Kiel Ignacio Novel Grandford
“Kalalake mong tao, pero kung umiyak ka parang bata.” Sabi ng bamirang may kulay pulang buhok, mapupulang labi at sobrang puting balat. Napalugmok ako sa semento at unti unting umatras dito.
“Sino ka, bampira ka ba? H’wag kang lalapit, mapait ang dugo ko at kulay green!” Cross finger na sabi ko dito, naramdaman ko naman na tumama ang likod ko sa matigas. Nasa dead end na ako at ang bampirang napakaganda ay unti unting naglalakad papalapit sa’kin.
Natatakot akong tumitig sa mga mata nito, ang lamig. Tila nagtindigan ang mga balahibo ko ng ngumisi ‘to sa’kin at pumantay ng upo sa tapat ko.
“WAH MOMMY, BUNSO, MAMIMISS KO KAYO. PANGAKO KUNG SAKALING MAGING BAMPIRA AKO, HINDING HINDI KO KAYO KAKAGATIN. HUHU-” Natigil ako ng may pumitik sa noo ko, iminulat ko dahan dahan ang aking mga mata.
Hidi ako agad nakapagsalita dahil sa lapit ng muka naming dalawa.
“Stupid.” Walang emos’yon na sabi nito bago tumayo at tinalikuran ako.
Napahinga ako ng malalim at napatingin sa alapaap. Napakakalmado, parang ‘yong bampira.
“Tumayo ka d’yan at samahan ako.” Sabi nito habang nakatalikod sa’kin. Hindi ko ‘to pinansin at nagpanggap na hindi nakikinig, mamaya ay magalit ‘to dahil nakikinig ako sa usapan nila ng kaibigan n’yang hindi ko nakikita.
“Ikaw, nerd na lampa tumayo ka d’yan at samahan ako.” Muling sabi nito habang nakatitig ng malamig sa’kin, unti unti kong itinuro ang sarili ko habang nanlalaki ang mga mata.
“A-ako?” Nauutal na sabi ko dito.
“Sino pa bang lampang nerd na naririto?” Malamig muling sabi nito, grabe!
Kanina pa ako nito tinatawag na lampa, baka gusto n’yang makakita ng kungfu god?
Imbis na magreklamo ay tumayo nalang ako, alanganin akong lumapit dito.
“Kakain ako, samahan mo ako.” Sabi nito, nanlaki naman ang mga mata ko at tumigil.
“Bakit kailangan pa kitang samahan? Ako siguro ang kakainin mo ‘no? Ayaw ko, matanda na ako para ma-scam sa ganda mo! Ayaw ko pang mamatay!” Cross arms na sabi ko dito at umismid.
“Ayaw mo, sige ‘yong pamilya mo nalang.” Hindi ito nagtatanung, para itong nagbabanta sa tono nito kaya mabilis akong lumapit dito at kumapit sa braso nito.
“Saan mo ba ako kakainin ha?” Sabi ko dito habang nakayakap sa braso nito, kita ko ang pagdaan ng gulat na emos’yon sa muka nito.
“Tsk, stupid.” Sabi muli nito at naglakad nalang bigla.
Dahil nakahawak ako sa braso nito ay halos makaladkad ako, ganito talaga ang mga bampira. Malalakas.
Lumapit ito isang bookshelf, may kinuha itong kulay pulang libro ngunit imbis na makuha ‘yon ay bumukas ang bookshelf. Unti unting may bumungad na isang pinto, may eye sensor dito. Mabilis na bumukas ang pinto na parang elevator matapso nitong itapat ang kanyang mata sa sensor.
Tumayo ako ng tuwid ngunit nakakapit parin sa braso nito, naglakad ito papasok ng elevator kaya sumama ako. S’yempre, alangan naman sa elevator s’ya tapos ako sa hagdan, ‘di ba? Kakainin na nga n’ya ako may balak pa s’yang pagudin ako sa pagbaba.
Bumitaw na ako dito ng sumara ang elevator, muli kong naramdaman ang pananakit ng aking katawan na nagmula sa pagkakabunggo ko sa pinto.
Hindi nagsasalit ang bampira kaya hindi din ako nagsalita, malay natin magbago pa ang isip nitong kainin ako. Edi makakaligtas ako, ‘di ba?
YOU ARE READING
Be Careful My WIFE is A MAFIA QUEEN(COMPLETED)
ActionQueen Morrigan, a young successful businesswoman and a very wealthy woman in the country need to get married to fulfill her grandfather's last will. This way, she'll finally can get her inheritance which Queen Morrigan can use to make and expand ano...