Chapter 3

4 1 3
                                    

Kinabukasan ay inabangan ko talaga ang pag uwi ni Elis dito dahil excited na ulit akong makita sya kahit ilang araw palang kaming di nagkikita in person.


Mamayang hapon pa raw sila mamakarating kaya inabala ko muna ang sarili ko hanggang sa maghapon na.

"Elis!" sabi ko nang makapasok ako sa bahay nila. "Hello po tita, tito" sabi ko sabay halik sa pisngi nila. Ganto ako kaclose sakanila hehe.

"O Hija, diba nasa states ka? Anong ginagawa mo rito sa pilipinas?" tanong ni tito Xander daddy ni Elis at kuya Xenon.

"Dad relegate me here. But it's okay lang naman po sakin" sabi ko. Tumango tango naman sila.

"Where's Aika?" biglang tanong ni Xenon na galing sa taas.

"Sa states, bakit? Akala mo kasama ko sya?" tanong ko, nginisihan ko sya ng sinamaan nya ako ng tingin.

"O sige maiwan ko muna kayo dyan, tutulong lang ako sa paghahanda ng meryenda." sabi ni tita Liza sabay tungo sa kusina. Nagpaalam din si tito samin na magpapahinga na daw sya muna. Habang nagkekwentuhan kami ni Elis ay biglang kumanta si Xenon.


"Farewell to you my friends
We'll see each other again
Don't cry 'cause it's not the end of everything"


Napalingon kaming pareho ni Elis kay Xenon na biglang kumanta at talagang ginagaya nya pa ang boses kong maganda! E ang pangit ng pagkakagaya nya, kaya kinapa ko ang throw pillow na nasa sofa saka binato sa mukha nya.


"Shut up!" sabi ko sakanya. Parehong masama na ang tingin namin ni Elis sakanya, habang sya naman ay prenteng nakaupo at nakapatong ang dalawang braso sa taas ng sofa habang hindi natatangal ang ngisi nya.


"Farewell-farewell pang nalalaman, magkikita din naman pala after 2 days---" talagang pinagdiinan nya pa yung after 2 days kaya binatukan sya ni Elis "---arayyy! What the?! Masakit yun ah!"


"Just shut up kuya! Inggit kalang kasi nagkita na ulit kami, e kayo ni ate Aika hanggang skype or what so ever nalang kayo!" sabi ni Elis at nagmake face pa ito sa kapatid nya.


Napikon ata si Xenon kaya nagwalk out kaya ayun tawa ng tawa si Elis hanggang sa mapagod sya. Pagkatapos nyang tumawa ng tumawa ay sumeryoso naman ang mukha nito. Okay, Ano parang baliw lang!?


"Yvon tell me the truth, why does tito send off you here?"


Oh god! Ayan na naman sya, hindi nya talaga ako titigilan hanggat hindi ko sinasabi ang totoo. Wala na ring silbi kung magsisinungaling pa ako sakanya kaya sinabi kona ang totoong dahilan.


"Hahaha! Kasalanan mo naman pala eh! Ikaw naman kasi" sabi nya habang tawa pa ng tawa. Tingnan mo tinawanan pa ako haysst.


"Duh? Sinabi ko naman na last na talaga yun e, kaso ayaw nilang makinig"

"Pano sila makikinig sayo? E puro last last last yung sinasabi mo sakanila"

"Hayaan mona nga yan! Nandito na e" sabi ko nang nakanguso.


Actually ayoko sana rito sa pilipinas dahil unang una wala ang family ko rito, ni isa sa kanila wala. So, loner ganern?


Pagkalabas ni tita Liza sa kitchen ay dala dala nya na ang meryenda namin, carbonara at cookies. Favorite ko ang cookies kaya agad kong nilantakan ito pagkalapag palang ni tita.


Fallen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon