A/N: Sorry na, naging busy lang po. 😊
Helyne
Gaya nang sabi ni Dad inalis nga ako sa Olongapo project. But, the credits are still with me. Designs ko kasi ang buong building na yon. Plus yung landscape ay ako din ang gumawa. They just needed Xharles to help with the supervision.
"Ang ganda mo 'cous!" Tili ni Felicie. "Bagay na bagay sayo, ang sosyal" napairap nalang ako sa kanya.
Nasa bridal shop kami, ngayon kasi ang fitting ng gown ko and gowns ng mga abay. I was wearing a 3/4 sleeved wedding gown na may mga maliit na diamond sa design. Sabi nga nila fit for a queen. I am Xharles' queen.
"Wow!" Sabay sabay na sabi ng ibang kaibigan ko. Sabay kasi silang nagsukat and huli si Felicie dahil maid of honor ko sya. "Pag nakita ni Xharles yan lalo maiinlove sayo yun" sabi ni Gab. I know.
"Oops dear, bawal picturan" sabi ng designer ko. "Mas magandang surprise sya sa wedding day. Sige na magpalit ka na nang damit, atleast now we knew na sukat na sukat sya sayo, konting adjust nalang sa bewang para humapit sa katawan mo. Sayang ang curves" dagdag nya. Tumango nalang ako.
I heard my phone ring. Inabot sakin yun ng yaya ko, yes I still have a nanny, sa laki kong 'to.
"Yes love?" It's Xharles.
"Nakabalik na ko ng manila, where are you?" Tanong nya.
"Nasa bridal shop kami, nagfitting ng gown" sagot ko.
"I'll fetch you up. Wait for me" sabi nya.
"No need love, magpahinga ka na lang muna. Kasama naman namin si yaya at yung driver" Ako.
"But I want to see you already" paglalambing nya.
Tumawa ako. "Magpahinga ka na muna, tapos tsaka ka pumunta sa bahay para makita mo ko" sya naman ang tumawa.
"Okay, I'll go there later. I love you" Xharles
"I love you more" sagot ko sa kanya. I was about to go back to my chair nang biglang magdilim ang paningin ko. Napahawak ako bigla sa pader.
"Okay ka lang hija?" Tanong ni Yaya Didit.
"Okay lang ho ako, pagod lang po siguro" sabi ko at dumerecho na sa couch.
"Bat ang putla mo?" Tanong ni Felicie. Umiling lang ako, as if signaling her that I also don't know. Bigla namang kasing sumama ang pakiramdam ko. Okay naman ako kanina, nagbreakfast naman ako. "Question" sabi nya nang wala nang makuhang sagot sakin. Tumango lang ako, hindi ko maibukas ang bibig ko. Para bang susuka ako anytime. "Wag na nga, pahiram na lang ng phone mo" naguguluhan man ay ibinigay ko sa kanya ang phone ko. "Oh no! No!" Biglang sabi nya.
"What?" I questioned her. Ano ba naman kasing reaksyon yan.
"Hindi ko gustong lalong sumama ang pakiramdam mo, pero nagkaroon ka na ba?" Tanong nya. Nanlaki ang mata ko dahil dun. What? Inagaw ko sa kanya ang phone ko. Shit! This can't be!
It's been a month nung may mangyari samin ni Yves. Leche! Bakit ba sa tuwing gagawin namin yun ganito ang nangyayari agad?
"Shh! 'Wag kang umiyak!" Felicie. Hinawakan ko ang pisngi ko. May luha nga ako. "Hindi pa naman confirmed 'cous! Dumerecho tayo sa clinic after nito" sabi nya.
"Magkikita kami ni XX. Hindi pwede" sabi ko.
"Then, he should come. Para kung ano man ang resulta nyan alam nyo na agad ang gagawin nyo" Felicie.
I nod. Oo tama, kailangan ko syang isama. Gusto nya daw kasi kung sakali sya ang unang makaalam.
"Hello Xharles" napatingin ako kay Felicie. Ang walangya! Di pa ko sumasagot nang oo sa kanya tinawagan nya na si XX. "Can you come with us? Papacheckup sana, I think Helyne needs one" tumango tango sya at sinabing puntahan daw kami dito sa bridal shop.
"Napagusapan nyo na ba yan?" Tanong nya sakin. Tumango ako. "Anong sabi nya?"
"Just like the old times, syempre sya ang tatayong ama. But this time hindi namin ipapaalam kay Yves" sagot ko. Yun kasi ang gusto ni Xharles.
"Let's just hope na stressed ka lang" Felicie. "Ang panget tignan kung ikakasal ka palang next week at buntis kana ng one month. Magdududa si Yves nun" Dagdag nya. Ofcourse! Kukutuban sya nun.
"Sana lang talaga wala lang 'to!" Yun lang ang sinagot ko sa kanya at nanahimik na.
.
.
.
.
.
"Miss Lee?" Dinig kong tawag ng secretary ng doctor sakin. "Pasok ka na" sabi nya nang magtaas ako ng kamay."It's okay" sabay na sabi ni Xharles at Felicie. Tumango lang ako at pumasok sa loob. Kanina pa kami nagpasa ng specimen na kailangan at ngayon babasahin ang resulta. Sabi ko kay Xharles ako muna ang aalam. Naintindihan nya naman.
Pagkaupo ko ay kinamusta muna ako ng doctor bago ibigay sakin ang envelope.
"Uhm, doc. Pwde po bang hindi ko nalang muna ito buksan?" Tanong ko sa doctor.
"Wala namang problema, if you're not yet ready to know the results" ngumiti siya sakin.
"Thank you! Mauna na po kami" ngumit ako. Bago tumayo at lumabas ng clinic. Sinalubong ako ni Felicie. Paranoid sya, ayaw nya kasing mabuntis ako ni Yves sa pangalawang pagkakataon.
"Anong sabi?" Balisa nyang tanong. Umiling ako. Nakita ko si Xharles na tumayo din.
"Hindi ko pa tinignan, natatakot ako" sabi ko sa kanya. Inakbayan ako ni Xharles.
"Bakit? We'll be here. Wag ka matakot, and I told you whatever happens I won't leave you" Xharles. Ngumiti ako sa kanya. Hinablot naman ni Felicie ang envelope na hawak ko. Pinagmasdan ko lang sya habang binabasa yon.
"OMG!" Sigaw nya. Tumingin ako sa paligid, wala namang tao. Buti nalang dahil maeeskandalo sila sa lakas ng sigaw ng pinsan ko.
"What? What does it says?" Tanong ni Xharles. Halatang kinakabahan din.
"Negative!" Masayang masayang sabi nya. Para naman akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Napayakap ako kay Xharles.
Wala nang problema. Kung positive yan ay baka nagdesisyon pa akong umurong sa kasal.
YOU ARE READING
Secret Love ✔️
RomansaI never planned to fall in love at a young age, I never thought I could give everything until there was nothing left to lose. The greatest agony in life is bearing an untold story of loving someone, someone that chooses something before you. Someon...