III (Hits Hard)

6 1 0
                                    

It was the demonic night when the moon was bloody red. And all that she could do is to cry in pain and agony.
-Unknown

Lusiel's Point of View

After several minutes of changing and Tada!  I'm all set. Ang kailangan ko nalang gawin ay lumabas sa kwarto ko at tumungo sa office na sinabi ni Mr. Trevor.

Kaya bago sumugod ang dalawa kong kaibigan dahil sa katagalan kong mag ayos ay tumayo na ako at pumanhik palabas sa kwarto ko. Tumingin muna ako sa repleksyon ko sa salamin ng tukador ko para masiguro kung okay lang ba ang itsura ko.

Pagkatapos ay lumabas na ako at sakto namang papalabas na din sila ni Shien at Sierra sa mga kwarto nila. Tiningnan naman nila ako na para bang nay isang milagro na naganap.

"Himala ata at hindi ka nahuli Lusiel?.", Nanunuring tanong ni Sierra. Well, hindi ko nmn sila masisisi kasi sa lahat ng bagay ay palagi naman akong nahuhuli. Naalala ko nga noong elementary palang kami ay nabansagan akong 'Late Loser' kasi sa lahat ng program, assignments,projects and etc., ay lagi akong huli.

Anyway, past is past. Let's not discuss about that. At heto kaming tatlo ngayon. Patungo sa opisina na sinabi sa amin. Nakapag tanong tanong kami kanina kung saan ang daan patungo don at mukhang mabuti naman ang napagtanungan namin. Pero may kakaiba sa kaniya kanina habang nagtatanong kami.

Mukhang balisa kasi ito. Panay ang iwas ng tingin sa amin. Hindi naman kami nakaka intimidate kasi friendly approach naman ang ginawa namin sa kaniya. At hindi naman si Sierra ang nagtanong kindi kami ni Shien kaya dapat ay mas palagay ang loob nito tulad ng mga inaapproach namin sa school noon.

Bigla na lamang itong nanakbo matapos kaming magpaalam at magpasalamat. Isinawalang bahala na lamang namin iyon kasi baka may klase lang at nagmamadali.

Nakarating na kami sa opisina na sinabi sa amin ni Mr. Trevor kanina. Akma akong kakatok nang bigla nalang itong bumukas at iniluwa ang lalakeng nakasagupa ko kanina lang din sa elevator.

May bahid ng dugo ang gilid ng labi niya, magulo ang buhok nitong ponaghalong kulay ng itim at pula, bukas ang unang tatlong buttones ng kaniyang itim na polo na halatang galing sa away dahil sa gusot gusot nitong nga parte.

Kusa namang dumako ang paningin ko sa kaniyang mukha. Hindi man lang naapektuhan ng kaniyang sugat sa gilid ng labi at maliliit na sugat sa mukha ang kaniyang kagwapuhan. 
Nakita ko itong ngumisi sa akin ng mapagtantong tinititigan ko siya.

"Take a picture. It'll last longer than staring.", Nakangisi nitong turan sa akin. Agad namang umasim ang mukha ko at balak na sanang sumbatan ang walang modong lalakeng 'to kung hindi lamang sa tinig ng isang lalake na parang hinukay sa lupa.

"Laslione Stavvios Archivos!.", Napapiksi ako dahil sa gulat pero ang lalakeng nasa harap ko ay nanatili paring nakatingin sa akin habang nakangisi.

"That name is so so long Mr. La Demino, Just call me Last. It will Last longer.", He's really a headache, I guess. Mukhang pati ang Dean ng school na 'to ay hindi niya inaatrasan. Takaw away siguro. Tsk. Tsk..

"Remember Last. This is your 'Last' chance. You are being a pain in the ass of all the profs here.", Isang lalake ang lumitaw mula sa likuran ni Last. Mukhang ito ang Dean. His height is about 5'6 or 5'7 pero nakakapagtakang mukhang mid-30's palang ang itsura nito. Magkasing taas lamang sila ng lalakeng nasa harap namin.

The guy just shrugged and grinned at me as he walks away while his hands are in his pockets. 'Tsk! What a jerk!.' Bulong ko sa isip ko.

Napadako naman ang tingin ng lalake sa amin at ngumiti. Ang bilis namang magpalit ng emosyon ng Dean na 'to. Una galit at parang mamimilipit na siya ng leeg tapos ngayon ay parang batang binigyan ng lollipop sa tamis ng ngiti.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Blood Series 1: Reckless BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon