Chapter 1: Miss Me?

611 11 0
                                    

Chapter One: Miss Me?



 Kringgg.... Kringgg...

Naalimpungatan ako sa tumutunog. Guess what it was? It's not my alarm clock, it's my damn phone. Binalewala ko yun at dahan dahang bumangon at umupo sa kama. Napahikab pa ako. Antok na antok pa kasi ako eh. Late na ko nakauwi mula sa pagcover ko dun sa isang fashion show na ginanap kagabi. Actually medyo maaga naman yun natapos kaya lang napasama ako ng pumunta yung mga models sa isang bar para magcelebrate for the success. Napasama ko dun dahil kaibigan ko ang isa sa mga models dun na si Tiffany Sy.

Huminto ang pagtunog ng phone ngunit muli na namang tumunog. Napakunot noo na ako at napasulyap sa orasan. Alas nuebe na ng umaga. 6hours lang pala yung naitulog ko. Pero keri na. Inabot ko yung phone ko at tinignan muna kung sino ang tumatawag. It was Jamaica, my bestfriend. Napangiti ako at sinagot ang tawag.

"Uy lukaret ka, ang tagal mong sumagot kanina pa ko tawag ng tawag sayo." Anito bago pa man ako makapag 'Hello'.

Natawa ako. "Puyat po kasi ako Miss! Ano bang meron at napatawag ka?"

"Uh, would you come over here sa house? If wala kang gagawin." Himig pakiusap nito.

"Ah, wait for a sec. I'll check my sched." Sabi ko at agad inabot ang Tablet ko at tinignan ang planner ko. "Hmmm, wala naman sa ngayon, mamayang hapon pa ko naka sched. Bakit?"

"Oh great! Punta ka dito ha? As soon as possible. I need your help. Para sa invitation. You promise to help me right?"

"Yeah, I'm coming over. Sige Jam. Ligo lang ako at bihis tapos punta na ko dyan."

"Okay bye, love you best!" Yun lang at nag hang up na ito.

Tumayo na ko at inilapag ang Tablet at cellphone sa night table bago nagpunta ng shower.

-
-
-

Pababa na ko ng hagdanan ng makita ang kambal kong kapatid na sina Pearl at Jade, nagbabasa ang mga ito ng magazine kasama ang mommy namin.

"Uy kambal, wala kayong pasok?" Takang tanong ko ng makalapit ako sa kanila.

Sabay nag angat ng tingin ang mga ito pati na si mommy. "Wala kaming pasok kapag saturday Ate, did you forget?" Mataray na sabi ni Jade, at agad binalik ang tingin sa magazine.

Umingos ako bago bumaling kay mommy. "'Morning 'My." Bati ko at bumeso. "Punta lang ako kina Jam 'My."

Ngumiti ito. "Okay."

Lumabas ako ng bahay at nagsimulang maglakad. Nasa iisang subdivision lang naman kami nina Jam. Apat na bahay lang ang layo.

Nang makarating ako dun ay magdodoorbell na sana ko sa may gate ng biglang..

Whooosh!!

Nabasa ako ng tubig!

May nanutok sakin ng hose ng tubig kaya basang basa na ko.

"WHAT THE HELL?" Galit na hiyaw ko at nilingon ang kung sino man ang may pakana ng kabulastugang yun na ngayon ay tumatawa na.

Nakita ko ang isang lalaki sa loob ng gate nina Jam katabi ng isang kotse na naka topless at may hawak ng hose na ngayon ay tumatawa at nakatingin sa direksyon ko. Matalim ko siyang tiningnan.

"Hey you," Tawag ko at dinuro ang lalaki, napahinto nga ito sa pagtawa but he was grinning mischievously!

"Ano sa tingin mong ginagawa mo? Sino ka ba ha? Stupid, look what have you done!" Hiyaw ko at iminuwestra ang basa kong damit. Bumaba naman agad dun ang tingin nito. Bigla tuloy akong naconcious ng hinead to foot ako ng lalaki. Naka gray fitted sando lang ako at white shorts.

Jewel Siblings: Emerald Raven: Secretly In Love (#1) [Slowly Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon