Ara's POV
*phone rings*
My friend Claui is calling.
"Hello Claui?"
("Let's buy some school stuff? G ka?")
"Pilitin mo muna ako." Nagpabebe pa ko HAHAHA.
("Bahala ka nga dyan. Pilitin man kita or hindi, sasama ka pa din. Oh, basta 1pm sa bookstore sa Greenbelt Mall.")
"Oo na, sige na. I'm hanging up."
By the way, she's Mary Claudine Marquez, Claui for short. She's one of my bestfriends. Siya yung sobrang daling malapitan at maka-usap pag may problema kami. To describe her, she's a bully at sobrang bait niya at the same time, but trust me, pag nagalit siya, run for your life! Haha. Nga pala, suki ng pageant yang si Claui!
Now I did kung anong kailangan kong gawin. I'm now ready. I'm wearing denim jumper skirt and a pair of sneakers. Pumunta ako ng garage para sumakay sa rose gold peugeot ko. It's almost 1pm kaya kailangan ko na bilisan dahil baka abutan ako ng traffic.
**phone rings**
Nagring ang phone ko. As expected, it was Marga calling. By the way, she is Sasha Margarette Mercado, siya ay isa sa members ng barkada namin. Si Marga ang pinakamaarte, impatient, prangka and sosyal sa amin. Oh well, she's a model and a fashion blogger kasi. Gamer din pala si ateng mo. And oops, I forgot, atat magkajowa pero pag may dumadating, tinataboy naman. Gulo niya noh?
"Marga?"
("Hoy Ara, make it fast please!")
"Haha, let me guess, ikaw palang nandyan 'no?"
("Yes, and that's enough reason for you para bilisan!")
"Bahala ka dyan, try to call Claui, baka malapit na siya. Pero don't worry, nasa may parking lot na ako, pasalamat ka di ako naabutan ng traffic, bye na!"
Buti nalang nakahanap ako ng vacant parking. Maghahazard na sana ako ng biglang may pumarada na doon sa bakanteng spot na yon. Napairap nalang ako sa sobrang inis. Urghh, di bale, hahayaan ko nalang yon. After minutes of searching, I have found a spot and made my way inside the mall. While walking, I saw Marga standing sa tapat ng Starbucks at nakakunot ang noo.
"Marga! Haha ayusin mo yang mukha mo, please lang." I approached her while laughing.
"Bakit ba ang tagal niyo? Kainis. Buti nalang makikinabang din ako sa lakad na 'to." Marga retorted.
After few minutes of waiting, nakadating na din sina Claui, Carol and Kirsten. Technically, 5 lang kaming magkakaibigan. Since kindergarten, magkakaklase na kami kaya sobrang tight ng friendship namin. Hindi kami nagkakahiwalay ng section dahil malakas connection ng parents namin sa school.
"Hi sissies! Buti nalang nagyaya kayo, sobrang bored na ko sa bahay." Kirsten greeted.
That's Kirsten, Kirsten Diandra Ledesma. Ang pinakapositive sa aming lahat. Siya yung cheerer namin kapag may times na may sumusuko na sa amin kaya siguro naging cheerleading captain siya ng school. Super mang-asar din, super ingay at talent na niya siguro talaga ang magcheer and by the way, she's the most liberated, wagas magmura and best in walwalan.
"Hey Claui, I heard may nanliligaw sayo na basketball player? Hmm, ikaw ha!" Pang-aasar naman ni Kirsten.
"Really? Oy, Claui baka naman may friend yung suitor mo!" Marga exclaimed.
Napansin kong sinesenyasan kami ni Claui na tumingin kay Carol.
"Hoy." Tawag ni Marga kay Carol pero nakaearphones ito at parang walang pake sa mundo.