Chapter 8

3 0 0
                                    

"Babe!!" sigaw ko pagkakita ko sakanya. Tumakbo ako sakanya at sinalubong sya ng yakap, yinakap nya rin ako ng mahigpit saka hinalikan sa lips.




"I miss you" sabi nya at ninakawan ulit ako ng halik kaya pinalo ko siya sa braso nya.





"Napaka PDA mo babe!" sabi ko sakanya, pinagtitinginan na kasi kami ng mga tao dito sa loob ng mall.





"Smack lang naman yun babe! Hayaan mona sila dyan" sabi nya sabay akbay sakin, humawak din ako sa bewang nya at naglakad na.






[Yvon's POV]

Kalat sa buong campus na break na daw si Chris at yung Sam, at ang bagong girlfriend daw ni Chris ay si Shanaiah yung campus sweetheart. Kahit sa hallway at field ay yun din ang topic nila.






Papasok palang kami ni Elis sa pintuan ng may bumangga sakin, yes bumangga talaga as in SINADYA!





"Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo, huwag kang tatanga tanga" sabi nitong bagong girlfriend ni Chris pake ko?




"Hoy! Ikaw nga itong bumangga sakanya kaya ikaw ang huwag tatanga tanga" sigaw ni Elis kay Shanaiah kaya nakuha namin ang attensyon ng mga nasa loob ng canteen.





"Huwag kang sumabat kapag hindi ikaw ang kinakausap" singit ni Jana habang naka cross arms pa at nakataas ang isang kilay.





"Then shut your big mouth too" sabi ko rin sakanya, abah! Sinabihan nyang huwag sumabat si Elis kaya sasabihan ko rin siya. "Maybe you should eat some make up, so you can be pretty on inside too" dugtong ko pa dahil sa kapal ng make up sa mukha, parang ginawang coloring book.





"You're over confidential now huh?" inis na sabi ni Marjorie. Tinignan ko lang siya, I don't want to repeat myself to them, bahala sila dyan.




"You know what? I tried to put myself in your shoes but they were cheap and ugly, just like you!" sabi ni Shanaiah at tinulak tulak pa ako gamit ang daliri nya sa balikat ko. Gaya ng ginagawa ko, tinatapik ko ng malakas kung sino man ang humahawak sakin ng hindi ko gusto.





Ah ganun ah?! Cheap and ugly pala ha, tignan natin mamaya!





"Im 97 percent sure you don't like me, but I'm 100 percent sure I don't care" sabi ko sabay tulak din sakanya gaya ng ginawa nya sakin, medyo napalakas ata yung huling tulak ko kaya napaupo siya sa sahig, ni hindi manlang siya sinalo ng mga dakila nyang kaibigan slash julalay





"How dare you to push her!" galit na sigaw ni Marjorie, tinulungan naman ni Jana si Shanaiah na makatayo.





Biglang hinablot ni Marjorie ang buhok at sinabunutan ako, inabot ko rin ang buhok nya at diniinan ang pagkakahawak, pilit na pinaghihiwalay ni Elis kaming dalawa ni marjorie pero nakita kong sinasabunutan na rin siya ni Jana. Biglang nagkagulo na rin sa loob ng canteen at sinasabunutan narin pala ako ni Shanaiah, masakit na ang anit ko kaya tinuhod ko ang isa sa kanila para mabitawan ako, at itinulak ko naman ng malakas yung natira dahilan para matumba sya sa mesa. Inalog at inayos ko pa ng unti ang ulo ko dahil nahihilo ako. Si Shanaiah yung naitulak ko at si Marjorie naman yung natuhod ko.





Nilapitan ko sina Elis at Jana dahil hindi parin sila naghihiwalay sa pagkakasabunot sa isa't isa, lugi pa si Elis dahil maikli lang ang buhok ng kasabunutan nya. Nang makatyempo ako kay itinulak ko si Jana palayo kay Elis, biglang nagsitahimikan ang mga tao ng biglang dumating ang Guidance councilor ng school.






Fallen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon