CHAPTER 4: Encountering the Four Boys

3 0 0
                                    



Sheinah's POV

Tatlong araw! Oo three days na akong parang timang dito sa school, pano ba naman di ako makatulog sa sinabi ni beb nung isang araw huhuhu. Tatlong araw ko na ding tinatanong si beb kung tunay talaga yung sinabi nya o ginugood time nya lang ako. Kaso ang sagot nya palagi ay ito " papatama ako sa kidlat kung mali yung pagkakaalam ko" gustuhin ko mang matamaan si beb ng kidlat para mapatunayan kong mali ang sinasabi nya kaso mahal ko sya ng sobra para gawin yun. Kaya ito ako ngayon napagdesisyunan ko ng pumunta sa POD office para kausapin si Mr. Cabasco para sa scholarship ko, baka kasi nahihiya lang syang sabihin na tanggal na ako sa scholar.

Habang naglalakad ako nakasalubong ko si Arc, ayun ganun pa din sya naglalakad habang nagrereview ng notes nya. Luhh kahit naman nagsusunog ako ng kilay para sa paagaaral, hindi naman ako katulad nito na pati sa paglalakad kaylangan nagbabasa. Pano na lang pag nagkamali sya ng tingin di ba tapos mabangga din sya tulad ko, well baka naman di ko sya katulad.

"Hi Arc!" bati ko sa kanya, mukhang narinig nya naman kaya nginitian nya ako at binati

"Helllo Sheinah! Oh himala ata di mo kasama ang magaling kong pinsan." Naks concern kay beb haha

" Uhmm may inaasikaso daw sya dun sa chess club nila baka may mahalagang gagawin."

"Ayos ah, bukod pala sa mag-tatalak may matino din palang ginagawa si pinsan eh." Napatawa naman ako sa sinabi ni Arc, tama naman kasi yung sinabi nya wala kasing ibang ginawa si beb kundi ang mag-ingay ewan ko din dun, siguro nakalunok yun ng mega phone nung kabataan nya kaya nagkaganun boses nya. Ever since elementary kami ganun na umimik yun daig pa ang kausap ay nasa kabilang ibayo.

"So san ka pala papunta Arc?" mukha naman syang nagulat nung tinanong ko sya, may masama bas a sinabi ko?

"Papunta na ako sa next class namin, eh may quiz kami kaya kaylangan kong magreview habang naglalakad para di ko makalimutan yung mga terms. Ikaw? San ka punta?" bigla naman akong natauhan sa sinabi nya, papunta nga pala akong POD shocks bat ko ba nakalimutan yun?

" Ahmm Arc sige una na ako papunta pa nga pala akong POD, sa sunod na lang ulit salamat!!" kumaway naman ako sa kanya at ganun din sya sakin uhmm masasabi ko he is friend material, alam nyo yun yung feeling na may magko-comfort sayo kapag nada-down ka.

Habang naglalakad ako papuntang POD maraming tao ang masama ang tingin sakin gawa pa rin siguro ng nangyari three days ago. Eh hindi naman sila ang sinigawan ko ahh, yung mayabang na lalaki naman minsan ang ooa din ng mga tao.

Paliko na sana ako nang biglang may umakbay sakin.

"Hi cutie san ka papunta?" pagtingin ko tangmilo si crush ay este si Dylan the playboy pala yung umakbay sakin.

" Hehe, pede patanggal nung kamay mo?" sabay irap ko kunware di ko sya kilala duhh asa namang maging mabait ako sa kanya no way highway!

"Aww di mo na agad ako kilala cutie?" psh siguro kung di ko alam na papalit palit syaa ng babae baka kinilig na ako eh daig pa nito ang baby sa pagpapalit ng diaper eh.

" Kaylangan ba kilala kita? Sir?" bigla namang nagbulungan yung mga tao sa paligid, yung totoo bakit kapag kami ang nagkakausap ng lalaking to daig pang may bubuyog sa tabi tabi ang iingay eh.

" So you didn't know me for real miss? Ganun na ba ako kadaling kalimutan?"

"Baka kasi hindi ka naman mahalaga para matandaan pa ng cerebrum ko." Sagot ko ulit sabay irap napipikon na ako ha, bigla namang may dumating na isa pang lalaki at nakipag-apir pa sya kay Dylan habang yung mga babae sa paligid ay parang nakakita ng oppa. Well pano ko nga ba sya idedescribe uhmm, mukha chocolate icecream gawa ng buhok nyang kakulay nito magkasingtangkad sila ng lalaking kausap ko kanina at mukhang puro kalokohan ang alam nito base sa ngiting nilabas nito ng makita nya ako at si Dylan na magkausap.

S-Q-U-A-DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon