Chapter 14: Future wife

16 1 0
                                    

Chapter 14

Gabriela's POV

Kahahatid lang sa akin ng Rap dito sa bahay. Syempre todo kilig ako at enjoy sa mga ginawa namin kanina. At syempre,todo todo ang tawa ko ng makita ko na takot pala sya sa haunted house. 

Naka-higa na ako dito sa kama ko. What time na din ngunit di padin ako dalawin ng antok. Laging pumapasok sa isip ko ang sinabi ni Rap kanina habang naka-sakay kami sa Ferris Wheel.

Todo ang kilig ko. Syempre masaya ako!! Haba ng hair ko. hihihi. 

Ano kaya ang ginagawa nya ngayon? Tulog na kaya sya? i-text ko kaya sya? hmmmm..

Mukha na akong baliw dito. Kinakausap ang sarili ko. Inabot ko ang cellphone ko na nakapatong lang sa side table ng kama ko. Hinanap ko sa contacts ang name ni Rap.

Teka!! Ano naman sasabihin ko? 

*Type...type..type...* *erase...erase....erase...*

Hay nako!!! Simpleng pag-tetext na nga lang hindi ko pa magawa. Hayst!!

Akmang ibabalik ko na ang phone ko sa lamesita ng tumunog ito. Tinangnan ko kung sino ang nagpadala ng mensahe... Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang name ni Rap.

From: Rap :)

Message: Still up babe? i can't sleep. You're on my mind. baliw na yata ako sayo. hahaha

weh? ano naman daw pakulo ito. pero kinikilig ako eh. bakit ba. hehe

Makapag-reply nga syempre. hihihi

To: Rap:)

Message: Yes. I'm wide awake. Hindi kasi kita mapigilang tumakbo sa isipan ko. tsk :))

aba aba mabilis magreply at may sagot agad

From: Rap :)

Message:  I want to eat lunch with you tomorrow babe but i will be super busy bukas </3

-------------

To: Rap :)

Message: Well, that's sad. But may next time pa naman...

inabot na kami ng ala-una na magkatxt. Nakatulugan ko na din ang cellphone ko. Kahit late na kami natulog ay maaga padin ako gumising.. Gusto ko kasi i-prepare ang lunch box ko. Yes. Madalang ako kumain sa labas ng office ko. I'm a workaholic kasi. Pero ngayon, dadagdagan ko. hihi. Kung bakit? secret ko na yon. 

Four layered lunch box ang dala ko ngayon. at take note, yung malalaki pa. haha. Nagluto ako ng Egg roll na may spinach sa loob, stir fry vegetables, tempura. Di ko kinalimutan na maglagay sa isang baunan ng favorite na pagkain niya ang SISIG. haha. Naglagay din ako ng mga fruits at syempre di mawawala ang madaming rice!!!  Nagprepare din ako ng Iced tea, pantulak na din at in-case na mabulunan. HAHA

Pag-katapos ko magluto at iayos sa baunan ang niluto ko ay umakyat na ako para maligo. 7.30am na pero mukhang naka-alis na sila Kuya. Si gaelle siguro ay pumasok na. Hindi ko kasi namalayan. Hindi naman kasi sila dito kumakain ng breakfast lalo na kapag work days at school days kaya di ko sila makikita kahit nasa kusina ako.

Pagkatapos ko maligo at nag-paganda na ako. syempre kailangan para mamaya. haha.

Nagsuot ako ng isang high waisted black pencil cut skirt with white pussybow blouse na naka tuck-in na tinernohan ko ng isang pares na Black peep toe pumps. Itinali ko ang buhok ko napa-ponytail at hinawi sa kanang balikat ko. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Journey to HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon