Chapter 10

4K 104 0
                                    

"Pumasok ka na Ivanna,baka matuluyan kang malunod diyan!" Pahabol pa ni Adam bago siya iwan sa gilid ng pool.

Hawak hawak niya ang labi na parang nangapal dahil sa diin ng halik nito at naramdaman niya ang bahagya nitong pagsipsip sa kanyang ibabang labi.

Parang wala sa sarili na tumayo siya at dinampot ang damit na isinampay niya sa sandalan ng upuan na nasa gilid ng pool.

"Your crazy Adam!"hindi niya napigilan ang sarili. She looks like goddess,how he can resist her? Kailangan niyang tapusin at lumayo dito nang maramdaman ang pagtugon nito.

Matapos mag shower at magpalit ng damit. Bumaba siya, wala na ang dalaga. Nagtungo siya sa kusina at binuksan ang mga pagkain na nasa mesa.

"Kakain ka ba? Iinit ko na lang." Nag angat siya ng tingin. Nakatayo si Ivanna sa entrance ng kitchen. Nakapagpalit na ito ng damit. Hinuhuli nito ang aking mga mata.

"I already had dinner. Itabi mo na lang ito." Pag iwas ko at lumabas na ng kusina. Nilagpasan ko siya, pero humabol ito.

"Sir!"tawag nito. Hindi ako lumingon ng sagutin siya.

"Bakit?"

"San ako pwede matulog?" Tanong nito.

"You can sleep in that room!"at itinuro ko ang isang nakasarang pinto. Isa iyon sa guest room ng villa. Nagmamadali na akong umakyat nang hagdan nang marinig na naman tinig nito.

"Why did you kiss me?" Tanong nito.

"You can't pay the wine kahit isang taon ka mag trabaho. That's the easiest way para makabayad ka." Balewala kong sagot.

"No,i will not accept that reason. You cannot just randomly kiss someone dahil lang me utang siya?" Sabi ni Ivanna at humabol dito. Humarang siya sa gitna ng hagdan.

"So,what might be my reason? Tell me Ivanna what's in your head?"me bahid na panunuya ang tinig nito.

"No! You tell me what's in your head? Why did you kissed me? Hindi ako magkakaganito kung hindi ko yon first kiss! I want it memorable. " nanggigil pa din nitong sabi.

"O hindi pa ba yon memorable? Nagnakaw ka ng expensive wine, nanakaw din ang first kiss mo?" Parang balewala lang nitong sagot.

"Mr. Santillan, magpasalamat ka nagkita tayo sa ganitong sitwasyon!" Asar na asar niyang sabi at iniwan na lang ito. Bumaba siya ng hagdan at kinuha ang bote ng alak na nasa center table at nilagok.

Inagaw ni Adam ang alak dito.

"You want more kiss? Or you want more than just a kiss?" Tanong niya sa dalaga na mukhang masama ang loob.

"The next time you kiss me i will make sure you will become responsible for me!" Asik niya sa binata.

"Wooh, easy Ivanna. Lasing ka na kung ano ano ang sinasabi mo."

Mapait na ngumiti si Ivanna.

"Hindi porke katulong mo lang ako,pwede mo na ako paglaruan." Tatalikuran na siya nito, pero hinawakan niya ang mga braso nito.

"What if sabihin kong attracted ako sa iyo? Iisipin mo bang pinaglalaruan kita?"

Hindi nagsalita si Ivanna. Hinarap niya ang lalaki. Ang maganda nitong mga mata ay nakatunghay sa kanya.

"Hindi lang ikaw ang unang lalaki na nagsabi sa akin niyan. Pero bilang katulong mo,iisipin ko pinaglalaruan mo lang ako."

Binitiwan ni Adam ang braso niya.

"I'm sorry." Iyon lang at muli itong umakyat ng kanyang silid.

Nanghihina na napaupo si Ivanna sa sofa.

"Too much fairytales Ivanna." Ilang saglit siyang nag isip,hanggang makaramdam ng antok at pumasok na sa silid na itinuro ni Adam.
*********
Kinabukasan nagising si Adam na me breakfast na nakahanda. Naupo siya sa dining table pero hindi niya nakita ang dalaga. Nag simula na siya kumain ng pumasok ito sa kusina.

"Coffee?" Tanong nito.

"Yes, please." Sabi niya. Nagsalin naman si Ivanna ng kape mula sa percolator.

"Salamat!" Sabi ni Adam nang iabot niya dito ang tasa ng mainit na kape.

"Nasa labas lang ako. Tawagin mo lang ako pag me kailangan ka." Sabi nito na tatalikod na sana pero tinawag niya. Humarap ito sa kanya.

"Uuwi na tayo. Maghanda ka na." Bilin nito na tumango lang siya.

Paglabas ni Ivanna,saka naman pumasok ang isang babae at lalaki.

"Bisita kayo ni sir Adam? Kami po ang caretaker ng villa. Me sakit anak namin kaya maaga kami umuwi kahapon." Sabi nito.

"Nasa kusina si Sir Adam. " sabi ni Ivanna at bahagyang ngumiti sa babaeng marahil nasa lagpas trenta ang edad.

"Ang ganda nyo naman girlfriend nya kayo? Ngayon lang siya nagdala ng babaeng bisita dito." Nakangiti pa din nitong sabi.

"Hindi po. Katulad ninyo tauhan lang din niya ako." Tanggi niya.

"Bakit mukha kayong mayaman?" Hindi makapaniwala nitong tanong.

"Manang Ligaya kayo na po bahala sa pinag kainan ko. Babalik na kami ng manila." Sabi ni Adam na galing sa dining area.

"Okay po sir!" Sabi ng babae at pumasok na ng kusina.

Umakyat naman si Adam sa kwarto nito at kinuha ang mga gamit.

Nauna na siyang lumabas bitbit ang kanyang backpack na pinaglagyan niya ng kanyang damit.

Pasakay na siya sa sasakyan na makita niya si Manang Ligaya na humabol.

"Iha, sa iyo ba ito?" Habol ni Manang Ligaya, hawak ang kanyang la senza pair na underwear na ginamit niya sa paglangoy kagabi.

"Nakita ko sa laundry area nakasampay." Sabi nito.

"Salamat po." Nakangiti niyang sabi at inilagay sa loob ng kanyang bag. Gusto niya sanang mahiya dahil nakatingin si Sir Adam. Pero dahil me atraso pa ito sa kanya kaya wala siyang pakialam.

Wala silang kibuan sa loob ng sasakyan. Nanlaki na lang ang kanyang mata ng makita na papasok ang sasakyan sa isang magandang hotel resort. Mga kalahating oras lang mula sa villa.

Everything I OwnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon