CHAPTER 4

6.1K 161 5
                                    

Queen Deathrana Icelyn Killian Morrigan

I hurriedly drive my Mustang after I received Butler Mae’s text message.

“What happened?” Tanong ko agad ng makarating sa Thanatos palace.

“Queen.” Sabay sabay na sabi ng mga naririto bago yumukod sa’kin. Hindi ako nagsalita at inilibot ang tingin, mayroong tatlong nakaluhod at duguan sa harap ko.

Inadjust ko ng kaunti ang aking maskara at nag iwas ng tingin ng makita ang dugo.

“Nahuli namin silang tatlo na nagmamanman, hindi namin alam kung marami silang nalaman kaya dinala namin sila dito sa loob.” Paliwanag ng isang bantay, tumango ako at ineksamin ng tingin ang tatlong binatilyo.

Ang isa dito ay mayroong malalamig na mga mata tulad ng sa’kin, diretsong nakatingin ‘to sa’kin.

Ngumisi ako dito, “kill them.” Utos ko bago ito talikuran at umalis ng Thanatos Palace.

Akala ko naman ay kung anong meron, mga daga lang pala na naliligaw.

Nagdrive ako agad diretso sa mansyon, hindi na ako babalik sa eskwelahan. Bukas ko nalang itutuloy ang mga papeles na hindi ko pa napipirmahan at kailangan ng pirma ko. Wala naman mawawala sa’kin kahit hindi ko pirmahan ang mga ‘yon.

“Stupid.” Nasabi ko nalang ng makita ang isang nerd na bigla nalang nadapa, biglang pumasok sa isip ko ang nerd na ‘yon.

Hindi ko akalai na tatawagin ako nitong bmpira, tanga talaga.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at napailing.

Porket maputi ay bampira na? Tsk.

Nagpatuloy lang ako sa pagmamaneho hanggang sa makarating ako sa mans’yon. Pumasok ako dito at mabilis na dumeretso sa aking silid.

Ihiniga ko ang aking katawan at tumulala lang sa kisame.

Mabilis akong tumayo ng mayroon akong maramdaman, para akong masusuka na hindi ko maintindihan. Yung paningin ko ay umiikot at ramdam ko din ang mainit na hanging lumalabas sa ilong ko. Naramdaman ko ang pagbagsak ng aking katawan sa aking malambot na kama, bago pa mawalan ng malay ay mabilis kong pinindot ang kulay pulang button.

Dr. Ramirez

Agad kong kinuha ang puting coat at susi ko ng makita ang isang emrgency alarm na nakakunekta sa aking cellphone. Mabilis akong lumabas ng Morrigan hospital at pinaandar ang aking sasakyan, mabilis na pagmamaneho ang ginawa ko habang dinadial ang numero ni Butler Mae.

“Yes, hello Dr. Ramirez.” Bungad nito sa’kin, tumikhim ako bago nagsalita.

“Code D.” Sabi ko, tumahimik naman ang kabilang linya at nakarinig ako ng kalansing ng susi.

“Okay, I’m on my way.” Sabi nito bago ako babaan ng tawag.

Code D, ito ang code kapag emergency at masama ang lagay ng Reyna. Queen Morrigan is like a daughter to me kaya ganun nalang ang pag aalala ko dito.

Bata palang ‘to ay ako na ang nag iisang Doktor na hinahayaan nitong lumapit sa kan’ya. Mas’yado itong mailap sa ibang tao kaya mahirap kunin ang tiwala nito, mabuti nalang at ngayon ay may tiwala na ito sa’kin.

Nang makarating sa mansyon ay dali dali akong bumaba ng aking sasakyan dala dala ang aking mga gamit, nakita ko naman ang isang motorbike na papalapit. Malamang ay si Butler Mae na ito, mabilis nitong inalis ang helmet at sabay kaming tumakbo papunta sa silid ni Queen.

Muntik pa kaming magpaunahan na idikit ang aming card, ang card na nagsisilbing pass namin. Tanging kami lang ang mayroon nito kaya alam kong may tiwala na talaga ito sa’min ni Butler Mae, tanging magagamit lang ‘to ng taong may ari kaya kahit manakaw o mawala ito sa’min ay hindi nila magagamit.

Be Careful My WIFE is A MAFIA QUEEN(COMPLETED)Where stories live. Discover now