Cally's POV
Hello world!! Oh di ba! Ang lively ng welcome ko sa inyo, kesa kay beb hahaha syempre joke lang hahaha. Ewan ko nga din dun, ang seryoso nya sa buhay nya, well kasi siguro kaylangan, para na din sa future ng family nya at para na rin sa ekonomiya. Alam nyo ba? Syempre naman hindi pa, hahaha kasi di ko pa nasasabi sa inyo eh. Yang si beb ay isang dakilang scholar ditto sa XYZ University, as in dakilang scholar talaga kasi sa sobrang talino nya ( kahit kinokontra nya ako palagi kasi masipag lang daw sya mag-aral) sus pa-humble pa si beb eh, ganun na din naman yun. So yun na nga sa "sipag nya ngang mag-aral" ay madaming kumuhang mag-susupport sa kanya for her studies kaya naman ayun sya nagpapaka-Albert Einstein ang peg ng lola nyo. Di ko nga alam kung saan nya nakukuha yung powers na napapagsabay nya yung studies at kalokohan naming mag-beb hahaha, pero syempre masaya ako kasi sya ng super beb ko.
Ayun back to the story na tayo napahaba ang chika natin eh... kayo kasi readers baka magalit na sakin si author nito.
Nandito kami ngayon sa room muntik na nga ulit kami ma-late eh, buti na lang si Ms. Kadiliman ay maganda ang gising at di kami nasermonan ng bongacius ngayon, thanks to beb inagahan nya na naman kasi ang tulog kaso tinanghali pa rin sya ng gising kamusta naman di ba?
"Beb!!!"
"Ay palakang tinanghali ng gising!" bigla naman syang napatawa sa sinabi ko
"Ano ba beb wag ka ngang manggulat!"
"Duhh beb, kanina ka pa kayang out of the world jan, anong iniisip mo ha?"
"Tss, ay nako Sheinah Jade tigil tigilan mo ko, baka nakakalimuitan mong may kasalanan ka pa sakin?"
"Beb naman eh, kanina pa kaya ako nag-sosorry sayo, di ba nga sabi ko sayo sakit ko na ata ang gumising ng tanghali kaya sorry na!!!" sabi nya habang nag-papacute sakin
"Nako beb wag ka ngang gumanyan nagiging kamukha mo yung aso nung kapitbahay namin."
"'Ay talaga beb? Sige wag na nga, akala ko kasi tatalab sayo eh bati na nga kasi tayoooo!!" pagmamaktol nya, aishh kalian kaya darating yung lalaking magiging kaugali nitong si beb para sila na lang mag-usap matalino naman sya kaso minsan ang gulo nya.
"Ano? Nakakuha ka na ba ng form para sa XYZ Movers?"
"Ay yun na nga beb kaya kita tinawag kanina kasi you know, uhh, ahhmm, hehe" problema nitong babae na to?
"Ano nga yun?" tanong ko
"Hehe, pede mo ba akong samahan mamaya after class, nahihiya kasi akoooo!! Dali na pleaseeee."
"HINDI KA PA NAKAKAHINGI?!!" sigaw kong tanong sa kanya ay pano naman kasi, ang tagal tagal ko syang inintay sa cafeteria kanina tapos sasabihin nya saking di pa sya nakakahingi kasi nahihiya sya? What a reason guys di ba?
" Eh, ahh kasi beb alam mo naman di ba ayaw ko naman talaga sumali dun eh!! Kaso ikaw ang mapilit." Ayaw nya naman talag sumali dun kaso para saan pa at binigyan sya ng ganung talent kung di nya ipapakita, anong gagawin nya dun? Itatago na lang forever? Sasayaw na lang sya sa harap ng salamin forever? Duhhh!! Para san pa't naging beb nya ako kung di ko sya ipupush na ipakita sa iba yung talent nya. (dami ko nasabi hehe clap clap clap best speech ever!)
"So ano beb? Sasamahan mo na ba ako?"
"Tsk, pasalamat ka at gusto kong ipangalandakan yang skills mo sa dancing kasi kung hindi nakoo ." bigla naman nya akong hinug at nag-thank you sya. Lord kelan ba dadating yung pisting lalaking yun? Tatanda ata akong dalaga ng dahil sa bff kong walang self-esteem eh!
Sheinah's POV
Hi!! I'm back people, oh ayan na ha ginawa ko ng masaya ang bati ko sa inyo para naman di na ako awayin ni beb. Kasi sabi nya ang seryoso ko daw, luhh hindi kaya minsan lang. So ito na nga papunta na kaming XYZ Movers room, wahhhhh!! Kinakabahan ako kasi naman ngayon lang ako makakapasok dito kasi syempre si beb lang naman ang may gusto nito, hays asan na ba yung batas para sa freedom? Bakit parang tinanggalan nya na ako ng right as a person? Psh
At ito na kami sa may hallway sa sobrang kaba ko ata di ko naa napansin na nabangga ako sa pader, in fareness ha ang bango ng pader na to ano kayang pintura ang ginamit dito? Boysen, o Rain or shine? Hehe jk
"Are you blind miss?" umimik yung pader? Wait? Teka lang? Kelan pa umimik ang pader? tapos tiningnan ko yung nabangga ko. Holy cow!! Kalahi ba to nina Cupid na Greek goddess walanjo naman kasi di ba sa daming makakakita ng epic kong ginawa yung pogi pa!
"Wahh, oh my Quim are you okay? That weirdo girl bumped you!" ay talaga namang ako? As in ako? Hehe paulit ulit pala ako, problema nitong mga babaeng to? Akala mo naman yung nabangga ko eh isang mamahaling gamit na kapag nagasgasan laking kabawasan sa kanya.
"Yari ka miss, tatanga-tanga ka kasi" sabi naman nung isang girl, wow ha! Pag nabangga tanga agad? Eh pano kapag nabundol at namatay tanga pa din? Aysh ewan nababadtrip na ako ha
"Tss, bulag na nga bingi pa!" aba't! anong pinagsasabi nitong lalaking pogi na, no binabawi ko ng gwapo sya, ay hindi gwapo talaga sya kaso mayabang! Tapos nilagpasan nya na lang ako pagkatapos nyang sabihin yun.
"Sinong may sabing bulag at bingi ako ha!!" hinarap ko sya kasi nasa likod ko na sya,yung mga tao naman nagsinghapan ng marinig nila akong sumigaw
"Yari ka talaga weirdo girl!" teka nga lang ha, kanina pa ko sinasabihang yari, ano bang ginawa ko? Bukod sa nabangga ko lang naman itong pesteng mayabang na to wala na naman akong maalalang ginawa ko, tumingin ako kay beb ayun para syang natatae? Bahala na nga sira na talaga araw ko.
"Geezz!! Sorry na nga lang kuyang mayabang, sa susunod kasi gamitin mo din yung mata mo para umiwas. Sige una na ako! Wag ka na sanang papakita ulit sakin, panira ka ng araw eh. Babu!!" at ayun tumakbo na ako sa harap ni beb na parang nakakita ng multo
"Ano beb tara na?"
"Yari ka talaga Sheinah Jade, mukhang makakaharap mo na for the very first time ang POD." Huh? Sinasabi ni beb?
"Beb! Quota na ako sa word na yari ha, pede iba naman? Tss badtrip si yabang eh."
"Beb, wag kang mabibigla ha." Sabi ni beb sakin, tumango naman ako, ayos lang ba talaga si beb?
" Yung lalaki kanina." Panimula nya
"Alin dun? Dami kayang lalaki kanina!"
"Tsk, Yung nabangga mo!"
"Yung mayabang? Oh ay anong meron dun?"
"Sya si Quim Kieron Ford Arellano" wow ang ganda naman ng pangalannya pang-rich kid
" Oh tapos? Bat pinapakilala mo sya sakin beb? Di ko kaylangan ng pangalan nya, di ko naman sya balak kilalanin eh." Naglakad na ako papuntang room ng XYZ movers room ng may sinabi si beb na dapat pala di ko na lang narinig.
" Quim Kieron Ford Arellano, anak ng mga taong sumusuporta sa pag-aaral mo, so ano beb kaylangan mo ba syang kilalanin o hindi?"
END OF CHAPTER 1
THANK YOU GUYS!
DON'T FORGET TO VOTE, LIKE AND COMMENT! LOVE YOU ALL!!
Heaven Peralejo as Cally Roseph Monasterio Ford