Chapter 2 ( RU, the New School

29 1 0
  • Dedicated kay Kayeziel Arcangel Napere
                                    

Clara’s POV

          Ngayon ay first day ko sa school na to. Bago ko hanapin yun room ko, tinignan ko muna ang registration form ko.Teka maaga pa pala, may 1 hour at 14 minutes pa ako before my first subject kaya naglakad-lakad muna ako saglit at nilibot ang aking new school.

          “Haaay, ang sarap naman ng hangin dito”, nasabi ko na lang sa sarili ko.

          Talagang ibang-iba dito sa Rizal, although malapit lang siya sa Manila at medyo developed na ang towns, di pa din nawawala yun ambiance ng pagiging province niya.

          So yes, I am Clara Mari Tolentino Sy-, ughh nevermind, I am a transferee here at Rizal University. Isang state university sa Rizal province. Actually madami siyang campus throughout Rizal pero pinili ko dito sa Binangonan kasi dito ang main campus ng college of business, yun naman kasi talaga ang course ko, Business Administration.

          Haay ang ganda dito.Malawak…., mapuno… at talagang less polluted, di katulad  dun sa pinanggalingan kong exclusive school sa Makati city na punong puno ng pollution, bukod kasi sa usok na nanggagaling sa mga sasakyan sa kalsada, napaka polluted pa ng noise sa loob nun, madaming kasing inggitera at tsismosa.

          Maya-maya nakaramdam ako ng pagod kakalakad kaya naghanap ako ng malapit na shed o kaya bench. Umupo ako roon at kinuha ang aking masarap at juicy na chickenburger na binili ko kanina bago ako magcommute papuntang school. Nakakagutom din pala maglibot.

          Habang nilalasap ko yun kinakain kong burger, may ilang dumaang estudyante sa likod ko…

-       “Hi, Benjamin!”

-       “Uy, pareng bench kamusta?”

          Sino ba yung Bench at Benjamin na yun? Kanina pa nila binabati di naman sumasagot.

-       “Hi baby bench!”

-       Oy Benjamin, mamaya ah? May meeting tayo.”

“Oo sige tol pupunta ako.” Ayun sumagot din si kuya.

Pero teka? Parang pamilyar yun boses na yun ah?

          Hinanap ko kung sino yun nagsalita.Tingin sa kanan, sa kaliwa. Wala naman. Tingin sa likod. Ah si kuya palang naka upo sa bench sa likod ko. Kaso di ko naman nakita yun mukha niya dahil nakatalikod din siya sakin.

          Nacurious ako kung sino siya, pamilyar kasi yun boses eh baka sakali kilala ko. Tumayo ako at aakmang kakalabitin siya ng biglang tumunog ang bell. Hala late na pala ako.

          Dali-dali kong hinanap yun room ko. “COB bldg. room 207, BA 2-E?”

          Tumakbo ako sa COB bldg. at hinanap ang room namin. Umakyat ako ng 2nd floor, sakto katabi lang pala ng hagdan ang room namin. Pagpasok ko sa loob naghanap agad ako ng mauupuan. Occupied na lahat ng seats sa likod kaya no choice ako kundi pumili ng upuan sa harapan.

          “Ate, may nakaupo ba rito?” kinalabit ko si ate na katabi ng vacant seat na napili ko.

          “Ah wala, sige upo ka na diyan.Para may katabi naman kami dito.” Sabi ni ateng morena. Ang lapad ng ngiti niya sakin. Haha

          Umupo naman ako gaya ng sabi niya.

          “Hi, ako nga pala si Khei Cee. Irreg ka ba? (Irregular Students)”

          “Ah, hindi. Transferee ako.” Sabi ko with matching smile.

          “Ahhh, eh anong pangalan mo?”, tanong niya. Nakalimutan ko nga naman magpakilala, hehe.

          “Ay sorry! Hehe. Clara name ko. Galing akong Manila eh kakalipat lang namin dito sa Rizal.”, pakilala ko sa kanya.

          Yes, may isa na akong kaibigan. Maya-maya dumating naman yun bestfriend ni Khei Cee na si Jommel, tatlo lang kami sa row namin. Ganun daw talaga, iwas kasi yun mga kaklase niyang maupo sa unahan. Takot makilala ng professor.

          Nakapagdaldalan pa kami ng kaunti bago dumating yun prof namin sa first subject.

          First subject, Humanities 2, Philosophy of Man, wow mukhang mabait si sir at makakasundo namin. Sunod, Good Governance, sabi ni Khei terror daw si maam kaya behave lang kami. Third subject naman ay Accounting 2, Partnership and Corporation, haaay may naalala ako, pero wala lang yun, mabait si maam medyo nakaka antok lang yun boses niyang malumanay pero magaling siya mag salita. At dahil first day of classes pa lang naman, nagpakilala lang yun bawat prof., inorient lang rin kami about sa grading system at sa topics na ididisscuss for preliminary period. Pagtapos ng tatlong subjects, break time na.

          Niyaya ako ni Khei at Jommel na mag snack sa canteen. Close ko na sila agad eh. J

          “Clara try mo yun carbonara dito, masarap siya promise.”, suggest ni Khei Cee sa akin. Best seller daw yun dito, umapela naman tong si Jommel. “Tange, di kaya yun ang best seller, ikaw lang naman bili ng bili nun rito nuh.” Kaya yun nairapan siya ni Khei, ang kulit lang nilang dalawa.

          “Nako, di pwede sa akin yun eh. May lactose intolerance ako.” di naman sa ayaw ko kumain ng carbonara, talagang may sakit lang ako.

          “Alin yun? Ba’t bawal carbonara?” tanong ni Khei sakin.

          “May certain amount lang ng gatas na pwede ko iintake, kasi diba may Lactose yun gatas? Masama sa katawan ko pag naparami ako ng intake ng lactose. Pag naparami kasi ako ng kain o inum nun magkakadiarrhea ako o kaya bastaaa, di siya kayang idigest ng tyan ko, ganun. Di naman siya totally bawal, kailangan ko lang talaga iwasan, para sure na di ako aatakihin nun sakit ko.”explain ko sa kanilang dalawa.”Mahirap kaya magkasakit ng ganun, para kang may allergy sa gatas, kailangan iwasan ang cheese, ice cream, at iba pang pagkain na may halong lactose.” Kaya heto nauwi na lang ako sa Chickenburger na favourite ko naman, buti meron sila rito. Yun dalawa umorder ng carbonara, ayaw sana ni jommel nun kaso pinilit siya ni Khei eh, haha.

..

Author's Note

 Hayan may two new characters na po. Please feel free to leave comments and suggestions po para sa ika iimprove ng story. thank you po. ^_^ say hi naman po sa iilang readers ko dyan kung meron xD

"Bakit siya pa? ( My Secrets and Lies, My Worst Nightmare )"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon