Chapter 1

153 1 3
                                    

"Dear Diary,

 Pahingi'ng pag-ibig, 'yung mamahalin ka ng 'di pinipilit, 'yung mamahalin ka ng walang kapalit, 'yung pag-ibig na hindi ka na masasaktan ng paulit-ulit. Nakakapagod na kasing masaktan ehh, paulit-ulit na lang nawawasak ang puso ko. Tsk! Balit ba kasi marupok ako? Diary, paano ba umibig nang hindi nasasaktan? Sana may magic o powers nalang ako noh? para kahit saktan nila ako ng paulit-ulit, hindi ko na maramdaman ang sakit. Pagod na akong masaktan. Palagi na lang ba? Kailan kaya ako makakaramdam ng pagmamahal sa isang tao na buong-buo? 'yung tipong araw-araw ako sasabihan ng "I love you" na hindi pilit, hindi peke, 'yung totoo. tsk! maybe, this isn't the right time. Maghihintay nalang ako Diary, ayoko ng masaktan pang muli. tsk! I SHAIRA JAN SALVADOR SWEARING TO MYSELF THAT THIS DAY FORWRD, I WILL NOT FALL INLOVE AGAIN TO A MAN THAT I SEE, THINK, SENSE THAT HE DOESN'T LOVE ME. Okay, Diary hanggang dito nalang muna ha? Bye, Lovelots.

                                                                                                                         ShairaJanS.<3"

Matapos kong sumulat sa Diary ko ay niligpit ko ito. Tanghali na akong gumising kasi linggo ngayon. Sarado ang karenderya namin. Tumayo ako, pagkatapos ay pumunta ako sa banyo upang maligo. Pagpasok ko sa banyo ay agad kong hinubad lahat ng saplot ko sa katawan at walang tinira kahit isa. Nagsimula na akong maligo.

Nang matapos akong maligo ay nagsuot ako ang kulay itim na bathrobe, at binalot ko sa tuwalya ang buhok ko at pagkatapos 'nun ay lumabas na ako. Nagpatuloy ako sa morning rituals ko, pag-blower ng buhok, suklay bale 100 times, suot ng komportableng damit na pambahay hanggang sa matapos ako. 'di na ako nagtagal masyado sa kwarto ko kasi nagugutom na ako kaya pagkatapos kong hinerementado ang sarili ko ay lumabas na ako.

"GOOOD MOORNIIING MAGAANDA NAMING ATEEEEEE" sigaw ng dalawang nakakabata kong kapatid na babae.

Ang ingay talaga nila. Kahit kelan.

"hmm... morning" 'yan lang ang naisagot ko sa kanila. wala akong gana magsalita today.

"Ay? Bad mood si ate" si Shaira Febb s'ya ang pangalawa sa aming magkakapatid. Nasa College na s'ya Business Manangement ang kurso n'ya. She's 22 years old pero halos ng swerte na sa kanya na. Matalino s'ya, maganda, magalang, mapagmahal, palabiro. syempre mana sa'kin except sa pagiging matabil n'ya pareho lang sila ni Shaira Nov maingay, iiyak ang araw 'pag hindi sila makakapag-ingay. Swerte rin s'ya sa lovelife n'ya, 3 years na sila ng boyfriend n'ya. Samantalang ako, 'eto bente singko na pero wala pa 'ring mahanap na matino na boyfriend, lahat biglang liko.

"Oh, ate don't be sad because your future boyfriend will be sad too. halika dito ate kakain na tayo" Si Shaira Nov habang inilapag n'ya ang kanin sa mesa. umupo naman ako at nagsimula ng magsandok ng kanin. 

"Here Ate, ADOBO... para sa taong sinaktan at niloko and KALDERETA... para sa taong hanggang ngayon ay patuloy pa ring umaasa" dahan dahan n'yang inilapag sa harap ko ang dalawa'ng bowl na may lamang  Adobo at Kaldereta. inis akong napatingin at kanya at inirapan sya. palibhasa mga successful sa lovelife kaya ganon na lang sila'ng umasta sa akin. Magsasalita na sana ako pero nauna sa akin si Febb.

"Opppss.. Ate Chill, today is sunday." sabi pa n'ya habang inilagay n'ya ang kanyang hintuturo sa labi ko.

"And...? Ano naman kung Sunday? Sunday nga pero ang aga-aga n'yong nang-aasar sa'kin."

Napabuntong hininga silang dalawa at napailing. "Ate, calm down. Sunday is Family Day. magba-bonding tayo ngayon kasama si Mama at Papa. kaya, if I were you, bibilisan ko na ang pagkain ko at magbibihis kasi gagala raw tayo ngayon..." nakangising sabi pa niya sa akin.

Mabilis na tinapos namin ang agahan at nagsimula na kaming pumunta sa kanya-kanyang kwarto para makapili ng susuotin. Si Nov naman ay busangot ang mukha, s'ya kasi ang nautusan ngayon ni Mama sa pagluluto at paghuhugas ng pinagkainan. Hindi ko maiwasang matawa sa isip ko, ' 'pag bunso naman talaga oh... laging nauutusan'. Nang makahanap ako ng damit ay nagpalit agad ako. Isang off shoulder crop top na color sky blue at maong na high-waist shorts ang suot ko ngayon na pinaresan ng kulay puti FILA Sneakers. 'lakas kong maka teen ager ngayon ahh' sabi ko sa isip ko. Nilagyan ko ng konting polbo ang mukha ko 'tsaka leeg, pinahiran ko ng konting cheektint ang pisngi ko at naglip tint na rin. Nilugay ko ang mahaba kong buhok, sayang kung itatali, bagong rebond pa naman. Syempre, para perfect ang aura ko ngayon, ehh nag perfume ako. Apat na beses kong inispray ang Ralph Lauren kong pabango bago ako lumabas ng kwarto.

"Wow, dinaig pa akong teen ager ahh... Siguro naman ate makakahanap ka na ng matino'ng boypren sa outfit'an mong 'yan." Kahit kelan talaga ehh 'noh? walang preno ang bibig nitong si Nov, prangkang prangka magsalita. Napaka bold. Bagay sila ni Iuhence.

Iniripan ko s'ya at nauna na akong lumabas, wala ako sa mood ngayon para makipag asaran. 

"Uy, kapitbahay ang ganda natin ngayon ahh... 'san ba'ng gala natin ngayon?" sabi pa ni Hubert. Magkatapat lang ang bahay namin. Naglilinis s'ya sa sarili n'yang sasakyan ngayon kaya nakita n'ya agad ang OOTD ko.

Nagkibit balikat ako. "'di ko alam, 'di rin ako nagtanong kela Mama ehh..." he mouthed 'ahhh' habang tumango-tango.

"Aba, ang ganda ng panganay ko ngayon ahh..." sabi pa ni Papa sa'kin habang naglalakad sila ni Mama patungo sa'kin. Nasa likod naman nila ang dalawang kapatid ko.

"Ngayon lang ba Papa? Sa pagkakaalam ko po ay simula pa po 'nung ipinagbubuntis ako." biro ko pa at nagtawanan naman sila ni Mama, pwera nalang sa dalawa kong kapatid na inggetera. "At sa pagkakaalam ko rin po ay lahat raw ng panganay ay magaganda" proud ko pang sabi. Napatawa nalang si Mama at Papa, pati Si Febb ay napatawa na rin. Si Nov naman ay lukot ang mukha, parang 'di n'ya tanggap ang katotohanang sinabi ko.

"Oh, siya, sige tama na nga 'yan baka may magwala pa rito ehh" biro naman ni Mama na s'yang ikinatawa naming lahat pwera kay Nov na hanggang ngayon ay busangot pa rin ang mukha.

~~

Hi/Hello Eto lang po muna ang UD ko ngayon ah? medyo hindi gumagana ang utak ko. Nagulat kasi ako sa kidlat rito sa amin ehh. Hihi . Maraming salamat sa Nakakabasa at nakaka appreciate. Mahal ko kayo.                    



SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon