Chapter 3 ( The Opposites )

28 2 1
                                    

Author’s POV

         

          “Alam mo, kabaliktaran ka ni Baby Bench.”basag ni Khei sa katahimikan nilang tatlo.   Nasa isang table si Clara, Khei Cee at Jommel sa loob ng canteen at kasalukuyang kumakain ng inorder nilang snacks.

          Aba teka, narinig ko na naman yun Baby bench na yun. Siya yun kuya kanina na pamilyar yun boses ah, sino ba talaga yun?,naisip ni Clara. Sobrang curious na siya kung sino ba yung lalaki na yun.

          “Khei Cee sino yun?”, tanong ni Clara.

          “Haay naku, crush niya yun. Patay na patay siya dun. Mas cute naman ako dun.”, si Jommel ang sumagot.

          “Excuse me? Pakiulit?” tinignan ni Khei Cee ang bestfriend niya mula ulo hanggang paa. “Pwede na, pagbigyan.Aray!”bigla ba naman siyang batukan ni Jommel.

          “Eh, teka. Bakit nga opposite niya ako, at saka sino yun?” tanong uli ni Clara.

          “Kaklase namin yun last sem. Ewan ko ngayon kasi di ko pa siya nakikita sa room eh. Pogi kaya yun” at kinikilig-kilig pang kwento ni Khei Cee.

          “HOY, di mo naman sinagot yun tanong ni Clara. Bakit nga daw opposite sila. Landi kasi”, ayan na naman po si Jommel. Kanina pa aburido to pag nababanggit ni Khei yun crush niya.

          “Haha, sorry naman. Eto na nga eh, kasi naman favourite nun lagi kainin saka bilhin eh Cheeseburger. Tapos lagi pang may dalang sterilized milk. Saan ka pa? ang weird pero ang cute pa din!”, grabe kinikilig na naman po si Khei.

          “Tssss, stalker.” Pabulong na sabi ni Jommel. Mukha namang malakas ang pandinig nitong si Khei Cee. “Inggit ka lang kasi mas pogi sayo si Benjamin.” sabay dila kay Jommel.

          “Hoy, lamang lang ng konting exercise yun sakin. Kita mo pag nag gym ako kala mo. HU U ka sakin!” Si Jommel di talaga papatalo, magbestfriend nga po sila. Inirapan na lang siya ni Khei Cee.

          “Hayaan mo Clara, pag nakita ko siya ituturo ko agad sayo. Tapos, sabihin mo sakin kung sino mas gwapo saming dalawa ha?”sabay turo ni Jommel sa sarili niya, sinesenyas kay Clara na siya ang piliin na mas gwapo sa kanila nun Benjamin.

          Natawa na lang si Clara sa magbestfriend. Nakucute-an siya sa relasyon at itsura nun dalawa, parang aso at pusa. Bagay nga sila eh. Si Khei, matangkad, morena at pwedeng model kasi slim naman siya. Si Jommel naman, matangkad din, maputi, gwapo naman siya eh, payatot nga lang. Si Jommel, medyo tahimik at di palangiti, samantalang etong si Khei, makulit, at may pagkamadaldal. Magkabaliktad sila ng ugali, pero tingin niya nagkakasundo naman sila, minsan.  At saka pareho naman daw silang single. Paano niya nalaman?

*Flashback*

          Bago dumating ang professor nila sa Humanities, nagdaldalan muna silang tatlo.

          “Maganda ba dun sa dati mong school?”, tanong ni Khei Cee kay Clara.

          “Hmmm, ayos lang. maganda naman.” Tipid na sagot ni Clara.

          “Ang dami mo pa ngang tanong Khei, ang daldal mo. FC”, reklamo ni Jommel.

          Dahil sa sinabi ni Jommel, pinagkukurot siya sa braso ni Khei. “FC your face! Nagtatanong lang naman ako para maging komportable siya satin eh. Transferee lang kaya siya, sigurado wala pa siyang friends dito. Friendly kasi ako, di katulad mo. Di ba nga Clara?”

          Si Jommel naman natahimik dahil namimilipit na sa sakit ng dahil sa kurot ng bestfriend niya.

          Si Clara naman pinanonood na lang magpatayan ang dalawa, joke, exagg na. :D

Kawawang  Jommel bugbog sarado sa kurot.

          “Ang sweet niyo naman, di ba nagseselos boyfriend mo Khei? At yun girlfriend ni Jommel?”tanong ni Clara.

          “Yan? Sweet? Nakita mo ba tong mga sugat ko? Sweet naba ngayon ang sadista? Saka kung may boypren yang babaeng yan di mo yan makikitang ganyan kakulit. Ansakit na Khei Cee!”sagot ng namimilipit pa ring si Jommel.

          “Aba, at nakaka pang asar ka pa! Buhay ka pa! Yang payatot na yan magkaka girlfriend? Sus asa! Torpe yan eh, sobra! Bago pa makaamin yan sa crush niya, isang libo na ang naging bf nun babae. Teka baka naman lalaki na din hanap mo bes?”*POK. Binatukan siya ni Jommel.

          Aakma na sana si Khei Cee ng isang round ng pangungurot kay Jommel ng biglang dumating yun prof nila.

*End of Flashback

         

          Ang cute di ba? May chance kaya silang magkatuluyan? Di ba opposites do attract?

 

          Nasa room na uli yun professor nila sa Accounting 2 ng bumalik sila para sa second part ng subject.

*Author’s Note

          Maiksi lang po yun bawat chapters, pasensya napo. Beginner lang eh. ^_^ sana po basahin niyo pa ang mga susunod na kabanata. Feel free to leave comments and suggestions. Thanks for reading my first story. :D

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Bakit siya pa? ( My Secrets and Lies, My Worst Nightmare )"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon