CHAPTER FIFTEEN: SET UP

254 6 0
                                    

Chapter Fifteen: Set Up

Hila hila ako ni Ray papuntang parking lot. Huminto kami sa tapat ng kotse nya. Di naman kalayuan yung parking eh.

"What was that Ray?" Naguguluhang tanong ko.

But Ray was just grinning at me. Binawi ko yung kamay ko sa pagkakahawak nito. Hinampas ko ito sa braso.

"Hoy! Im asking you, what was that?" Galit galitang sabi ko.

"What? I just gave him a challenge." Natatawang sabi nito.

"Challenge? Ano bang pinagsasasabi mo?"

"You know, if talagang gusto ka nya. He'll get jealous. And if he really really likes you. Ipaglalaban nya yun." Kibit balikat lang na sabi nito.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa nito. They stay a little while there hanggang magdecide na silang sumakay na sa kanya kanyang sasakyan pero nagulat kami pareho ng may biglang humatak sa kamay ko.

"Emerald Reine.. No! You didnt mean it. I know, youre just setting it up." Frustated na sabi ni James.

Nanlaki ang mga mata ko. Pero bago ako makapagsalita ay lumapit na sa'min si Ray.

"Hey. What are you doing?" Matalim na tanong ni Ray kay James.

Gumanti ng matalim na tingin si James. "Dont meddle with us! I know you both! Youre just setting this up! What for? For a revenge? Oh come on. Im being serious here, dont pull this stunt to me!" Galit na bulyaw nito.

"J-James a-ano kasi.." Nauutal na ko at di ko pa malaman kong anong sasabihin ko.

Tumingin ako sa mukha ni James. Di naman galit ang itsura nito. In fact parang nagsusumamo itong nakatingin sakin.

Nakatingin lang din si Ray sa'min. Tila hinihintay lang nito na magkaroon ng wrong move si James saka ito kikilos.

"Alam ko marami akong nagawang kasalanan at kalokohan sayo. Pero wag naman ito ang iganti mo. Alam kong may feelings ka pa din sa'kin. Please.. Seryoso ako this time Emerald Reine." He said almost a whisper.

Parang nadudurog ang puso ko habang sinasabi nito yun. Pero kailangan kong malaman if talagang seryoso na sya this time.

"Sorry James. I need to go. And we're friends now right?" Nahirapan pa kong sambitin ang mga yun.

"No! I dont want friendship from you! I love you!" Sigaw nito.

Natigilan ako. What?

Pero bago pa maproseso ng utak ko ang mga sinabi nitong yun ay may humila na sakin palayo kay James na agad nakabitaw sa'kin.

Hinila ako ni Ray patungo sa passenger seat ng kotse nito at pinasakay dun at sumakay din naman ako.

Agad din namang sumakay si Ray sa driver's seat.

"Babalikan ko nalang mamaya ang kotse mo. Ihahatid na kita sa inyo." Malamig na turan ni Ray.

Pero bago makaalis ay nasa may bintana ko na si James.

"Emerald Reine! Please give me a chance." Sumamo pa nito. He was like on the verge of crying.

Tiningnan ito ng matalim ni Ray. "If you really love her. Prove it. Show me what you got!" Yun lang at pinaharurot na ni Ray ang kotse. Kitang kita ko sa side mirror kung paano kami inihatid ng tingin ni James.

Napabuntong hininga ako habang nasa byahe na.

"Emerald, wag kang papaapekto sa mga nangyayari okay? Kung mahal ka nga nya talaga papatunayan nya yun. Then ikaw na ang bahalang magdesisyon." Seryosong sabi ni Ray.

Jewel Siblings: Emerald Raven: Secretly In Love (#1) [Slowly Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon