Chapter 1: KuyangBaklangJanitor

826 16 0
                                    

Jackie's PoV


Nagising ako sa isang malakas na pagtama sa akin ng isang "Unan?" sa aking katawan at sa isang sigaw. "HOY JAKIIII! BUMANGON KA NA JAN! MAY PUPUNTAHAN KA PA DIBAAA?!" waaaaaaaa! Oo nga pala may pupuntahan pa ako.




Hindi nyo man lang itatanong kung sino yung sumigaw na yun? Well sya lang naman ang pinsan ko na napakastrikto saken. Daig pa sya yung magulang ko. Kapag galit yan para syang isang tigre na galit na galit talaga.




"HOY PINSAN!" Sigaw sa akin ng pinsan kong malatigre.




"Ayyy! Tigre!" Sigaw ko nung bigla nya uli ako banggitin ng unan. Lakas din neto bumanggit. Nasa harap sya ngayon ng pintuan ko at nakaharap sa aken. Matinde! Nakapamewang pa si bakla.



"Bumangon ka na jan jaki at sabayan mo ako kumain"



Grabe naman to, kakain na nga lang hindi pa makaisa. Hayyy!




"Sige madc, manliligo lang ako tapos susunod na din ako sa kusina." Wika ko.

***

Kakatapos ko lang manligo at kasalukuyang nagsusuklay na ako. Nakabihis na rin naman ako eh. Lalabas na ako ng kwarto ko ng biglang tumawag na naman si insan.




"Hoy jaki! Bilisan mo jan." Kaya nagtatakbo na ako pababa sa may kusina namen.





Nakahanda na din ang pagkain ko, ready to eat na. Kaya umupo na ako sa tapat na upuan ni insan madc.




"Ahh, Madc? Asan pala si mama?" Tanong ko. Ang aga aga kase wala na naman si mama.




"Hindi ko alam, may pinuntahan ata." Sabagay lagi namang may pinupuntahan si mama.



"Syempre naman, kapag wala yung tao may pinuntahan yun syempre, shunga din to minsan eh. Tsaka ang tinatanong ko kung nasaan si mama tapos ang isasagot may pinuntahan." Bulong ko sa sarili ko, baka mapakinig pa kase ako ng pinsan ko, matuktukan pa ko neto. Isesearch ko na lang sa google yung lugar na 'may pinuntahan' para malaman ko kung saan yun. maganda kayo don? Siguro madame din doong tao dun.



Nagsimula ng kumain si insan madc kaya ginaya ko na lang sya. Kumagat sya sa isang hotdog kaya kumagat din ako, Sumubo naman sya ng kanin kaya sumubo din ako. Tapos kumuha naman sy ng ham at kumagat kaya ginaya ko lang naman sya. Pagkatapos nya kumagat binaba nya yung kustara at tinidor nya kaya ginaya ko din.




"Jaki? Bat mo ginagaya ang ginagawa ko?" Ano ba naman to ang bilis makalimot.


"Diba sabi mo sakin kanina sa kwarto ko bilisan ko at sabayan kita sa pagkain kaya ginagaya kita at sinasabayan." Sinamaan lang nya ako ng tingin.


REVENGEWhere stories live. Discover now