Chapter 5: Kuyang Bakla (Part 1)

189 12 6
                                    

Jackie's PoV



(Saturday, 7:00 AM)




Maaga akong nagising Ewan ko ba, siguro excited lang ako kase makakaharap ko na si Mr.Viceral Pero at the same time kinakabahan din ako. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito.






"Good Morniiiing!" Masaya Kong bati sa aking teddy bear. Kinuha ko muna ang cellphone ko sa side table ko tsaka ko tinignan ang oras.






"7:03 a.m." malakas Kong basa sa oras. Maaga pa naman, kaya okay lang kahit mabagal ang kilos ko. Hihihi.





Bumangon na ako at pumunta na sa may banyo. Tinignan ko muna kung anong itsura sa tapat ng salamin pag bagong gising, okay lang naman, walang nagbago, maganda pa din.






Binuhay ko yung gripo at sinahod ko ang kamay ko para makapaghilamos ako. Kinuha ko din yung mouth wash ko tsaka ko minumog.






Pagkatapos ko nun,Lumabas ako saglit sa banyo at kinuha ko na ang bath towel ko sa may kwarto ko, tsaka ko naman kinuha yung damit ko na susuotin, simpleng dress lang na kulay pink. Pumasok na muli ako sa banyo at naligo.



***


Pagkalabas ko ng banyo tumingin muna ako sa orasan na nakasabit.






"8:05" eh? Isang oras akong nanligo? Parang Hindi naman ah. Para ngang ambilis bilis ko pa.





Kinuha ko yung lotion ko tsaka ako naglagay sa aking mga palad at hinaplos sa aking katawan, pagkatapos naglagay din ako ng deodorant powder tapos nilagyan ko din ng pabango yung suot Kong dress na pink. Kinuha ko yung sapatos ko na medyo mataas yung heels. Tapos nag make-up na rin ako. Yung light make-up lang.





Pinuntahan ko muna yung kwarto ni madc tapos sinilip ko si madc, ang himbing pa ng tulog ni madc di ko na lang muna sya gigisingin. Sunod Kong pinuntahan ay ang kwarto ni mama.






Eh? "Asan si mama?" Wala na naman sya? Hindi ko na nga namalayan yung pagdating ni mama kagabe. Lumabas na lang ako sa kwarto ni mama at bumaba na papunta sa may kusina.






Napangiti na lang ako sa nakita ko pagdating ko sa kusina. Nakahanda na yung pagkain Pero may mga taklob para Hindi lumamig yung mga pagkain. Tapos kinuha ko yung papel na nakababa sa may lamesa.





"Good Morning babies, Kumain kayo nang madami ni madc ha, umalis ako ng maaga kase may kailangan pa akong gawin. Pakabusog kayo ni madc anak ha. I love you! -Love Mama Che" Malakas Kong basa sa note na iniwan ni mama. Kahit kelan talaga Hindi nawawala yung pagiging sweet mother nya.






Umupo na ako at kumain. Nag-iwan din ako ng notes Kay madc. "Madc, nauna na akong kumain kase may pupuntahan pa ako." Basa ko pagkatapos Kong isulat sa stickynotes.





"Ayan, tapos na!" dugtong ko pa pagkatapos kung ikapit ang sticky notes sa may lamesa. Umakyat na uli ako sa kwarto ko para magtoothbrush at magretouch. Naglagay uli ako ng medyo pink na lipstick, konti lang para tumugma sa kutis ko at sa suot Kong dress.


REVENGEWhere stories live. Discover now