Chapter 5

5 1 0
                                    

"We're here!" nakangiting sabi ni Elis, well nandito lang naman kami sa bar at pwede ko nang magawa ang mga gusto ko dahil wala namang pipigil at magagalit sakin.





Lagi naming dinadala ang fake ID card na ginagamit namin dati sa states just in case, at magagamit ulit namin ito ngayon. Sa entrance palang ng bar ay dinig na dinig na namin ang sounds na nanggagaling sa loob, pagkapasok namin ay mausok at hiyawan agad ang sumalubong saamin.





"Ma'am Yvon, wag po kayong iinom ng marami baka pagalitan po kami ni nanay" sabi ni Maya, sinama namin sya para may makasama kami ni Elis kahit juice lang ang kaya nyang inumin.





"Don't worry Maya, kaya ko ang sarili ko" sabi ko.




"Oo nga girl, sanay na si Yvon dyan kaya wag ka nang mag alala" singit naman ni Elis saka tinungga ang isang baso ng beer, pinagbawalan kaming uminom ng mga hard drinks e kaya hanggang beers or basta yung hindi nakakalasing agad.





Halatang nilalamig si Maya kaya kinuha ko ang jacket ko at ipinasuot sakanya, mamaya magkasakit siya ako pa may kasalanan. Iniwan muna namin si Maya sa table at nagpunta sa dance floor, halatang lasing na ang ibang sakanila dahil pagewang gewang pa sila habang nagsasayaw. Habang nagsasayaw kami ni Elis ay may sumulpot sa harap namin na gwapo at macho, nalove at first ata ako sakanya pero syempre loyal parin ako sa childhood friend slash crush ko. Hihi.




"Hey, can I dance with you?" tanong ni pogi, sinilip ko si Elis sa likod na may kasayanan na rin pala at todo hataw pa ang bakla!





"Sure!" pagkasabi ko nun ay biglang nalipat sa love song ang kanta, what the hell?? Tinignan ko yung lalaki pero nagkibit lang ito ng balikat. No choice kaya isinabit kona ang mga braso ko sa batok nya, nakaheels ako kaya halos isang inch lang ang taas nya sakin. Nilagay nya din ang mga kamay nya sa bewang ko, at hinila nya ako palapit sakanya kaya medyo napangiti ako sakanya. Yung parang couples na nagsasayaw ng sweet music ganun ang style namin ngayon. Okay lang naman sakin basta gwapo yung lalaki. "What's your name boy?" tanong ko.





"Timothy, and you?" sabi nya sabay kindat kaya pinalo ko ang braso nya. Halatang pafall ang isang to.



"Yvon" sabi ko ng nakangiti.


"Nice name bagay na bagay sayo"



"Don't me. Bolero ka!" kunwaring inis na sabi ko sakanya. Pabebe hahaha



"Nope, nagsasabi ako ng totoo!"




"Wehh? Lokohin mo lelang mo" sabi ko, tumawa lang ito.




"Yes, Ms. Davis"




Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ko alam kung papaano nya nalaman ang surname ko, hindi ko naman siguro stalker to diba?




"How did you know my surname?" kunot noong tanong ko, biglang naging wild ulit yung kanta kaya bumitiw na ako sakanya ganun din sakin.



"We are schoolmates, kayo yung transferee diba?" tanong nya kaya tumango naman ako.




"Ahh hindi mo naman kasi agad sinabi, napagkamalan pa kitang stalker ko sa isip ko hehe!" nahihiyang sabi ko.



"Wala yun, okay lang haha" -tim. Tim nalang itatawag ko sakanya, masyado kasing mahaba kapag timothy.



Nagpasya na akong bumalik sa table namin dahil walang kasama si Maya dun, pagdating ko sa table namin ay wala pa si Elis kaya tinanong ko si Maya.




Fallen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon