"That girl you want to marry is my daughter, Ivanna Marie Mondragon."
Paulit ulit na parang sirang plaka na umaalingaw ngaw sa kanyang tenga ang mga salita na iyon
"Sir Adam, andito na po tayo." Pukaw ng driver sa kanya. Parang wala sa sarili na umibis siya ng sasakyan.
Nagtuloy siya sa tirahan ni Ivanna. Kakatok sana siya pero nakita niya na nakaawang ang pinto. Dahan dahan niya itong itinulak. Wala siyang nakita sa sala at kusina na makikita mo agad pagpasok ng pinto.
Napansin niya ang paggalaw ng kurtina dahil sa electric fan na nagsisilbing harang sa nag iisang silid na nandon. Lumapit siya at bahagyang sinilip ang silid. Andon ang dalaga natutulog. Pinilit niyang huwag gumawa ng ingay at mataman itong pinag masdan.
Pinakiramdaman ang sarili kung me nagbago ba sa kanyang nararamdaman. Ivanna the maid his girlfriend and turns out Ivanna the heiress his fiancee.
Bigla siyang napangiti when he feels the erratic heartbeat of his heart.
"No matter who you are my heart belongs to you. " aniya at hinaplos ang maamo nitong mukha.
Bigla naman ang pagbalikwas ng bangon ni Ivanna.
"Jesus! You startled me!" Bulalas nito, at agad na hinila ang kumot pataas sa kanyang dibdib.
Nginitian niya lang ito.
"Did you miss me?" Malambing niyang tanong at naupo siya sa hinihigaan nito.
Tumango si Ivanna.
"Where have you been?" Tanong nito.At sinipat siya ng tingin.
Ilang araw din silang hindi nagkita. Nanatili pa siya ng ilang araw sa America para sa briefing niya sa sitwasyon nila ni Ivanna.
Sa kagustuhan ng magulang ni Ivanna,ninais nilang hayaan ito sa gustong gawin ng dalaga. Huwag ipaalam na siya ang nakatakda nitong pakasalan.
And let her learned life according to her will. Walang alam ang dalaga na alam ng mga magulang ang bawat galaw nito. Ang kapitbahay nito ay isa palang well trained ex US marine na walang kaalam alam ang dalaga ay siyang nagsisilbing bodyguard niya.
"Hindi na mahalaga ang importante andito na ako. At lagi mo na ako makikita." Nakangiti na pa din na sabi ni Adam.
"Don't tell me,binili mo ang katabi na kwarto?". Napamulagat si Ivanna sa naiisip niya pwede mangyari.
"No.Take another guess." Umiling na sagot ni Adam.
Pinataas ni Ivanna ang isa niyang kilay. Me pilyang ngiti sa labi na hinarap ang binata.
"Pakakasalan mo ako?"
"Gusto mo na ba? Ready ka na ba?" Balik tanong ng binata.
Nawala ang ngiti ng dalaga ng mapansin ang biglang pag seryoso ni Adam.
"I'm just kidding Adam. It's not easy for you." Seryoso na din na sabi ni Ivanna.
Natahimik na lang si Adam.
"Baka itakwil ka pa ng parents mo. Mas lalo pa tayo paghiwalayin." Nalungkot si Ivanna sa pwede mangyari pag malaman ng pamilya ng binata na sa isang housemaid ang kasintahan ng kanilang unico hijo.
Kahit pa isa siyang taga pag mana hindi siya pwede humarap na si Ivanna Mondragon kasi mag kaiba ang kapalaran nila.
Bigla nagbalik ang alaala ng naging engkwentro nila ng ama ng muli silang magkita.
"So,where do you think on earth you will go where i can't find you.?" Agad na bungad ng kanyang ama. Ang alam niya ay abala ito sa negosyo. Pero parang baliwala lang sa mga bodyguard nito na dalhin siya sa harap ng ama.
She has no choice kundi ang harapin ang ama.
"Siguro naman enough na ang ilang buwan kung binigay sa iyo to play around? It's time for you to act as Mondragon heiress." Patuloy nito.
Bigla siyang kinabahan sa maari na puntahan ng usapan.
"Come with me, i already set the date of your engagement."
" No,papa!" Bigla siyang tumayo.
" Ivanna, stop acting like a child."
" Yes,papa! Im not a child. And my decision is final. Hindi ako mag papakasal sa pinili ninyong lalaki para sa akin." Matigas niyang sabi at tinalikuran ang ama.
"You will loss everything if you disobey me!" Sigaw ng ama niya na hindi niya pinansin.
Hindi niya napigilan ang maiyak.Thinking na mawawalay siya kay Adam. She loved him.
"Hey! Why are you crying?" Masuyong tanong ni Adam.
" Am I?" Ani Ivanna at bahagyang ikinubli ang mukha. Hindi niya namalayan ang pag agos ng luha.
"Tell me, me problema ba?" Niyakap siya ni Adam.
" I just missed you.Am, nagkita ba kayo ng friends mo?" Ganting tanong ni Ivanna para malihis ang usapan.
"Hindi, parents ko ang kasama ko. Why?" Alam niya na inlove si Shaun kay Natasha.Pero nagseselos pa din siya pag gamit ni Shaun kay Ivanna para pag selosin si Natasha.
"Wala naman." Nag aalala na tanong ni Ivanna. Nakita kasi siya ang mag kasintahan noong araw na gusto siyang iuwi ng ama upang makipag kita sa napili nitong mapapangasawa niya.
" You're not okay, Ivanna. Tell me,what's bothering you.?" He is hoping na sabihin ni Ivanna ang totoo.
Walang salita na lumabas sa labi ng dalaga. She is just staring at him.
" You're frightening me, mahal." Niyakap niya ito.
" You look stress.Natatakot ka ba na mawawala ako sa iyo.?" Malambing na tanong ng binata.
Tumango ang dalaga. Pano pag malaman nito ang totoo sa pagkatao niya?
"Your thinking too much. Halika matulog ka na lang ulit. And kung okay lang sa iyo gusto ko matulog na katabi mo." Sabi ni Adam at nahiga sa maliit na papag, hinila siya pahiga. At iniunat nito ang braso para mag silbing unan niya.
Tiningala muna ni Ivanna ang gwapo nitong mukha. Pero nakapikit na ang mga mata nito.
Marahil pagod at halata ang pagkakulang nito sa tulog. Hinayaan na lang niya ang binata. Hanggang maramdaman niya ang mahina at mabagal na pag hinga tanda na nakatulog na ito.
Ipinikit na lang din niya ang mga mata. At isiniksik ang sarili sa lalaking minamahal.Naramdaman pa niya ang pag pulupot ng braso nito sa beywang niyo.
She feel complete. Ito ang pakiramdam na matagal niyang hinahanap.
BINABASA MO ANG
Everything I Own
RomansaIvanna Mondragon knew from the beginning she will marry for convenience, not for love. Bago siya matali sa pag aasawa na walang pag ibig, she decided to run away and enjoy life. But she ended up working as a housemaid, there she meets Adam Santillan...