Emoji

20 0 0
                                    

Lisa's POV

Busy akong mag scroll down sa facebook ng biglang may nagreact ng myday ko.

Heart emoji lang naman po iyong reaction niya dun sa selfie ko sa bata na tinulungan ng amo ko at ako ang inutusan mag assist para makauwi na sa kanilang probinsya.

Wala na sana akong pake ng biglang nagmessage ulit siya. "Anak mo?"

Aray! Mukha na ba akong may anak? Nakakasakit ang isang to ah!

Mareplayan ko nga! "Oo" at balik scroll down sa facebook.

Makaraan ng ilang minuto, may nagnotif ulit sa messenger. Pinabayaan ko na lang.

Mamaya niyan ay mangungutang lang at ma seen ko pa. Buti na iyong safe!

Continue scrolling down...

Like ng mga memes.

Share!

Diba ang boring ng buhay ko. Wala akong ka chat kasi hindi ako jowable.

Mukha ko in person parang galaxy sa dami ng stars na hindi basta bastang nauubos!

Don't get me wrong ha! Hindi rin ako maganda sa facebook! Baka isipin niyo na kapit sa filter itong pagmumukha ko pati kilay nabura na rin.

May nagnotif ulit at this time it was my bruhang bestfriend! "Anak mo?"

Tangena talaga'ng babaeng 'to! Paano ko maging anak? Ni jowa wala nga ako!

Taragis! Ginigigil ako ng mga tanginang 'to!

"Buti na lang ako kahit walang jowa may anak. Ikaw? Wala pang jowa, wala ring anak! Laslas na friend!"

Talagang pinagpuyatan ko ang reply ko sa kanya! Kala niya ha!

Habang naghihintay ako sa reply ng bruha kong friend ay binasa ko na rin 'yung chat ng isa.

Actually kilala ko siya.

Sino ba naman hindi makakakilala sa kanya! Purtragis! Ang long time crush ko sa school na tatlong taon ko ng ibinaon sa limot kasi bigla rin siyang nawala sa school.

Ewan hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya noon.

Wag kayo! Di ako talandi! Dahil siya ang nang add sa akin hindi ako.

Diba haba ng buhok ng lola niyo!

Lumuwa mata ko sa chat niya. "Kaya pala hindi kana masyadong nag u-update ng mga picture mo. Sayang."

So naniwala naman ang isang 'to! At kelan pa siya nagkaroon ng pake sa buhay ko? Ni utot ko hindi nga niya mapansin pansin.

Ano rereplyan ko ba ito o wag na lang? Kung magrereply ako para naman'g defensive ang dating. Kung babalewalain ko mas lalo siyang maniwala.

Ang gulo! Nyemas!

"Hindi ko 'yan anak pero gusto ko siyang ampunin. Alam mo ba ang storya ng batang iyan" at napareply ako ng pagkahaba sa kanya.

Bakit ba ako nagpapaliwanag sa kanya?

Teka! May crush pa ba ako sa kanya? Hala 3 years na kaya ang nakalipas.

Ewan!

"Grabi ka! Hindi ka naman mabiro! Wala eh! Di tayo jowable!" Reply naman ng bruha kong fren!

"Jowable ako! Ikaw lang yung hindi!" Reply ko sa kanya.

"Sabagay may 4 years and counting kang admirer! Kailan mo iyon sasagutin? Kapag jowable na ang mukha? Mukhang paa 'yung admirer mo!"

The Messenger AppTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon