pigil sa pag- tawa.
"'Di ako na tawa sa joke mo, natawa ako dun sa dede sabay tingin mo sa dibdib ko tapos bigla kong naalala na kaprehas pala tayong flat chested, so the feeling is mutual" She smirked.
Napanganga ako, "Atleast may laman akin ng kaonti" I smiled bitterly.
"Tapos ikaw pa yung galit ha?" tinusok- tusok ni Dean ang gilid ko na dahilan sa pag tawa ko ng malakas.
"Hindi ako galit nu?" Tinarayan ko siya.
"Yieee" hindi niya pa tinitigilan.
"Mas magagalit talaga ako pag 'di mo hininto 'yang pinaggagawa mo"
Nang huminto na siya nginitian ko siya, "Yey! I made you happy!" tumayo ako at parang si accelerate na madaling nakapunta sa upuan ni Dean at niyakap siya. Niyakap niya rin ako.
Bumalik ako sa aking upuan, "So how was your day today?" tanong ko sa kaniya at tinusok- tusok ang donut at kinain.
"May thesis kaming gagawin, kayo ba? Wala pa kayo?"
"Really? Meron rin kami" Kinagat ko ang aking ibabang bahaging labi, "Actually" inilagay ko sa likod ng aking tainga ang kumawala kong buhok.
"Actually what?" Halatang gusto na niyang malaman ang sasabihin ko.
"Actually magka grupo kami ni Charles" sabi ko na parang may halong tili.
Siyempre kinikilig rin si Dean para saakin, "Really? What a great fate" Tiningnan ako ng seryoso ni Dean, "Alam mo Thalia? Hinahangaan talaga kita eh"
"Why?" Sinisip- sip ko pa ang Frappé ko kahit wala nang laman.
"Hindi ka kasi sumusuko sa kahit ano, kahit kay Charles. Kahit di ka niya pinapansin I mean madalas ka lang niya pinapansin, crush mo pa rin siya. Hindi mo siya tinitigilan kahit anong mangyari. 'Di ko kasi magawa 'yan sa sarili ko eh"
"What? Wag mo nga akong gagayahin" I flipped my hair, "This is my own way darling" Mahangin kong utas.
Napatawa siya, "Yes it's your own way pero gusto ko ring mapansin at malaman ng crush ko na crush ko siya pero di ko ma gawa"
"Naku Dean kailangan mong mag confess sa kaniya kasi pag kinikim- kim mo yang nararamdaman mo walang patutunguhan 'yan at habang buhay kang hindi masaya kasi di mo sinabi sa kaniya"
"I know. Pero paano?"
Isinandal ko ang aking mukha sa transparent glass ng Coffeeshop. "Maybe you should know your way to do it, hindi ko alam ang gagawin kasi hindi ko crush ang sasabihan ko eh. Crush mo yun. Ako nga nagawan ko ng paraan sabihin 'yun eh"
Isinandal niya rin ang ulo niya, "Talking of your Crush. Charles's friend and charles are coming in this place!" hindi na siya nakasandal at para itong nakakita ng malaking leon sa nakita.
Tiningan ko ang daan kung saan tumitingin si Dean at nakita ko agad si Charles. Dala- dala ni Charles ang kaniyang paboriton gitara at tumatawa itong nakikipag- usap sa kaniyang mga kaibigan. Hindi ko ma- alis ang aking tingin sa kaniya. Alam kong pulang- pula na ang aking mukha dahil sa init na bigay nito. Kiikilig ako kahit tinitingnan ko lang siya. Kitang kita ko pa rin ang makakapal na kilay ni Charles kahit nasa pintuan pa lang siya.
"Hey girl, tumingin ka nga saakin" I faced Dean, "What?" tanong ko habang nakangiti at di ko pa rin mawala ang tingin kay Charles.
"Tignan mo nga yang babaeng nasa kaliwa niya nancha- chansing kay Charles eh" patagong tinuro ni Dean ang nasa kaliwa ni Charles na parang higad kung maka dikit kay charles.
Kaninang masayang mukha ngayon ay napalitan ng sungit. Bigla kong naalala na wala dapat akong pagselosan kasi hindi kami, walang kami, no string attached between us. Bumagsak ang aking magkabilang balikat at tiningnan na lang si Dean.
"Wala naman akong karapatan mag selos eh" I crossed my arms at parang nakahiga na akong nakaupo sa upuan. ibinaling ko ang aking paningin kay Charles at sa mga tropa niya at sa babaeng parang higad.
"Girl nakita ko yung mga efforts mo para lang mapansin ni Charles, pero parang walang talab eh" tiningan naming dalawa ang circle of friends ni Charles sa di kalayuang table na nagtatawanan. "Sapat na siguro yung pagpapansin mo, antayin mo lang ang panahon na maging malapit na kaibigan kayong dalawa"
"Thanks for cheering me up Dean" kinuha ko ang bag ko, "tara na?" anyaya ko kay Dean.
"Tara"
Alam ko namang hindi ako karapat- dapat mag selos kasi walang kami. At ang problema 'don ay hindi man lang aabot ng sampung salita ang aming pag- uusap. Ni hindi ko pa nga siya nahahawakan eh. I'm the only one who hurt my feelings.
Nang nasa pintuan na kami ng coffeshopwalang ganang binalingan ko ulit siya ng tingin at biglang lumakas ang tibok ng aking dibdib nang nakatingin siya saakin na dahilan sa pag rambol ng mga paro paro sa aking tiyan.