Nagpaalam ako kay big bro na kila ganda ako matutulog
hayy nako,buti nalang kagabi nandun yung mga partners nila!
para silang Timang!! Haha
buti nalang din di na lumala yung sakit ! Kung magkakaroon ako,Di nalang kasi magkaroon eh!
tsaka ito unang beses sumakit yung puson ko ng ganito ah!!
"huyy! nag-away ba kaayo?" ang aga-aga nandito kaagad to
5:38 palang kaya! binuksan nya yung bintana kasi ito yung gusto naming laging nakikita
yung pa-umaga palang,na kahit pagsikat ng araw wala pa
yung medyo blue-blue pa yung langit
Ansarap kaya tignan nung ganto!
"huh,baket naman?" masyado ba talagang halata?
"aish! ano na?"
.
.
So iyun! Nai-kwento ko sa kanya lahat
as in lahat-lahat wala syang pinalampas!!
"as in Red Tide?!" tanong nya
"Yeah!"
"kausapin mo kaya! shungga mo talaga!" nanggigigil na sya
"abah! eh sya tong maarte kaya!Bahala sya!" ini-stress naman ako ngayon nito
"eh bobo naman talaga to eh! kung anong ginanda ng muka! eh ikaw tong nag-umpisa dahil dyan sa Ano mo eh!"
"kahit na! ako nga nagsimula ayaw nya naman magpa-amo! aish!Maarte sya" himaktol ko! bahala talaga sya
"Xena listen! syempre magiging ganon talaga sya,Nasaktan yun ano ka ba!Alam nya namang di mo sya mahal tapos magpapakawala ka pa ng ganung words,Intindihin mo naman sya di yung laging ikaw ang iniintindi nya! mapapagod yan! Ikaw nalang yung laging nagpapa-amo,Sya na nga yung tumutulong sayo ikaw pa yung ganyan! Ikaw ang maarte! Gaga ka talaga!" sabay hampas nya sakin
awwttssuu !
Yung sinabi nya at nung Hampas nya!
Tagos sa Buto! Nanunuot!
Ang sakit sa Bangs!!
Kunsabagay,Sya na nga lang tong nagmamahal ginaganito ko parin sya
okay,okay! I'll talk to him!
Hayy,Na-Guilty na tuloy ako :( gaga ko kasi!
**
Habang nagsa-shower ako
aww!
Sumasakit na naman sya !
Kaya binilisan ko nalang at nagbihis
bakit ganto ba?
Wla pa naman eh! wala pakong PMS!!
di kaya may sakit ako??
Aiishh ! umupo nalang ako at nagpahinga sandali
sandali ko ring pinikit yung mata ko at ininda yung sakit
Ang sakit kasi talaga eh!! I cant take it
Pero kaya ko to!
For Chris Ellis!
Medyo nauna akong umalis kay Ganda tutal nandito naman yung kotse ni Big bro!
Haha nakipag-Palit kasi ako sa kanya eh! Ayaw nya pa nga pero tinakas ko yung car nya! Well!