Chapter 1

108 4 0
                                    


(After 1 week)

Violet's P. O. V.

"Mommy!! ",rinig kong sigaw ni Graye habang umiiyak. Iniwan ko muna ang niluluto ko at pinuntahan siya sa kwarto niya.

"Bakit baby?  What happened? "

"Mommy!  Napanaginipan ko na *hikbi*  may ibang mommy na daw ako *hikbi* I don't want that to happen"-Graye habang umiiyak.

Kinarga ko si Graye at hinimas ang likod niya para kumalma na siya kakaiyak.

"Shh tahan na baby, nandito lang si mommy. Di ako mawawala"

"But it felt so real. Sa panaginip ko ,daddy doesn't love you anymore"-Graye

"Tahan na. I will always be here, di mawawala si mommy kasi siyempre babantayan niya pa ang baby boy niya. Tiyaka daddy loves us kaya wag kang mag alala"

Tumango lang siya at yumakap ng mahigpit sa leeg ko.

Pagkatapos ng ilang minuto ay di ko na nararamdaman ang pag galaw niya kaya sinilip ko siya.

Tulog na pala kaya inihiga ko na siya ulit sa higaan niya at hinalikan sa noo.

Bumalik ako sa pag luluto sa kusina.

Pagkatapos kong ihain ang mga pagkain, narinig kong bumukas ang pinto ng condo at nakita si Guanlin.

Nilapitan ko siya ngunit napatigil nang mapansin na nakainom ito.

Pa gewang - gewang na siyang lumakad kaya inalalayan ko siya papunta sa kwarto namin.

Pinahiga ko siya at sinimulang tanggalin ang sapatos at damit niya.

"Dane I still love you" -Guanlin

Napatingin ako sa kaniya at nakitang nakapikit pa ang mga mata niya.

"Nooo don't go!  I need you! I don't love her, i don't love Violet"-Guanlin

Gag* ano?! Sino ba yang Dane na yan!?  Ano ba siya sa buhay ni Guanlin?!

Kahit na nasasaktan ay pinalitan ko pa rin ang damit niya para di siya mag kasakit.

Alam ko namang nasabi niya lang iyon dahil lasing siya. Bukas, kakausapin ko siya kung sino si Dane.

Nagulat ako nang tumunog ang cellphone ni Guanlin kaya chineck ko iyon. ..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Bigla ko nalang iyong nabitawan at di na ma awat ang mga luha ko. Sobrang sakit.

(Text)
Guanlin:
Narinig kong bumalik kana dito sa Korea😊

Dane:
Ah oo


Guanlin:
Can we like?  Talk?

Dane:
Anong pag uusapan natin?


Guanlin:
About us

Dane:
Akala ko ba kasal ka na.


Guanlin:
Ikakasal pa lang,  pwede pang ma cancel yun. I still love you Dane. Sana bigyan mo pa ng second chance tong love story na tin.  Mag kita tayo sa Roses Bar ngayon.

Dane:
Okay pupunta ako diyan


(10:30 P. M.)

Dane:
Naka uwi ka na ba?  Naka inom ka pa naman. Mag ingat ka Edward ko😊 magpapakasal pa tayo.  Masaya ako at gusto mo pang bigyan ng second chance ang dating tayo at buti na lang nag ka usap tayo kanina . I love you😘


Ito na ba yung sinasabi ng panaginip ni Graye?  Jusko po, please wag naman sana. Next week na yung kasal namin.

Di niya na ako mahal. Di na ako mahal ni Guanlin.

I'm your AppaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon