Dylan's POV
Dylan James Tan, sabi nila playboy ako kaya yun na din ang pinanghahawakan ko pero wag ka nagseryoso naman ako sa babae uhmm, mga 5 years ago kaso nakakaumay eh puro kasi sila demand ng demand then magpapacute at pag di nasunod ang gusto mag-papasuyo. Kamusta naman kaaming mga laalaki di ba? Kelan naman kami susuyuin at kami din ang magdedemand.
"HAHAHAHAHAHAHA!' tawa ni Uno ng makitang pababa ako ng hagdan nila Kie pero mjuntik na akong ma-out of balance. Gago din tong baklang to eh.
"Gagu!"
"Shu-shunga ka kasi bro. Ano? Nakausap mo? Lalabas ba tayo? Tara naman kasi nakakainip kaya sa bahay palagi na lang akong sinesermunan ni mommy kasi daw bat wala pa daw akong girlfriend." Angil nya sa akin, eh sya itong di naghahanap ng girlfriend eh bukod sa mabaho lang naman ang utot nya gwapo naman sya. Masyado lang nya talagang pinangangatawanan yung sinabi ng lola nya na hintayin ang tamang babae para sa kanya. Ang corny di ba?
"Bat hindi si JM yayain mo?" si JM isa pang tropa naming lima talaga kami kaso yung isa nasa ibang bansa at si JM naman ayun napalipat ng school kasi di na kaya ng magulang nya ang paaralin sya sa XYZ.
"Luhh bro may part time yun di bas a resto nila Kie. Nakakahiya namang pumunta dun at sabihing (" Hey bro tara sa bar iinom at maghahanap ng chix.") eh para na rin akong naging masamang kaibigan." Tama nga naman, kasi kung sa iba masama at palaging mayabang ang mga datingan naming pagdating saming magbabarkada, mahal naming ang isa't isa ang sagwa pakinggan pero yun talaga ang katotohanan. Kaming tatlo nila Kie at Uno ang mas kilala ang isa't isa kaya mas kami ang nagkakaintindihan. Katulad ngayon si Kie ay di nalabas sa kanyang kwarto ng dahil kay cutie. Alam nyo kung bakit? Ganto kasi yun.
Tinanong kasi namin sya kung nakausap nya na si Sheinah tungkol sa scholarship nya, sinumbong kasi naming sya sa kinauukulan kasi aba! Sigaw sigawan ba naman kami? Pero okay lang kasi syempre cute sya kaso di ko sya type eh mas type ko yung kaibigan nya. Mas sexy yun eh hahahaha.
Tapos yun, after naming itanong lanjo ang kumag nag-emote ang sabi ba naman.
Flashback
"Am I not worth the wait Naj?" nagtaka tuloy kami kasi syempre si Sheinah yung pinaguusapan tas isisingit nya si Naih yung kababata namin dati na first love ni Kie, oo 8 years old kami nun oh di ba ang aga ding lumandi ng kaibigan namin. Mahal nila ang isa't isa syempre kasi one of the boys si Naih samin medyo hawig nya nga si Sheinah kaso si Naih kasi mahinhin di makabasag pinggan, eh si Sheinah naman sa lakas ng boses makabasag baso eh. Hahaha so yun nga pero after ilang months nag-migrate sina Kie sa Canada then sakto naman kinailangan ng ibenta yung bahay nila Naih kasi may sakit yung Papa nya, kawawa nga sya eh kasi kaylangan nyang umalis at iwan kaming mga kaibigan nya pati si Kie para sa tatay nya. Saka hinanap namin si Naih pero wala naman daw may pangalang ganun Naijah Hernandez kasi pinakilala nya samin non.
"Bakit si Naih sinasabi mo? Eh di bas i Sheinah pinaguusapan natin?"
"I think I found her?"
"Bro ayos ka lang ba?" tanong ko
"I found Naj, I found my life bro." seryoso ba sya? Eh kasi naman sa dami ng lugar dito samin ni Hernandez na apelyido wala. Grabe nga eh, tapos ngayon sasabihin nya saming nahanap nya na si Naih?
"Seryoso ka ba bro? pano mo nalaman? Nasan sya gusto naming syang makita." Sabi ni Uno
"Nasa school natin sya, si Sheinah, sya si Naj."
End of flashback
" Bro seryoso bas i Kie sa sinabi nya?" tanong ni Uno
" di ko din alam ang laki kasi ng pagkakaiba eh."
" Pwede namang nagpapanggap lang syang di nya tayo kilala."
"Ay baluga ka pala eh di mo ba naalala na iba ang sinabi nating pangalan sa kanya kasi sabi nila mommy baka isa daw ang family nila sa mga spy sa kumpanya natin?" tunay naman na iba ang ginamit nilang pangalan noon, si Uno ang ginamit nya Dos, tas ako Cy at si Kie ay yung sa kuya nyang matagal ng patay kasi may sakit ito sa puso.
"Kung sya man si Naih dapat alam nya yung mga tigiisang sikreto natin di ba? Alam nya pa kaya yun?"
"Nako bro, baka pagtawanan ka ni Naih pag sinabi nyang ikaw ang umutot ng sobrang baho nung nasa loob tayo ng elevator hahahahaha." Tukso ko sa kanya
"Oyy wag kang maingay bro, kayo lang nila Naih ang nakakaalam nun!" tawa kami ng tawa nang marinig naming nagbukas ang pinto ng kwarto ni Kie.
"Oh bro? Saan ka pupunta?"
"Pagod na akong magtago sa malayo bro, pede bang kahit ngayon lang ipaglaban ko na yung taong mahal ko?" at pagkasabi nya nun bigla na lang syang lumabas ng mansion nila nagkatinginan naman kami ni Uno sabay sabing mukhang desidido syang si Naih talaga yun.
Sheinah's POV
" Jade anak! May bisita ka." Tawag sakin ni mama, nakatulog kasi ako kanina habang nanunuod ng korean drama
"Hmmm. Ma pasabi kay beb maya maya ako bababa maliligo lang ako!"
"Sinong may sabing si Cal ang bisita mo? Oy Jade anak ha, di mo naman sinabing may boyfriend ka na." ano daw? Ako may boyfriend?
"Anong? Ma wala po akong boyfriend, duhh baka naman wrong address lang po." Imbento yun si kuya
"Hoy, Sheinah Jade wag mo kong ma-rowrong address address jan ha. Ikaw ang hinahanap nung lalaki ang sabi pa nga eh "Good morning po ditto po ba nakatira si Sheinah Jade Monteverde Razo?" at ginaya pa ni mama yung boses . natawa tuloy ako.
"Ay nako Ma, sige na po pupuntahan ko na para malaman nyo na di ko yun boyfriend, wrong address lang talaga yun Ma." Bumaba naman ako ng apartment namin tapos binuksan ang gate nung tumunghay na ako, tuluyan ng nasira ang araw ko kasi..
"Hi Naj! Good Morning :) " sabay talikod ko at dire diretsong naglakad papasok ulit ng apartment
"Ma!! Wrong address lang daw talaga yung lalaki!" sigaw ko