Chapter 21

3.5K 81 7
                                    

"Adam,mukhang malalim pa yata sa Mariana trench iniisip mo. I've been calling you." reklamo ni Ivanna.

Walang ngiti at puno ng mga tanong ang kanyang mga mata. Kanina pa niya ito tinatawag, nauna na ito pumunta sa tabing dagat. Naiwan siya dahil nagpalit pa siya ng damit pampaligo.

Isang black one piece swimsuit na bagay na bagay sa kanya. Pero si Adam ay hindi napansin ang presensya niya. Masyado itong nahulog sa malalim na pag iisip habang mga mata ay nakatuon lang sa buhangin.

" I'm sorry." Hinging paumanhin ng binata at sinipat siya ng tingin. Sumilay ang ngiti nito sa labi.

"You look gorgeous!" Papuri nito. Pero hindi nagawa niyang ngumiti.

Hinila naman siya ni Adam at niyakap. Siniksik nito ang mukha sa kanyang leeg.

"I'm sorry. I'm just figuring things out." Bulong nito,kasunod ng malalim na buntunghininga.

"Nahihirapan ka na?" Parang bigla siyang nalungkot. Nararamdaman niya na me gumugulo sa isip nito.

Kumawala si Adam at hinawakan ang dalawa niyang kamay.

"I will be very honest to you Ivanna. What's bothering me now is just recently i came to know my parents already arranged a marriage for me." Panimula ni Adam. Gusto niya hilahin ang mga kamay na hawak nito pero hindi siya makawala.

"Ginagamit mo lang ba ako?" Parang me mabigat na bagay na dumagan sa puso niya.

"No, when i said i love you. I mean it! Every word." Nakita ni Adam ang sakit na gumuhit sa maganda nitong mukha.

"Listen Ivanna. When i told you I'm willing to give up everything. Totoo din yun at seryoso ako sa iyo. Ang gusto ko lang sana ipaintindi sa iyo ay ang sitwasyon natin. Please unawain mo sana na hindi normal na magkasintahan ang magiging sitwasyon natin." Mahaba nitong paliwanag.

"Please Ivanna, give me time. Aayusin ko ang lahat. At habang hindi pa kita naiipakilala, I want you to patiently wait for me until the time comes na malaya na ako gawin ang gusto ko. And that is to marry you. Promise me, okay?" Hinawakan ni Adam ang kanyang mukha,mataman nakatingin sa kanyang mga mata.

"Ang pagiging isang housemaid ko ba ang dahilan..?" She wants to cry pero pinipigilan niya.

"Of course not, pero tradisyon na iyon ng mga mayayamang pamilya."

"Alam ko,.kung..kung mayaman ba ako sa palagay mo things will be easier for us?" This time siya naman ang gusto magbasa ng nasa mga mata ng binata.

"Hindi ko alam, ang gusto ko lang ay makawala sa kasunduan na ginawa ng mga magulang ko.". Ani Adam. Niyakap niya ang dalaga. Nakita niya ang frustration nito.

"Wag mong isipin Ivanna. Kahit sino ka pa. Ikaw ang pipiliin ko. Pang unawa at pasensya ang hinihingi ko sa iyo. Naintindihan mo ba?".muling tanong ni Adam. Tumango lang ang dalaga at isinubsob ang mukha sa malapad nitong dibdib.

" Okay,maghihintay ako. Iintindihan kita at lulugar ako kung saan ako dapat". Sabi ni Ivanna. Anyway,hindi naman magtatagal kung sigurado na siya kay Adam haharapin niya ang kanyang ama. Ihaharap niya sa Adam at ipaglalaban kasi he is worth it.

"That's my girl!" Nakangiti na si Adam.Totoong ngiti na abot sa mga mata. Sinapo nito ang kanyang maliit na mukha and planted kisses all over her face and lastly to her lips.

Pinakawalan siya nito ng pareho na sila naghahabol ng paghinga.

They spend their day,hugging cuddling and kissing. Kahit na nakikita niya ang pagtitimpi ni Adam hindi pa din ito lumalagpas sa boundary nito.

"Ang babae pinapakasalan bago tikman." Iyon ang salita ni Adam matapos ang kanilang good night torrid kiss. She can feel the growing maleness and the rugged breathing. Hudyat nang arousal nito,but then he manage to suppressed the urged of taking her to bed.

"I'm so proud of you mahal.!" Sigaw ni Ivanna sa binata na nagmamadali na pumasok sa sariling silid.

"Yeah, i know!" Ganting sigaw ni Adam. Narinig pa niya ang pagtawa ni Ivanna bago niya isara ang pinto ng kanyang silid.

"Your making me crazy, Ivanna!" Ungol ni Adam sa sarili at binagsak ang katawan sa kama.

Ilang saglit siyang nakatingin sa kisame nang pagpasyahan niyang pumasok sa banyo at mag shower. Kailangan niyang pakalmahin ang sarili.

********
"Hello, Ysa?" Agad niyang bungad sa kabilang linya ng i received ang kanyang tawag.

"Who's Ysa?" Boses sa kabilang linya. Si Sib iyon.

" Oh, sorry po. Mali pala na dial ko. Pasensya na."Agad niyang sabi at ini end ang call.

Hindi naman nagtagal at nag returned call si Ysa.

"What's up, Uno here!?." Boses lalaki ito at maingay ang background.

"Where are you?" Tanong niya.

"Naglalasing si KapitanTiyago". Sagot nito.

" Lasenggero ng future husband mo. At well supported mo.!" Tukso niya.

" Psssh, Ivanna baka gusto mo i send ko ngayon location mo kay Mr. Mondragon para hindi mo na makita ang boss Adam mo?" Parang napipikon nitong sabi.

Tumawa lang si Ivanna.

"Yeah, I am planning of seeing dad soon. Para ako mauna magpakasal, so you have enough time para gawin mong lalaki si Mr. Simon Ibarra." Pahayag niya at iyon ang plano niya.

" My dear sister. That's your plan? Don't forget Mr. Mondragon has another plan. At kelan ba sa buong buhay natin nasunod ang plano natin. Wala!" Ani Ysa. This time mahina na ang sound sa background at boses babae na ito.

"You must be in the ladies room. What would be your kapitan will think?"

"Busy siya, he is surrounded with good looking hunk. Hindi niya ako mapapansin". Sagot nito.

"Wag mo ibahin ang usapan." Pagbabalik nito sa topic.

" Anong gagawin ko?"

"Why not just go back. Be obedient daughter. Patunayan mo sa papa na you can handle things your own?" Payo nito.

" Okay, i will bargain anything kapalit nang hayaan niya akong pumili ng lalaki na gusto ko pakasalan."

"Good girl! Okay got to go. Don't call me i will call you. If you want to call me remember I'm UNO. Hindi pa tapos mission ko kay Kapitan. Kaya wag mo akong i sabotage. Okay?" At nag end na ito ng call.

Everything I OwnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon