“Ma, ayoko na sa ICME. Please, ma ilipat mo na ako ng school. Kahit dun sa malayong-malayo, ma. Sige na di ko na kaya.” Pilit ni Clara sa mama niya. Ilang beses na niya ito sinasabi sa mama niya, at ngayon humahagulgol na siya sa harap nito.
Simula ng kumalat sa school nila ang sikretong pilit nilang tinatagong mag ina, nag iba na ang mundo niya. Kung noon madami siyang kaibigan at sikat siya sa school dahil matalino at talented siya, ngayon, ni isa sa mga kaibigan niya walang natira, at lalo siyang sumikat dahil sa mga panghuhusgang pilit na binabato sa kaniya ng mga ito. Wala na, wala na siyang mukhang ihaharap sa mga kaklase at schoolmate niya. Ultimo yun kaisa isang lalaking mahal niya na inaasahan niyang susuportahan siya at makakasama niya sa ganitong sitwasyon, wala na rin, iniwan na siya sa ere.
Nabubuhay siya sa kasinungalingan, kahit siya mismo, bunga lang ng isang kasinungalingan. Pero hanggang saan? Hanggang kalian siya magtitiis ng ganito?
Tinignan niya ang mama niya, hinihintay niyang sumagot ito.
“Sige anak, para sa’yo. Aalis tayo dito.”, pagkatapos ay huminga ito ng malalim.
“Ma, thank you.”, niyakap siya ng mama niya at umiyak siya sa balikat nito.
Sa wakas, makakatakas na ko sa bangungot na mundong ‘to.
Author’s Note
Hi. Hello wattpad readers. ;) so eto na nga. After many years of existence naisipan kong magsulat ng story. At eto po ang aking first ever story na gagawin. Kaya sana sa mga makaka basa, feel free to read and leave comments and suggestions. Para naman magkaroon pa ako ng knowledge about writing good stories and ways to improve my skills in writing. Enjoy reading. ^_^
Pasensya napo sa maiksing prologue. Di ko naman kasi siya dapat lalagyan nito kaso tinry ko na din. Dun po sa nakabasa nun BAKIT SIYA PA ( MONSTER AND I ), nadelete kopo siya pero ito din po yun, REVISED VERSION na. ^_^ eto napo ang official story. Salamat po!
Hello uli sa aking Fhudge and friend na sa OhhItsMyDada, fan ako ng story niyang Mafia Heiresses. :)