Prologue

4 2 2
                                    

[Yvon's POV]




"Yvon, papagalitan tayo nila Mom and Dad kapag nalaman nila tong ginagawa natin!" mahinang sabi ni Aika sakin habang dahan dahan kaming naglalakad palabas ng bahay para hindi kami makagawa ng ingay.

Nakasuot kami ng makapal na hoodie at gloves dahil sobrang lamig talaga dito sa states, we live here almost 12 years kaya medyo sanay narin kami.

"Hindi nila malalaman kung walang magsusumbong" sabi ko rin sakanya, takot kasi sya kina mommy at daddy pero ako hindi. XD

Kailangan kasi naming makaattend ng despedida party ni Elis dahil aalis na sya bukas ng madaling araw papuntang pilipinas, at hindi na namin sya makikita unless magbabakasyon sya rito.

Bubuksan ko na sana yung pintuan ng biglang bumukas ang mga ilaw, biglang akong nanigas sa kinatatayuan ko.

We're doomed!

Napaangat ang tingin ko sa second floor ng bahay at nakita ko sina mommy at daddy na nakatayo habang masamang nakatingin samin. Kita kong hawak ni daddy ang remote kung saan pwede mong gamitin sa pag on at pag off ng ilaw.

"Where do you think you're going Yvon and Aika?" bakas sa boses ni dad ang galit. Siniko naman ako ni Aika sign na magsalita ako.

"Attending despedida party dad, please allow us Dad I promised this is the last" pinalungkot ko pa ang mukha ko para payagan ako ni dad, pero hindi manlang nagbago ang ekspresyon ng mukha nya. "Please Dad" dugtong ko pa.

"You already said it to me three times, hindi ka talaga magbabago no?"

"But dad, Promise last na last na last na talaga to" pinagdikit ko pa ang mga palad ko para magmakaawa.

"Stop it Yvon, let's just go back" bulong sakin ni Aika habang nakayuko. "No I won't stopped until they allowed us." mahinang bulong ko rin sakanya.

"Your sorry, but you already said your second last. Go back to your rooms now!" sigaw ni Daddy, hahakbang na sana si Aika pero agad ko siyang hinila at binuksan ang pintuan at mabilis na tumakbo palabas ng bahay.


Sumigaw pa si daddy pero hindi ko na narinig yun dahil mabilis kaming nakalabas.


"You're insane, Yvon. Siguradong paparusahan ka ni---I mean tayo ni dad"


Nagkibit balikat lang ako sakanya at naglagay ako ng earphone sa tenga, nakasakay kami ngayon sa taxi at papunta na kami kina Elis. Saka kona lang poproblemahin ang parusa ni dad kapag pinarusahan nya na ako. For sure Grounded lang naman ang punishment na ibibigay nila sakin, dalawang beses na akong pinarusahan ng ganun kaya sanay na ako. Mag eeleven na nang makarating kami kina Elis


"Good evening ma'am, kanina pa kayo inaantay ni ma'am Elisha. Sa garden po ang venue" sabi nung manong guard na kababayan namin. Mansion ang bahay nila Elis kaya masyadong malaki.

Dumiretso na kami sa garden at andun pa ang iba sa mga kaibigan namin. Humiwalay na si Aika sakin dahil si Xenon lang naman talaga ang ipinunta nya dito. :'/

"Yah, you're so late!" singhal sakin ni Elis pagkalapit ko sakanya, napansin ko ngang lasing na ang iba sa mga kaibigan namin kaya parang naguguilty tuloy ako.


"Atleast nakapunta pa rin ako." nakangusong sabi ko sakanya, nakakalungkot lang dahil aalis na sya bukas or should I say hours later.

"Message mo sakin bago ako umalis" nakangising sabi ni Elis sakin.


"What?! I thought ayaw mo ng message?" tanong ko sakanya. Last time sinabi nya sakin na wag na daw akong magmessage sakanya.

Fallen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon