Clara’s POV
“’RIZAL UNIVERSITY’, simula ngayon dito na ako mag-aaral. Teka nasaan na nga ba uli ang office na yun? Hmmm… OSDS? Office of Students Development Services. Ah teka makapagtanong nga rito.”
Lumapit ako sa babaeng nasa window ng osds.“Miss, saan po dito ang dean ng College of Business?”
“Ah, diyan lang sa kabilang room.”sabi ng ateng maganda.
Ang cute naman ni ate. Lahat ba ng tao dito ganito? Grabe naman dito. Nagkamali ata ako ng school na pagtatransfer-an. Kanina pa ko nakaka-salubong ng maganda eh. I feel I like I don’t belong here. (nosebleed!)
Gaya ng sabi ni Miss Pretty, pumunta ako sa kabilang room. Nag alangan ako pumasok kaya lumapit muna ako sa window. Pagtingin ko nagulat ako sa nakita ko.
Oh eem gee? Tao ba to? Shocks parang anak ni zeus… Greek god! ( Sorry medyo fan lang ng greek mythology. J)
In short, isa lang naman pong gwapong naka uniform, mukhang Student Assistant, ang naka duty sa harap ng window ng dean’s office. Bilugang mata, single eyelids, average matangos na ilong at pinkish red lips. Yun balikat niya po malapad, parang ang sarap sandalan. O_O
“ MISS! Ano sabi kailangan mo? Nakaka istorbo ka na oh. Madami pang nakasunod sayo.”, nagulat ako sa lakas ng boses ni kuya kaya naputol ang pag de-daydream ko. Kanina pa pala ako nakatayo sa harap niya at nakatitig sa kanya.
“Ha? Ah eh, ano. Saan ba yun mag iin- yun ano mag final interview pala sa para sa scholarship. Hehe. Sorry.”, Aiish nakaka inis! Nagkakanda utal na ako. Nakakahiya naman kasi pero kailangan kong magtanong. I badly need that scholarship. >_<. Okay relax Clara. Gwapo lang po yang kaharap mo.
“ Sus, dito pasok. Ako mag-iinterview sa’yo.”inirapan niya ako. Suplado.
Pero teka?....
“ Ha? Diyan sa loob?” gulat na gulat kong tanong. Waah gusto ko ng lumubog sa kinatatayuan ko. Hiyang hiya na ako sa kanya tapos siya pa pala mag-iinterview sakin?
Teka? Bakit siya? Siya ba ang dean? Ang alam ko I am supposed to meet the dean eh? So bata na pala ngayon ang dean.
Umalis siya sa harap ng window at pinalitan siya ng isang babae, siguro kasamahan niya sa office.
Kahit nagtataka ay tumuloy pa rin ako sa loob. Pagpasok ko nakatayo na si kuya sa harap ng isang table na may nakapatong na plate na may nakasulat na Teresita Villareal, CoB Dean.
Halatang hinihintay niya akong lumapit kaya lumapit naman ako. Itinuro niya ang isang brown monoblock chair na nasa harap ng table ng dean. Umupo ako doon, kasabay nun ay umupo naman siya sa swivel chair na nasa kabila naman ng table na kaharap ko. Seriously? Siya ba si Miss Teresita Villareal?
Tinitigan niya ako, kaya tinitigan ko din siya. At nagtitigan po kami ng mga ilang segundo. Saglit akong nag iwas ng tingin dahil feeling ko sumasakit na ang mata ko. At kinikilig ata ako. (Landi!) Pagbalik ko ng tingin, nainlove na ako- ay de joke, natakot ako dahil yun tingin niya ay parang anytime eh mangangain na siya ng tao, yun kaninang tingin kong Greek god naging parang monster. Naniningkit at nanlilisik ang mata niya. Ano ba ang nagawa kong masama??? (Sabihin niyo naman po.)
Dahil nga ang pinunta ko rito ay ang last interview ko for my scholarship, naghintay akong magsalita siya at magtanong saakin. Ng naramdaman kong wala ata siyang balak magsalita, nahiya na ako ng sobra at tumungo, pinanuod ko na lang ang mga paa kong mukha pang mas tense sa akin dahil sa mga ugat na namumutok rito.
Nagtataka po ba kayo bakit di man lang ako nagtanong sa kanya? Kayo kaya sa sitwasyon ko. >_< kanina pa ko pinagpapawisan dito kahit fully-airconditioned yun room. Kinakabahan ako, baka pag nagsalita ako kung ano pa masabi ko at ma expel ako ng wala sa oras.
Maya-maya…
“Good Morning miss?” teka? Ba’t naging boses babae ata si Mr.Greek god monster?
Pagharap ko, isang babaeng may edad na ang nakaupo sa swivel chair kung nasaan nakaupo kanina ang lalaking yon. Ang galing niya naman di ko naramdaman na umalis na siya sa harapan ko.
“Hehe. Hello po ma’am, good morning din po.”, ngingisi-ngisi ko na lang na nasabi.
“Oh? Bakit namumutla ka? Okay ka lang ba? May ginawa bang masama sayo yun gwapo kong assistant?” may concern na tanong nun babae. Mukhang siya na ang totoong Miss Villareal. Ti-nap niya ako sa balikat.
Opo ma’am, ang gwapo niya kasing Monster.
Gusto kong magsumbong. Ang totoo muntik na akong umiyak sa kaba kanina. Pero…
“ Ah ma’am, wala. Wala po. Hehe. ”, di bale na nga.
“ Are you sure?” , tanong niya uli.
Tumango na lang ako.
“ Okay, by the way, I am Mrs. Teresita Villareal,” pakilala niya. Inilahad niya ang kamay niya to shake hands with me.
Saglit lang ang pag uusap namin. Inorient lang niya ako about sa rules and regulations ng school, dahil nga transferee lang ako, at sa pagiging scholar ko. She asked me if I also wanted to be a student assistant katulad nun Monster na yun kanina. Sabi ko pag iisipan ko.
Haay sa wakas, enrolled na ako, at may scholarship pa ako. J Wala ng problema.
.
Author's Note.
Pasensya na po sa kalandian ni Clara at sa kasupladuhan ng bidang lalake. :D Thanks for reading the first chapter. Saranghae, <3
Say hi naman po sa mga makakabasa? :D sana po idagdag niyo to sa reading list niyo. :)