Chapter 3

80 1 2
                                    

Hindi ko mapigilang, hindi mapahanga sa kabuuan ng park. Napakasariwa ng hangin, nagtataasang Pine tree ang makikita mo sa paligid, at kapag tumingala ka makikita mo kung gaano kaganda ang kalangitan. Masasabi kong ito talaga ang napaka Peaceful na lugar na napuntahan ko. Malayo sa lugar sa Maynila na masyadong maingay, polluted, nakakastress. Saan kaya nahanap ni Mama at Lugar na 'to? Nakakawala ng pagod, stress at hindi ka mauumay sa ganda ng tanawin dito.

Marami na akong napuntahan na iba't-ibang park, pero masyadong matao. Hindi katulad rito na aakalain mong private dahil napakatahimik ng paligid. Feeling ko nga kami lang ang tao rito ehh. 

Humiga ako sa bermuda grass at nakangiting pinapanood ang kalangitan. Ipinikit ko ang aking mata at nilalasap ang hangin na dumadampi sa aking balat. Tirik naman ang araw pero ba't parang giniginaw ako? This is one of the most unforgettable moments i have experience in my life. Thank God, at may natitira pang ganitong klaseng lugar sa buong Pilipinas kahit papaano.

"Ate? Nage-emo ka na naman ba?" tanong ni Nov habang naglalakad s'ya papunta sa gawi ko.

Tsk. Chismosa. Nananahimik na nga lang ako, dumayo pa talaga dito para guluhin na naman ako.

"Bakit ka nandito? asan sila Mama?"

"Ate naman eh... ayaw mo ba akong makasama?" nakangusong tanong niya sa'kin.

"Nov, tigil tigilan mo 'yang nguso-nguso mo, hindi bagay sa'yo. Mukha sa si Ugly Duckling sa itsura mo."

"Grabe ka ate! Baka nakalimutan mong magkapatid tayo? Makapanlait ka naman" Iritadong sagot n'ya sa akin.

Humiga s'ya sa tabi ko. At kagaya ng ginawa ko, nakangiti n'ya ring pinapanood ang magandang kalangitan.

"Ate ..." narinig kong bumuntong hininga muna s'ya, bago uli nag salita. "Do boys really fall in love?".

Kumunot ang noo ko dahil sa tanong n'ya. Ano na naman ba pinagsasabi nito?

Nilingon ko s'ya at binigyan ng nagtatakang-tingin.

"Ano? ba't mo naman natanong? At ako pa talaga tinanong mo ha? Nananadya ka ba?!" 

"wala lang ate,..." malumanay n'yang sagot sa akin. "nagtatanong lang ako. So, Do boys really fall in love?"

Hindi ako umimik agad. Hindi ako makasagot sa tanong niya.

Naiinlove nga ba talaga ang mga lalaki?

Charles...

James....

Carl...

Justin...

Jhoben...

Clark...

Matthew...

Jason...

Sa lahat lahat ng lalaki na naging boyfriend ko, ni isa walang sumeryoso. Nagtatagal lang ng Isa hanggang  tatlong buwan. Pagkatapos, wala na. Hindi ko maintindihan, kung bakit ganito ang buhay pag-ibig ko. Parati ako nalang ang nanonuyo, nagpaparaya, nagmamahal, ako nalang parati ang nag aadjust. Palagi kong tinatanong sa sarili ko kung ako ba ang may kulang. Dapat ba ako makaranas ng ganon kasakit? Kasi, Ang sakit eh, ang sakit sakit. Gusto ko lang naman magmahal at mahalin din ako ng taong mahal ko. Pero bakit ganon? Bakit parang pinagbabawalan ako ng panahon? Gusto kong lang naman malaman kung ano'ng pakiramdam na ituring kang espesyal.

I envy my sister Febb a lot.

Hindi ko namalayan na may tumutulong mainit na likido sa gilid ng mga mata ko. Bakit ba masyado akong emosyonal pagdating sa mga bagay na ito? Kinalma ko ang sarili ko at pinahid ko ang mga luha ko.

"Uy, ate okay ka lang? Ba't ka umiiyak?" umupo s'ya at mas nilapit pa n'ya ang kanyang sarili sa akin. Akmang tatakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawang kamay ko, pero huli na nang s'ya na mismo ang pumahid sa luha ko. "Ate, sorry... Sana 'di nalang kita tinanong. Umiyak ka tuloy". Niyakap n'ya ako ng mahigpit at hinalikan ang noo ko. "Ate, sorry. Sorry ate." Naiiyak n'yang sabi sa akin. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"Husshhh, it's okay li'l sis. Okay lang. Lalo ka'ng papangit n'yan." Pang aasar ko sa kanya.

"Ate naman eh, kasi naman eh..."

"Hahaha Joke lang. Hindi ka naman talaga pangit eehhh"

"Oh 'yan naman pala eh... Ba't mo ako tinatawag na pangit kung gano'n?" Pa-baby'ng sagot n'ya sa akin.

Natawa ako bigla sa inasal n'ya. Para s'yang batang nagmamaktol.

"Hindi ka pangit li'l sis..." Pangungumbinsi ko sa kanya.

"Ikaw na nagsabi n'yan ahh.."

Tsk. 'yung nguso talaga kahit kelan. Haha.

"Oo, hindi ka pangit.... Pinagkaitan lang ng Ganda"

"Ate naman ehh, 'yan ka na naman ehh..."

"Hehe joke lang. Magkapatid kaya tayo. Kung maganda ka, mas maganda ako" pang aasar ko na naman sa kanya.

"'yan ka na naman ehh..."

Kiniliti ko s'ya sa leeg gamit ang kaliwang kamay ko habang ang kanan naman ay nasa tagiliran n'ya.

"Ate... S-top.. s-stop ate.. hahaha ... A-atee... Enough. a-ano b-ba ... Hahahaha nakikiliti a-ako..." Hinihingal n'yang sabi habang pinipilit n'yang inaalis ang kamay ko.

"Eh, paano kung ayaw k--?"



"MGA TRAYDOR!!!!"

~~
Lah? Sino kaya 'yun?:-|
Haha anyway thank you po sa mga nagbabasa sa story ko.
Sorry po kung short updates lang ha? Kasi naman po buhay studyante tapos may research pang nag aabang, kaya pagpasensyahan nyo na ako mga langga ^_^ Mahal ko kayo XOXO.


SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon