Chapter 3.2

23 0 0
                                    

"MGA TRAYDOR!!"

Natigil kami ni Nov sa pag aasaran nang makarinig kami ng sigaw mula sa aming likuran. Si Febb.

Salubong ang kilay, 'di maipinta ang mukha. Tsk! Nagseselos s'ya.

"MGA TRAYDOR!! Sa tingin n'yo kayo lang dalawa ang magkapatid?! Sa tingin n'yo walang magseselos?! Hoy! Andito ako" inis n'yang sigaw habang dinuduro kami ni Nov.

Padabog s'yang naglakad papunta sa gawi namin ni Nov habang salubong pa rin ang kilay at lukot pa rin ang mukha. 

Pinagkrus n'ya ang kanyang dalawang braso at matalim na tumingin sa amin ni Nov.

"Oh ano?! 'di kayo makapag salita Kasi kinalimutan n'yo ako! ..----"

Hindi ko na pinakinggan ang mga satsat ni Febb. Tumingin ako kay Nov na nakatingin din sa akin. tumango s'ya ng dalawang beses at ngumisi sa akin. May masama s'yang pinaplano. Mula sa pagkakaupo ay sabay kaming tumayong dalawa at tiningnan namin si Febb at sabay na ngumisi.


"H-hoy! A-anong tingin 'yan? At may pa ngisingisi pa kayong nalalaman! Ano 'yan ha?!"

Humakbang kami ni Nov ng dalawang beses at bahagya s'yang umatras.
Kitang Kita sa mga mata ni Febb and takot na para bang may gagawin kaming karumaldumal sa kanya.

"Isa" bilang ko.

"Dalawa"

Nagkatinginan kami ni Nov at sabay na tumango sa isa't Isa.

"H-hooy!---"

"Tatlo!"

"Ahhhhhhh!"

Singbilis ng switis ang takbo ni Febb papalayo sa amin. Kaagad naman namin s'yang hinabol.

"HUMANDA KA FEBB MAHUHULI KA RIN NAMIN NI ATEE!!" Hinihingal niyang sabi kay Febb.

"Maaamaaaaaaaaaaaa! Papaaaaaaa! Help! Tulungan n'yo po ako"

Mabilis s'yang nakapunta sa likod nila Mama at Papa, at isiniksik n'ya ang kanyang sarili.

"Mama si Ate at Nov po ohh..."sumbong niya.

Tsk! Hiningal ako dun  ahh.

"Ano na naman 'yan Nov?"

"bakit Mama? wala naman akong ginawa ahh" patay malisya kong sagot.

"ano'ng wala? hinahabol n'yo ako ni Nov ehh.. Mama may gagawin po sila sa'kin ni Nov"

Tsk! O.A . Senior High na Sumbungera pa rin.

"Mama maglalambing lang sana kami, kaso tumakbo s'ya" Ani Nov.

"Ano'ng maglalambing?! eh nakita ko nga ikaw kanina na nakangisi parang may pinaplano kayo sa'kin" nakangusong sagot ni Febb sa kanya.

Exaggerated. Grabe! 'di ko alam kung saan sila nagmana >_< sakit sa ulo, nakaka stress -_-.

"Oh, siya. Paghinay-hinay namo diha kay manlakaw na ta." 

"Ehh Mama, bago pa lang tayo nakaabot diri. Diri sa ta Mama. Sige na Please." pagmamakaawa pa n'ya.

"Hindi pwede anak. May dadating na bisita ngayon si Papa mo, kakatawag lang niya sabi niya nandito na siya sa Davao."

Ang busangot na mukha ni Febb ay napalitan ng kyuryosidad. Mangchismis nasad ni. Hmp!

"Mama, sino po?" Tsk! Tag.an ko pa.

"'wag ka nang magtanong Febb. kahit kelan talaga napaka- echosera mo!" sabat naman ni Nov habang kumakain ng Apple na isinawsaw sa suka na may asin.

"Seriously Ate?! Apple sinisaw sa suka? Yuck! nakakadiri ka! buntis ka ba?" histerikal nyang tanong kay Nov na ngayon ay nakatingin ng masama sa kanya.

"Ano'ng buntis?! Masarap kaya! Tikman mo pa"

"Tsk! Tama na nga yan! Puro kayo satsat ehh... Halika na nga baka mahuli pa tayo sa bisita ni Papa. Nakakahiya naman" 

Tsk! Kahit kelan ang sakit talaga nila sa tenga.

"Nasan ba si Papa, Mama?" tanong ko.

"Nauna ng umalis papuntang parking lot. Kayo kasi nagbabangayan pa kayo. Para kayong mga bata"

"Eh Sila kasi Mama ehh" parang batang sumbong ni Febb.

"Kasasabi lang diba Febb?!" sabi ko sa kanya at pinandilatan siya ng mata.

"Oo na, Oo na, Tara na!"


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Wew! after 123557463435775343 yeaaaaaarsz! Finally nakasulat na rin. Salamat po sa mga nag antay ng ilang taon! HAHAHAHA wizwiz. 

Don't forget to vote mga Palangga. ^_^ 
Follow me on Facebook: Yori Joy Calunsag Puerto

Palangga ta mooooooooooo. :* Mwaaaaaaaaah





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 09, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon