Chapter 2

63 7 0
                                    

Chapter 2

Creon's P.O.V.

"Anak, halika na at tayo'y kakain na ng hapunan," tawag sa akin ni Mama. Tumayo na ako sa ikinauupuan ko dito sa harap ng bahay namin at pumasok na sa loob.

"Upo ka, anak." Umupo na rin naman ako at kami ay nagsimula nang magdasal.  Nagsimula na rin kaming kumain pagkatapos magdasal.

"Anak, buti na lang umuwi ka pala dito nung isang araw pa dahil doon pala ang tama ng bagyo sa Manila," sabi ni Papa.

"Oo nga po at umuwi ako dito tyaka semestral break naman po namin bukas. Dito po muna ako ng dalawang linggo." Napatango-tango naman si Mama at Papa.

"Ma, oo nga pala. Nandito pa rin ba sa kapit-bahay natin iyong usap-usapan na engkanto o bampira?"

"Ayan ka na naman. Hindi nga siya engkanto o bampira tyaka tigilan mo na nga yang paghahanap mo sa mga aswang. Hindi 'yon totoo."

"Ayan ka na naman mama eh... sabi mo hindi mo na ako pakikialaman sa pagiging vampire researcher ko?"

"Ano ka ba, Creon? College ka na pero tak-u mo ay pangbata pa rin. Tsk. Tsk," sabat naman ni papa.

"Ang sakit nun Pa. At least, nao-honor student pa rin ako," depensa ko naman.

"O, sya, sya. Tigil na muna 'yan at kumain na muna baka marinig pa tayo ng kapit-bahay natin na pinag-uusapan natin siya. Baka ikaw kainin niya, Creon," panakot naman sa'kin ni Mama. Ano ako bata para matakot? Bakit pa ako maghahanap ng mga vampira kung takot naman pala ako?

"Ewan ko sayo, Ma."

"Tandaan mo, Creon. 'Wag kang babakla-bakla," singit ni Papa.

"Aba, Pa! Lalaki itong si junior." Nagtawanan naman sina Mama.

Pagkatapos kumain ay pumunta na ako sa aking kwarto para maglaro ng Dota. Syempre, lalaki pa din ako. Well, hindi ko naman sinasabi na pag hindi naglalaro ng Dota ay hindi na lalaki.

Makalipas ng ilang oras ay inabot ako ng hating gabi. Sh*t, patay ako nito kina Mama. Lumabas ako ng kwarto at madilim na ang buong bahay. Deret-deretso naman ako papunta sa main door para lumabas. Ginagawa ko ito palagi kasi nagmamasid ako ng paligid na mahigit isang oras din. Nagbabakasakali na may makita ako.

Escape mission, accomplished! Well done, Creon!

Ngayon, nandito na ako sa labas at kita naman na sobrang dilim. Gusto ko lang makita ang kapit-bahay namin na usap-usapan nga. Sana lumabas siya. Simula bata ay kapit-bahay ko na iyan pero ni hindi ko man lang nakalaro ang sinasabing bata diyan dati o nakita man. Siguro kaidad ko na iyon ngayon. Kaya siguro ay hindi ko rin nakita ay baka dahil nasa U.S. sila nung mga panahon na nagbabakasyon ako dito sa probinsya namin. Sa Manila kasi ako nag-aaral at naiwan dito pamilya ko.

Lumabas na ako sa aming bakuran at naglakad-lakad sa labas. Hindi naman sobrang dilim pero dahil sa bilog at maliwanag na buwan ay nakikita ko ang paligid. Nasa harap ako ngayon ng isang tindahan at dahil ayoko ng walang nginunguya sa mga ganitong oras. Bumili ako ng kahit ano. Hindi naman kasi ako maarte sa ganito, hindi katulad ng karamihan ng mga babae ay maraming gusto at ayaw. Ako naman ay marunong makuntento.

Pagkaharap ko sa likod ay nakita ko na ang bahay na gusto kong makita. Napaka dilim nito at itim ang kulay ng kurtina. May patay ba? Aakalain mo talagang walang tao dito. Malaki ang bahay kaya nakakatakot. Malaki rin naman ang amin pero hindi mukhang pang horror movies na katulad nito.

Dumako naman ang aking mata sa malaking gate na nakalagay ay Villamor Family. Kita ko naman ang loob nito dahil bakal-bakal lang naman ang gate nila hindi katulad na parang pader ang gate at walang makita sa loob. Kita mo rin naman sa mga halaman na mukhang may nakatira din kung pagmamasdan ay alagang-alaga ito.

Nagulat naman ako nang biglang bumukas ang pinto at may dalang pandilig ng halaman. Aba, kakaiba dahil sa gabi nagdidilig ng halaman. Tama ba ito? Buti nabuhay ang mga halaman. Hindi naman niya ako napansin nagsara na rin naman ang tindahan kaya dumilim na sa pwesto ko. Natawa ako pero buti na lang ay hindi niya narinig. Siguro naman ay may nagdidilig ng halaman niyan sa umaga. Imposible na ganiyan yan ka buhay na buhay.

Ngayon ko lang napansin na maputi siya, hindi kasi na aarawan. Kinakabahan na ako. Ngayon ko lang siya nakita, after all those years. May dugong bampira nga siguro ito. Super putla ng itsura niya. Payat, hindi naman yung buto-buto na.

Pagkatapos niyang magdilig ng halaman ay umupo siya sa mga upuan na nasa labas na talaga. Ang tagal niya rin nagmasid-masid.

Ilang oras din siyang nakatingin sa langit kaya umayos na ako ng upo dito sa pinagtataguan ko. Hindi ko alam kung nakailang hikab na ako. 3am na kaya ng umaga. Hindi naman pwede na bigla na lang ako lalabas sa sulok na ito. Edi, nahuli niya ako.

Pikit na pikit na talaga ang mata ako. 5am na at medyo maliwanag na pero hindi pa naman sumisikat ang araw. Maya-maya lang ay nagdilig ulit siya ng mga halaman at pumasok na siya sa loob.

Ano? Ganon na lang 'yon?! Tumayo na ako at nag-unat-unat. Nagtunugan naman ang mga buto ko. Tumakbo naman kaagad ako papunta sa bahay namin dahil magigising na sina mama at sabihin non ay tumakas ako.

Dahan-dahan naman ang paghakbang ko pero pagkabukas ko ng main door ay bumulaga sa harapan ko si Mama na may hawak na kutsilyo.

"Saan ka galing at inabot ka ng umaga at kung tatakas ka lang din sana umuwi ka ng mas maaga sa alas singko ng umaga para hindi mo ako naabutan ng gising at nagluluto! Saan ka galing?!"

"Ga-galing ako sa labas." Kumunot naman ang noo ni Mama.

"Kita ko nga dahil papasok ka palang sa loob."

"Alam mo na iyon, Ma! I'm a Vampire Researcher!"

"Tangnang buhay ito. Bakit ba ako nagkaanak ng baliw?" Bulong ni Mama.

"Ano 'yon, Ma?!" Kunot noo naman ako dahil narinig ko iyon! Ang lapit kaya niya!

"Wala, matulog ka na! Mamaya tayo magtutuos." Agaran naman akong tumakbo sa taas at pumuntang kwarto ko. Napasalampak naman ako sa kama at agad ding nakatulog. Pero bago ako makatulog ay ngayon ko lang masasabi na sa tagal ko siyang pinagmasdan kanina ay masasabi kong nakuha niya ang mga tingin ko dahil maganda siya at ang inosente niya tignan at the same time yung mukhang walang pake sa mundo.

---
Unedited.

AziTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon