Chapter 9

17.3K 521 15
                                    

Nitong nakaraang buwan walang katapusang problema ang dumating sa bestfriend kong si Felicity. Siyempre damay na ako doon dahil bestfriend ko siya kailangan niya ng karamay. Kaya ang beauty ko nastress na as in sobrang stress. Palagi kasi akong binabantaan ni Kuya Kael kapag hindi ko sinusunod ang mga gusto niya.

" Hi sweety pie!" Napatirik ako ng mata. Isa pa itong nagpapastress sa buhay ko. Inabot ko sa kanya ang mga folders na gagawin nito. Para umalis na siya. Ngumiti si Alonah at umupo sa kandungan ko. Napangiwi ako.

" What are you doing?" Tanong ko sa kanya. Itinulak ko siya paalis sa kandungan ko. Naiinis ako dahil palagi niyang ginagawa ito, ang kumandong sa lap ko. Nakakairita akala mo naman yayakapin ko siya kapag kumandong sa akin.

Napaismid ito sa akin. Tumayo na siya at lumabas ng opisina ko dala ang mga folder. Buti naman at umalis ang babaeng iyon.

Isang malalim na buntong hininga ang ginawa ko. Napahilot ako sa sintido ko. Sumasakit ang ulo ko sa mga babaeng yumuyurak ng katawan ko. Feeling ko nga hindi na ako ligtas kapag lumabas ako ng building na ito. Kailangan ko yata magkaroon ng bodyguard to protect me sa mga babaeng maninira ng puri.

Pagkalabas ko ng opisina hindi ko nakita si Alonah sa may table nito. Napakunot noo ako dahil kapag ganitong uwian lagi nang nakaabang mismong sa pinto ko or kaya naman pinapasok na niya ako kaagad sa loob para sabay na kami umuwi. Pero ngayon wala siya. Napahinga ako ng maluwag dahil wala ang linta ng buhay ko.

Pagkapasok ko sa loob ng elevator nagulat ako dahil si Alonah nasa loob na siya. Nasa isang sulok kaya hindi ko napansin. Nakatitig lang siya ng diretso sa akin kaya kinabahan ako. Pero parang may iba sa kanya. Dinedma niya ako. Napapasulyap ako sa kanya habang may kinakalikot sa bag niya.

Hindi ko na din pinagkaabalahang kausapin baka maging sawa na naman.

Pagkabukas ng elevator nauna pang lumabas si Alonah na ikipanagtaka ko. Hindi man lang sumulyap sa akin. Isang himala na wala sa mood ang babaeng iyon? Tinanaw ko na lamang tingin ang papalayong bulto ng sawa este ni Alonah.

Nagpasya akong pumunta ng bar para magrelax relax ng sandali. Wala kasi ang bestfriend ko naka vacation. Imagine mo isang buwan ang hininging pahinga. Daig pa ang boss kung makadrama ng I need to unwind. Dapat ako yata ang humingi ng isang buwan na pahinga. Dahil nastress ako sa kanilang dalawa ng jowaers niya.

" Look who's here girls?" Napalingon ako sa nagsalita mula sa likuran ko. Napatirik ako ng mata at napapikit ng mariin dahil nandito na naman ang mga sawa in town. My god!

" Hi hun" Bati ng babae sa akin. Hindi ko ito kinibo nanatili lang akong nakaupo sa stool at umiinom ng alak na nasa baso ko.

Umupo sila sa tabi ko at pumangalumbaba sa harapan ko. Para tuloy akong masarap na pagkain na handa nilang lantakan. Napataas ang kilay ko. Napansin ko na nakasuot sila ng disenteng damit ngayon. Hindi labas ang dede. Hindi kagaya noong mga nakaraang araw na nakita ko sila.

" You know Stefano I like you." Tumaas ang kilay ko sa sinabi ng babaeng may morenang kutis. Siya ang nakakaangat sa dalawa. " Yes it's true and I miss you hun" Hinaplos niya ang pisngi ko. Nagkatitigan kaming dalawa. Siguro dala ng alak nakaramdam ako ng init sa katawan. Ibang klase ang init ng palad nito. Ang haplos niya ay nakakadala. Magaling ang babaeng ito sq paghaplos.

No wonder they're all beautiful.

" Why are you like me?" Tanong ko. Sa pagsasabi niya sa akin mukhang seryoso. Napansin kong wala na ang dalawa. Kaming dalawa na lang.

" Do you believe in love at first sight?" Tanong niya sa akin. Parang hindi ko pa naranasan ang na love at first sight.

Sinenyasan ko ang bartender na isa pang shot. Binigyan niya ako. Uminom muna ako bago ko sagutin ang tanong niya.

BARAKO SERIES: #2  Seduce Me  (Stefano Dela Costa Story) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon