A Dangerous Love

176 3 0
                                    

Prologue

BANG!!....BANG!!....BANG!!

Tatlong magkakasunod na putok ang umalingaw-ngaw sa abandonadong bodega.

"GABRIELA!!!!!!!! NOOOOO!!!" sigaw ni Raphael kasabay ng pagbagsak ni Gabriela na duguan at kasabay nito ang isa pang putok galing sa mga pulis na ngayon ay nakapasok na din.

Mabilis naman itong dinaluhan ni Raphael na ngayon ay di malaman ang gagawin.

"Gabriela!" usal ng binata habang yakap yakap ang duguang katawan ng dalaga "Gaby, Makinig ka! 'wag kang pipikit! lumaban ka Gaby!" ngayon ay umiiyak nang sigaw ni Raphael

"R-Raphael.... I-i'm g-glad....y-you're....s-safe.." marahang naka-ngiti at putol putol na pahayag ni Gabriela habang itinataas ang duguang kamay upang mahawakan ang mukha ni Raphael.

Agad namang ginagap ni Raphael ang kamay nito at iginiya sa kanyang pisngi.

"Shhhh... Gaby, ipunin mo ang lakas mo. dadalin ka na namin sa hospital" sunod sunod ang patak ng luha nito.

"R-Raphael......." mahinang usal ni Gabriela sa pangalan ni Raphael habang isinasakay sya sa abulansya. "I-i.. L-l...." hindi na naituloy ni Gabriela ang sasabihin dahil tuluyan nang pumikit ang kanyang mga mata at dali dali ng isinakay si Gabriela sa ambulansya.. Hindi na nakapag-salita pa si Raphael dahil sa agad syang dinaluhan ng mga pulis upang kunan ng statement sa mga nangyari.

--------------------------------------

It's my first time na magpost ng istorya dito. silent reader lang kasi ako. pasensya na sa mga makakabasa man nito kung di masyadong catchy ang story. THANK YOU PO!!

A Journey to HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon