Chapter 3

42 5 0
                                    

Chapter 3

Creon's P.O.V.

"Ano?! Hindi ka talaga titigil diyan sa paglabas mo sa gabi?!"

Tapos na kami nina Mama at Papa kumain at ngayon ay nasa salas na kami at nagtutuos. Hindi na ako kinakabahan dahil nasanay na ako dahil tuwing nauwi ako o nandito ako ay madalas akong napagsasabihan sa pagiging vampire researcher ko.

"Ma! Maghintay ka lang! Patutunayan ko, Ma, na may bampira sa mundong ginagalawan natin. Malapit ko nang mapatunay--" naputol ang aking sinasabi nang batukan ako ni Papa na aking katabi. Napakamot na lamang ako sa aking ulo.

"Papa naman e..."

"O, sige. Pag hindi bampira yang usap-usapan ay titigil ka na sa ginagawa mong katangahan, 'yang vampire researcher kuno," ani ni Mama.

Matagal bago ako nakasagot at dahil malakas ang kutob ko na may something talaga sa babae na yun ay pumayag ako kay Mama. Nanlaki naman ang mga mata nila sa aking naging desisyon.

"Totoong-totoo 'yan, Creon?" Paninigurado ni Papa.

"Oo nga!" Napapalakpak naman ang dalawa. Napakamot na lang ulit ako sa aking ulo.

Lumabas na lamang ako at tinawagan ko ang aking nag-iisang bestfriend dito sa aming lugar. Dumating naman agad siya dahil sa kabilang kanto lamang siya.

"Creon! Bro! Kamusta sa Manila?" Tanong ni Leigh, ang aking bestfriend.

"Magulo sa Manila, Lei. Pero madaming mapupuntahan lalo na kainan," sagot ko naman.

"Vampire researcher ka pa din?"

"Oo, Lei. Pero nagkasunduan kami ni Mama at Papa na paghindi bampira yung usap-usapan dun sa mansion ay titigil na daw ako sa pagiging vampire researcher. " Agad namang nanlaki rin ang mga mata niya. Aba't hindi rin naniniwala. Tsk. Tsk. Napailing-iling na lang ako.

"Galingan mo, bro," natatawa niyang sabi. Napangisi naman ako.

"Malakas ang kutob ko na may something talaga sa babae na yun." Tinapik-tapik naman ni Leigh ang braso ko.

"Good luck, bro."

"Tara na nga! May tournament pa tayong pupuntahan!" Napakunot naman ang noo niya.

"Saan? Go ako diyan."

"Sa bayan! Malaking pustahan 'to, bro!"

Pagkarating namin sa isang malaking computer shop na punong-puno ng mga kabataan at mga kaidaran ko. Agad naman silang napatingin samin dahil isa kami ni Lei na maglalaro sa 5v5. Hindi ko kilala yung tatlo pa naming kasapi pero usap-usapan na magagaling din daw sila.

Tig-lilimang libo makukuha namin dito kung mananalo kami. Shit! 

"Yowwnnn!!!!! Tang*na!!!!! Tang*na, Leigh!!!!!! Nanalo tayo! Sh*t!!!!" Nanginginig na ang aking mga daliri sa kakalaro.

"Bro! Lahat ng mura, sayo na!"

Ngayon ay lumabas kami ng computer shop na may limang libo kami sa bulsa at may ngiting tagumpay ang nakaguhit sa aming mga labi.

Hapon na kaya uuwi na kami dahil ito na ang oras para sa sermon ng aming mga magulang na hindi na naman kami kumain ng tanghalian para lang magdota.

"Sige, bro! Alis na ako ha." Tinapik ko na lamang siya sa kaniyang balikat at nagsalungat na ang aming tinahak na daan.

Pagpasok ko sa aming pintuan ay sinalubong ako ng lumilipad na chopping board! Sabi na nga ba't naabutan ko siyang nagluluto nanaman! Patay!

"Ano't nagcomputer ka nanaman! Hindi ka na nagsawa!"

"Ma, ngayon na nga lang ulit ako nakapuntang computer shop with my bestfriend. Bakasyon na naman..."

"Ako'y tigil-tigilan mo, Creon. Umupo na kayo ng Papa mo at kakain na." Sabay talikod ni Mama at naghain na ng makakain.

Akala ko aabutin ako ng ilang taon bago matapos ang sermunan.

Pagkatapos kumain ay makailang oras ay natulog na din sila. Ako naman ay oras ko naman para lumabas na sa hating gabi.

Pagkarating ko sa harap ng bahay niya ay nagtago ulit ako sa tindahan at bumili ulit ng mangunguya.

Maya-maya lamang ay lumabas na siya at ginawa niya rin yung ginawa niya nung nakaraang gabi. Ngayon ay may hawak siyang cellphone at hindi ko alam ang kaniyang ginagawa baka naglalaro siguro dahil nakalandscape ang kaniyang cellphone.

I hid myself behind the terrace of this store. Dito kasi mga nakatambay yung mga nabili dito. I make sure that she can't notice me in this darkness I'm into.

Hindi nagtagal ay pumasok na rin siya at nagdadabog pa siya, hindi kaya dahil iyon sa ginagawa niya sa cellphone? Makalipas ang ilang minuto ay hindi na rin siya lumabas.

Ngayon, panibagong gabi na naman at nandito ulit ako sa usual place na pinagtataguan ko at inaantay ko ulit siyang lumabas. Kailangan may mangyari ngayon para naman hindi masayang ang bakasyon ko dito.

Lumabas din siya at may dalang isang tupperware na ice cream! Aba, malala na! Kaya niyang ubusin iyon? Pero tignan natin dahil nag-uumpisa pa lamang siyang kumain.

Habang kumakain siya ay nakatingin siya sa kalangitan kaya napapatingin din ako sa mga bituin. Napakaganda at napakakinang. Ang daming bituin ngayon sana ganito na lang buhay ng lahat ng mga tao. Ang dami ko kasing naencounter sa Manila na mga kabataan na nagdudusa na agad sa isang malalaking problema pero ito lang naman ako na mababaw na tao lamang.

Pagkatapos ko makapag-isip ng marami ay naalala kong may binabantayan ako. Kaya ibinalik ko ulit ang tingin ko sa babae pero pagtingin ko sa kaniya ay nagulat akong nakatingin din siya sa akin.

Hindi ako gumalaw baka mapansin niya ako o baka nga nakatingin na talaga siya sa akin pero hindi ako kumibo dahil binabalutan na ako ng kaba sa dibdib. Unti-unti na siyang tumatayo at papunta sa aking pwesto...agad akong napatayo sa gulat nang ibato niya sa akin ang tupperware!

Ngayon ko lang narealize na nakita na niya ako.

---
Merry Christmas and Happy New Year!
Happy Holidays!

AziTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon